CHAPTER 9

495 13 1
                                    


Venice's POV:

Sa mga araw na nakasama ko si Eithan, aaminin kong napalapit na din ako sa kanya lalo na at madali siyang pakisamahan dahil mabait siya, marami din kaming pagkakapareho pagdating sa hilig o kaya sa pagkain



" Kailan tayo pupunta sa bahay ampunan? " tanong niya sa akin kasi balak din naming isulat kung saan napunta yung donation, matagal na naming napag usapan yon pero hanggang ngayon ay hindi pa kami nakakapunta dahil busy din kami sa iba pang school papers



" Ngayon na kaya? Mag excuse nalang tayo, maiintindihan naman siguro nila yon " agad naman siyang tumango sa sinabi ko kaya hindi na kami nag sayang ng oras at pinuntahan na namin yung mga prof namin ngayon para makausap na namin, agad naman silang pumayag at sana daw ay matagal na naming sinabi sa kanila yun para tapos na daw sana namin yung magazine




" Hello po, taga Clifford University po kami " pagbati ni Eithan doon sa isang babae na mukhang nasa edad 30 na




" Naku! Tuloy kayo! Maraming salamat pala doon sa inyong donasyon, tuwang tuwa ang mga bata! " pagkapasok palang namin sa loob ay nakita kong masayang naglalaro ang mga bata kasama ng mga laruan na mukhang isa iyon sa naibili nila sa donation, lumapit sa kanila yung babaeng sumalubong sa amin at mukhang may sinabi kaya napatingin sa amin yung mga bata bago tumakbo papunta sa amin ni Eithan



" Hello po! " masayang bati nila sa amin kaya lumuhod ako para magkapantay na kaming lahat at ganoon din naman ang ginawa ni Eithan " Salamat po sa tulong niyo! "  agad nila kaming niyakap kaya sobra ang tuwa ko



" Mag meryenda muna kayo, pasensya na at ito lang ang mapapakain namin sa iyo " nahihiyang sabi sa amin ni ate na hindi ko alam ang pangalan pagkatapos niyang ilapag sa lamesa ang tinapay at orange juice





" Okay lang po! Ate? "



" Helen " sagot ni ate Helen nung hindi alam ni Eithan ang itatawag sa kanya " kayong dalawa ba ay magkasintahan? " nagulat ako sa tanong niya kaya agad akomg humindi dahilan para matuwa siya dahil ang kinalabasan ay defensive ako " sige maiwan ko na muna kayo at para makakain na kayo " sabi niya bago niya kami iniwan doon



" Mukha pala tayong mag jowa? " napatingin naman ako kay Eithan na mukhang tuwang tuwa sa narinig kaya todo ang ngiti niya



" Kumain ka nalang dyan " habang kumakain kami ay may batang tumatakbo at nadapa kaya tumayo agad si Eithan para lapitan yung batang babae at binuhat niya para dalhin dito sa pwesto namin tyaka niya pinaupo sa hita niya



" Asan ang masakit? " rinig kong tanong niya doon sa bata na ngayon ay umiiyak na



Naglabas ako ng first aid kit para iabot yun kay Eithan, buti nalang lagi kong dala yun kaya magagamit ngayon


" Hapdi po iyan eh " pigil nung bata dahil papahidan na ng alcohol ni Eithan yung sugat niya kaya inuto niya yung bata na hindi yoon masakit, nakita ko tuloy yung sarili ko sa kanya kapag inuuto ko din yung kapatid ko na hindi nag aaway sila mama



Napangiti ako habang pinapanood silang dalawa dahil mukhang anak ni Eithan yung bata




" Anong nginingiti ngiti mo dyan? " tanong sa akin ni Eithan matapos niya akong makitang nakangiti habang pinapanood sila " Wala, bakit masamang ngumiti? " sabi ko sabay subo sa tinapay




" Mag asawa po kayo? " nasamid ako dahil sa tanong nung bata! Jusme ang bata bata niya pa bakit alam na niya yung salitang iyon, inabot naman sa akin ni Eithan yung orange juice para makainom ako agad " kayo nalang po ang umampon sa akin " sabi ulit nung bata



THE ONE THAT GOT AWAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon