CHAPTER 7

505 13 6
                                    


Venice's POV:

Papunta ako ngayon sa booth nila Blake para kausapin yang walangyang Faye na yan!


" Nasan si Faye!? " napatingin sa akin yung mga kaklase niya dahil sa lakas ng boses ko, agad din akong nilapitan ni Blake para ilabas doon


" Ano bang ginagawa mo? " hindi ko siya pinansin at bumalik nalang ako ulit doon sa booth nila pero patuloy pa din siya sa pag pigil sa akin kaya naitulak ko siya



Nang makita ko siya ay hinatak ko kaagad siya palabas


" San mo siya dadalhin!? " tanong naman nung kaibigan niya, Kelly ang pangalan



" Ven ano ba?! " pigil nanaman sa akin ni Blake



" Mag uusap lang kami okay! Kaya tumabi ka muna dyan please lang! " agad din naman siyang tumabi at halata sa mukha niya ang pagka gulat dahil ito ang unang beses na sigawan ko siya ng galit


Hinila ko si Faye sa walang tao para walang makakarinig sa usapan namin



" Bakit mo ba ako dinala dito? Ano ba ang pag uusapan natin? Pwedeng pakibilisan dahil busy ako "


" Bakit mo ginawa yun? " tanong ko agad sa kanya matapos siyang mag salita " Akala ko ba gusto mo siya!? "


" Akala ko din " natahimik ako dahil sa sagot niya. A-anong akala din niya? " Akala ko gusto ko siya pero bakit ganon? Hinahanap ko pa din yung pagmamahal sa akin ni Rico? Bakit hindi ko pa din maiwasang hindi ikumpara si Gavin kay Rico!? "




" Baka infatuation lang yung naramdaman ko kay Gavi– "



" Tanginang infatuation yan! Edi sana hindi mo nalang sinabi sa tao na gusto mo siya! Nag iisip ka pa ba!? " agad namang tumulo yung luha niya



" Hindi ko sinasadya! Kagabi nung mag simulang mag abot sa akin ng mga bulaklak, a-akala ko si Rico ang may pakana ng lahat pero nang makita ko siya sa isang tabi at malungkot na nakatingin sa akin, nasaktan ako " iyak pa din siya ng iyak habang sinasabi niya lahat yan



" Kaya mas pinili mo nalang na manakit ng isang tao dahil lang sa nasaktan ka? " hindi siya sumagot sa tanong ko " Alam mo bang sobrang nasaktan si Gavin dahil sa ginawa mo? Alam mo ba kung gaano kasakit makita siyang umiiyak nang dahil sayo? " iniwan ko na siya doon, bahala siyang umaiyak nang umiyak doon. Oo naiintindihan ko siya na hanggang ngayon mahal niya pa din yung bwisit niyang ex! Pero sana hindi nalang din niya sinabi kay Gavin na gusto niya din yung tao


Umasa yung tao! Hindi ako palamurang tao pero tangina niya!


Nung magsimulang umiyak si Faye kanina, naalala ko nanaman kung paanong umiyak si Gavin kagabi




~~FLASHBACK~~


Habang nanonood kami ng fireworks display naramdaman kong nagba- vibrate yung phone ko, bigla akong nag taka kung bakit tumatawag si Gavin sa akin eh kasama niya si Faye? Kaya nag punta muna ako sa gilid para sagutin yung tawag niya, baka kasi may kailangan sila doon at ipapadala nalang sa akin


" Hello? Napatawag ka? " agad na tanong ko pagkatapos kong sagutin pero walang sumasagot kaya tinignan ko kung call ended na ba pero hindi naman


" Gav– " natigil ako sa pagsasalita nang marinig ko na umiiyak siya kaya agad akong tumakbo papunta sa garden " pupunta ako dyan, antayin mo ako " sabi ko bago ko ibinaba yung tawag

THE ONE THAT GOT AWAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon