CHAPTER 20

489 12 4
                                    


Venice's POV:

" Anong gagawin natin dito? " agad na tanong niya sa akin pagkarating namin sa rooftop ng campus

Sa totoo lang hindi ko din talaga alam kung bakit ko siya hinila papunta dito, hindi ko alam kung anong isasagot ko sa tanong niya dahil maski ako hindi ko alam kung ano nga ba ang gagawin namin dito

Presko dito sa rooftop, makikita mo din kung gaano kaganda yung campus namin, ang dami ding taong naglalakad sa baba

" Gusto ko sanang makita ang sunset " wala sa sariling sabi ko sa kanya

Halatang nagtaka naman siya doon
" Sunset? Masyado pang maaga para makita mo yung sunset, anong oras palang " sagot niya tapos tinignan niya pa yung oras sa relo niya

" Alam ko " hindi ko na alam kung tama pa ba itong ginagawa ko, bakit ba kasi ang lutang ko ngayon?

" Edi umalis na tayo dito, mamayang hapon pa naman yun eh " sabi niya ulit tapos hinawakan niya pa yung batok niya

" Ayoko, wala naman tayong gagawin sa klase ngayon eh. Mag stay nalang muna tayo dito " sagot ko, mukhang wala na siyang maisip na idadahilan kaya naupo nalang siya sa gilid kaya ang ginawa ko naupo din ako sa tabi niya, naka pantalon naman ako kaya ayos lang

" Baka mainip ka dito kung aantayin natin ang sunset " sabi niya ulit

" Okay lang, gusto ko talagang maabutan ang sunset " sagot ko tapos tumahimik na ulit siya

" Galit ka ba sakin? " tanong ko matapos ng mahabang oras ng katahimikan

" Bakit mo naman yan natanong? "

" Dahil don sa ginawa ko noon, bago ka umalis " pahina ng pahina yung boses ko habang sinasabi ko iyon sa kanya, naalala ko nanaman kasi

Umiling siya " Okay lang, naiintindihan ko naman kung bakit mo nagawa yun. Hindi naman ako ang priority mo eh " sabi niya tapos ngumiti pa siya sa akin pagkatapos, nakangiti siya pero halata sa mga mata niyang malungkot siya

" Sorry " sabi ko

" Hindi mo naman kailangang mag sorry sa akin " sagot niya

Bakit ba napaka bait niya? Dapat makaramdam siya ng galit sa akin dahil may mali akong nagawa sa kanya

" Tyaka " napatingin ulit ako sa kanya nang magsalita ulit siya " hindi ka naman sa akin " mahinang sabi niya pero dahil magkalapit kaming dalawa ay narinig ko ang mga salitang binitawan niya

Hindi ka naman sa akin. Hindi ka naman sa akin. Hindi ka naman sa akin

Paulit-ulit na sinasabi ng isip ko ang mga salitang iyon

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumahimik ulit kaming dalawa. Ihip lang ng hangin ang tanging naririnig namin dahil walang may gustong mag salita sa aming dalawa

Hindi ka naman sa akin

Pumasok ulit sa isip ko ang salitang iyon

Matagal na siyang nanliligaw sa akin pero hanggang ngayon ay hindi ko pa din siya sinasagot, ewan ko din kung bakit. Nalilito ako

" Sinasagot na kita " sabi ko kaya napatingin siya sa akin, halatang naguguluhan pa siya at kagaya ko mukhang nalilito na din siya

" A-anong si-sinabi mo? " tanong niya ulit

" Sinasagot na kita " pag uulit ko sa sinabi ko kanina sa kanya, mas lalong nanlaki ang mata niya

" Edi tayo na? Girlfriend na kita? " paninigurado niya pa kaya mas lalo akong natawa

" Oo nga! Sinasagot na kita, tayo na, girlfriend mo na ako " tuloy-tuloy kong sabi

Nagulat pa ako nang bigla niya akong yakapin ng mahigpit pagkatapos ay hinawakan niya pa ang pareho kong pisngi bago niya ako titigan sa mata

" Totoo ba yan? Hindi ka ba nag bibiro? Baka mamaya prank lang yan " sabi niya pa kaya pinisil ko ang matangos niyang ilong

" Ang kulit mo, hindi nga ako nag bibiro! " napangiti siya matapos kong sabihin iyon sa kanya

Napapikit ako nang maramdaman kong hinalikan niya ako sa noo

" Thank you. Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya ngayon " bulong niya pa sa akin

Sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya

" Kwentuhan mo ako " sabi ko

" Tungkol saan? Yung kwento lang ni Pagong at Matsing ang alam ko eh " natawa ako sa sinabi niya

" Hindi yun! Kamusta lolo mo? " may pagong at matsing pa siyang nalalaman HAHAHA

" Ah, lilinawin mo kasi sa susunod " natatawa niya pang sabi


" Okay naman siya, lumalaban pa din. Ang daming tinuturok sa kanya sa isang araw " halata sa boses niya ang lungkot nang sabihin niya iyon " Natuwa nga siya nang makita niya kaming nandoon para dalawin siya. Kami lang daw ang nakaisip na puntahan siya doon para kamustahin " tuloy niya


" Gaano ka kalapit sa lolo mo? " tanong ko ulit dahil pagkatapos niyang sabihin yung kanina ay nanahimik ulit siya


" Sobra " sagot niya " siya ang nag alaga sa akin noong bata ako sa tuwing umaalis ang magulang ko dahil papasok sila sa trabaho. Hilig din niya akong ipasyal sa park noon para daw makapag laro ako tapos bibilhan niya ako ng ice cream pagkatapos " napangiti ako sa sinabi niya dahil parang naiimagine ko yung mga sinasabi niya


" Tapos nagalit si mama sa kanya kasi nadapa ako kaya nagkasugat kaya hindi na ulit kami nag punta sa park para mag laro "


" Eh bakit kasi hindi ka nag iingat!? " tanong ko kaya natawa ulit siya


" Hindi ko naman alam na madadapa pala ako tyaka kasalanan ko ba kung tinulak ako ng kalaro ko noon " sagot niya tapos ngumuso pa, hilain ko nguso niya eh


" Ituloy mo na dali " sabi ko ulit


" Wala naman ng nangyari pagkatapos noon, nasa bahay nalang kami palagi, binibilhan niya pa din naman ako ng ice cream "



" Kaya siguro hilig mo yung ice cream " sabi ko

" Siguro HAHAHA " natawa din ako dahil sa tawa niya kahit wala namang nakakatawa


Nag tuloy-tuloy lang ang pag kukwento niya. Hindi na namin namalayan yung oras at hapon na pala



" Ayan na yung sunset! " masayang sabi ko sa kanya habang tinuturo ko pa yung araw na papalubog na


" Ang ganda " namamangha kong sabi


" Oo nga ang ganda " sabi niya akala ko yung araw yung tinutukoy niya pero naramdaman kong naka titig siya sa akin kaya napatingin din ako sa kanya, nagulat pa siya kasi bigla akong tumingin sa kanya kaya tumingin siya agad sa araw " Ang ganda haha " sabi niya pa


Hindi ko nalang pinansin at tinignan ko nalang din yung araw



Sa totoo lang hindi ko alam kung tama pa ba itong ginagawa ko, kung tama ba na sinagot ko na siya kahit alam ko sa sarili ko na si Gavin pa din ang tinitibok ng puso ko








~~PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT! KAMSAHAMNIDA💜

THE ONE THAT GOT AWAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon