CHAPTER 13

402 10 0
                                    

A/N: Happy 600 readers! I love you!





Venice's POV:

Biyernes, araw ng laro nila Eithan pero nandito pa din ako ngayon sa classroom namin dahil may pinapatos pa sa amin si Ms. Navarro, kami nalang ang tao dito dahil yung iba ay nandoon na sa soccer field para manood ng laro



Nag tetext na din sa akin si Eithan kung nasaan na daw ako dahil mag iistart na yung game pero hindi ako makapag reply dahil bantay sarado ako kay Ms. Navarro ewan ko ba at nasa akin ang tingin niya kaya mas lalo akong hindi makapag focus sa ginagawa ko


Natigil ako sa pagsusulat nang biglang tumunog yung cellphone, nakalimutan ko palang i- silent dahil ang alam ko ay maaga kaming idi-dismiss, nakita kong masama na ang tingin ni Ms. Navarro kaya nagpatay malisya nalang ako na hindi sa akin iyon pero mukhang hindi ata effective dahil lumapit siya sa akin


" Baka gusto mong patayin muna yung tawag Ms. Harrison? " mataray niyang sabi kaya tumango ako at dali daling kinuha yung cellphone ko para patayin yung tawag



Pero tumunog ulit kaya humarap ulit siya sa akin " sagutin mo na nga at mukhang importante! " tumayo ako para lumabas ng room bago sinagot yung tawag ni Eithan




" Asan ka na? Start na yung game "



" Baka mamaya pa ako makapunta, hindi pa kasi kami dinidismiss ni Ms. Navarro " narinig ko ang pag buntong hininga niya " Goodluck sa iyo galingan mo " sabi ko bago pinatay yung tawag at bumalik na sa room




Nang i-dismiss na yung klase ay agad kong niligpit yung mga gamit ko para makaalis na


" Ven " natigil ako sa pagliligpit ng gamit ko nang marinig ko ang boses na iyon



" Bakit? May kailangan ka? " tanong ko kay Gavin



" Gusto sana kitang ayaing kumain, libre ko "


" Busy kasi ako, ano ba iyon? Sabihin mo nalang sa akin kung ano yung gusto mong sabihin? " baka kasi may kailangan siya ulit kaya siya nag paramdam ulit


" Wala akong kailangan, gusto lang kitang ayaing kumain " tinignan ko yung oras at 4:00 na ng hapon at kanina pang 3:30 nag simula yung laro



" Next time nalang siguro, manonood pa kasi ako ng laro eh " tinalikuran ko na siya pero hinawakan niya yung braso ko kaya napatigil ako sa paglalakad







Shit! Yung puso ko!




" Sandali lang naman, makakapanood ka pa naman sa laro " bakit ba kasi makulit itong lalaking ito


" Saglit lang ah? " tumango naman siya agad kaya sumama na ako sa kanya dahil alam ko naman na kahit tumanggi ako sa kanya ay pipilitin pa din niya ako




Habang bumibili siya ng pagkain ay nag text ulit sa akin si Eithan





From: Eithan
      Asan ka na?




To: Eithan
    Wait lang, Andito pa kasi si Ms. Navarro eh




Ayun nalang ang isinagot ko dahil hindi ko na din alam kung ano ang dapat kong sabihin



Dumating na si Gavin dala ang mga pagkain na binili niya




" Sabi mo saglit lang tayo diba? Bakit ang dami mo naman atang binili? " tanong ko sa kanya nang makita ko kung ano ang mga binili niya




THE ONE THAT GOT AWAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon