CHAPTER 6

538 15 4
                                    


Venice's POV:

Mabilis na lumipas ang araw, bukas na yung foundation day namin kaya naging busy na lahat ng estudyante dito sa Clifford

Tapos itong si Rico pinabalik balik ako ng ilang beses, pinagtitripan yata ako


Bukas na din mangyayari yung surprise para kay Faye. Sana maging successful

Nakaupo ako ngayon dito sa soccer field at pinapanood silang mag tayo ng kanya kanya nilang booth

Photo booth yung napili ng section namin. Mamaya pa namin ilalagay yung mga designs kasi wala pa si Celine nasa kanya kasi yung mga gamit tapos hanggang ngayon wala pa din siya, nakarating na ata sa Korea



" Oh " napatingin ako sa nag abot sa akin ng tubig " mukhang pagod na pagod ka kaya binilhan na kita ng tubig " ngumiti ako bago ko kinuha sa kanya yung tubig


" Bukas na pala gaganapin yung plano niyo tapos hanggang ngayon hindi pa din ako kasali "

" Bakit ba sa akin ka nagrereklamo hindi naman ako ang may pakana dito. Kay Gavin ka mag reklamo "

" Edi broken hearted ka bukas? " nabuga ko yung tubig na iniinom ko, letse!

" Anong sinasabi mo dyan? " tanong ko sa kanya tapos tawa na siya ng tawa kahit wala namang nakakatawa


" kunwari ka pa! Kilala kita huy! " tumayo na ako nang makita ko na si Celine " hoy! Eto naman! " ewan ko sayo bahala ka mag salita dyan



Pagdating ko sa booth namin ay kinuha ko na agad yung mga gamit para masimulan na yung pag dedesign


Napatigil yung mga kaklase ko sa ginagawa at pag uusap nila dahil siguro napansin nila na wala ako sa mood ngayon samantalang kanina lang ang saya saya ko pa, hayup kasing Blake yun panira ng mood!



Alam kong nahahalata na talaga niya na may gusto ako kay Gavin pero kailangan pa ba niyang ipamukha na bukas magiging masaya na yung tao dahil nahanap na niya yung taong mamahalin niya habang ako nandito sa tabi at mukhang tangang nag mamahal sa taong alam ko namang hindi ako mamahalin




Lumabas na ulit ako sa booth namin pagkatapos naming mag design at nakita ko naman si Blake na nakatayo dun sa gilid at nang makita niya ako ay agad siyang lumapit


" Sorry na " hindi ko siya pinansin at nagpatuloy nalang ako sa pag lalakad " Uy sorry na, hindi ko naman alam na maooffend ka " patuloy pa din ako sa pag lalakad " bahala ka lilibre pa naman sana kita ng ice cream kaso wag nalang " bumalik ako tapos hinatak ko siya agad


" Tara na " basta talaga libre hindi ako tatanggi dyan



" takaw " tumigil ako sa pag lalakad para hampasin yung braso niya



" EDI WAG MO NA AKONG ILIBRE! "



" Joke lang! Halika na hehehe "




" Hmm! Nakalimutan kong sabihin sayo na gusto ka nga palang makilala ni mama " napatigil ako sa pag subo ng ice cream dahil doon sa sinabi niya


" huh? Bakit naman eh hindi naman kami magkakilala? " takang tanong ko sa kanya

" kaya nga gusto ka niyang makita para makilala ka "


" bakit nga!? " pinagtitinginan na kami dito dahil nag sisigawan kami kahit na magka tapat lang kami


" hindi ko din alam, madalas din kasi kitang ma kwento sa kanya kaya siguro nasabik siyang makilala ka "


THE ONE THAT GOT AWAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon