Louis
"Bwisit!"
Napasigaw na lang ako dahil sa nabasa kong text mula sa kaibigan ko.
"Bwisit talaga!"
Ang aga-aga sira na agad ang araw ko kaya naiinis man ay bumangon na lang ako mula sa pagkakahiga.
Inayos ko ang picture frame sa bedside table at tiningnan ang litrato ng nakangiting batang lalaki habang nakaakbay sa kaniya ang isang batang babae.
Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.
Isinuot ko ang tshirt na nakasampay sa headboard ng kama at tinungo ang lababo para maghilamos.
Kailangan kong kumalma.
Napabuntong-hininga ako habang pinagmamasdan ang imahe ko sa salamin.
Binuksan ko ang kurtina upang papasukin ang liwanag mula sa papasikat na araw.
Maaga pa pero nagdesisyon na rin akong maghanda para sa klase mamaya. Hindi na rin naman ako makakatulog nito dahil sa kakaisip.
Wala akong gana na magluto ngayon kaya simpleng agahan na lang ang gagawin ko. Inuna ko ang pagsasaing at nagprito ng hotdog at itlog. May tira pa naman akong sinigang kagabi, iinitin ko nalang.
Pagkatapos kumain ay muli akong humarap salamin. Sinisipat ko ang aking sarili habang isinusuot ang aking school uniform nang mag-ring ang cellphone ko.
"Pre?" tanong ko sa kabilang linya.
["Nabasa mo na?"] balik na tanong niya dahilan para kumunot ang noo ko. Narinig ko pa ang mahina niyang tawa.
"Oo, paalis na ako. Kita tayo sa coffee shop malapit sa school," inis kong sagot. May sasabihin pa sana siya pero pinatay ko agad ang tawag.
Napansin kong nakakunot pa rin ang noo ko nang mabalik ang tingin ko sa salamin.
Minasahe ko ang parte ng kilay ko na halos magdikit na.
"Kailan ko ba nakuha ang habit ko na 'to?" tanong ko sa sarili ko habang marahang tinatapik ang magkabila kong pisngi.
Bago ako lumabas ng pinto ay napabulong pa ako sa sarili ko na tila ba isang dasal.
Sana huwag ako guluhin ng gago. Please lang.
-~🍀~-
Ako nga pala si Louis Vasquez, 19.
Simpleng studyante sa isang university dito sa Manila.
Mag-isa akong nakatira malapit sa school.
Nasa probinsya ang magulang ko na busy sa pag-aasikaso ng business nila. Kasama nila doon ang kapatid kong babae na 7 taong gulang.
Pinipilit nila akong doon nalang mag-aral pero mas pinili ko dito. Gusto ko rin kasi matuto na maging independent.
Nagtatrabaho ako 3 beses sa kada linggo sa isang coffee shop malapit sa school para sa iba kong pangangailangan.
Noong una, ang plano ko talaga ay ako na ang sasagot sa bayarin sa bahay at sa school. May nakuha naman akong scholarship kaya naisip ko na kaya ko naman pagsabayin ang pag-aaral at trabaho.
Pero nang malaman ito ng magulang ko ay sobra ang pagkontra nila sa desisyon ko. Mahaba ang naging usapan at pilitan bago kami nagkasundo.
Sila na ang bahala sa bayad ng tutuluyan ko, ito ang kondisyon nila sa pagpayag.
Gusto ko sanang mag-apartment nalang na sobrang kinontra ng magulang ko. Kung hindi ako pumayag na ikuha nila ako ng unit sa isang condominium ay baka magwala na si mama at pauwiin agad ako.
Iniisip lang daw nila ang safety ko.
Naalala ko tuloy nang ihatid nila ako dito. Halos bumaha ng luha sa loob ng sasakyan dahil sa iyak ni mama. Napapailing nalang kami ni papa. Kahit sana hindi na nila ako ihatid pero mapilit talaga si mama.
Gusto din daw nilang i-check ang lugar.
Pagka-uwi nga nila ay agad akong tinawagan ni mama dahil daw umiiyak ang kapatid ko pero siya naman itong naririnig kong humikbi.
Hindi ko nalang nabanggit sa kanila ang plano kong maghanap ng trabaho. Tatlong taon na din mula ng matanggap ako sa trabaho.
Napangiti tuloy ako dahil naalala ko ang hitsura ni mama ng mga oras na iyon.
"Hi Lou!" bati sa akin ni Iana sabay lapag ng bag niya sa upuan sa harap ko. Kaibigan ko at girlfriend ni Cedrick. "Kanina ka pa? ah wait order lang ako," walang lingon-lingon ay iniwan niya ako para umorder.
Madami rin naman akong kaibigan dito sa loob at labas ng University pero pinakamalapit sa akin ang magkasintahan.
"So?" paghingi niya ng sagot sa tanong niya kanina at humigop sa dala niyang mainit na tsokolate.
"Mga 1 oras na din," ipinakita ko sa kanya ang iced coffee na tanging yelo na lang ang natira. "Nasaan pala si Ced? Bakit hindi mo kasama?" Usapan kasi namin na agahan niya eh.
"Papunta na rin 'yon. Hindi ko na hinintay. Nabanggit niya kasi sa akin na pupunta ka raw dito so umuna na ako para maki-chismis sa'yo," paliwanag niya ng nakangiti at itinaas pa ng dalawang beses ang parehong kilay.
"Yeah yeah," walang buhay kong sagot. "Knowing you—"
Itinaas ni Iana ang kanyang kanang kamay na sinundan ko ng tingin. Si Cedrick. Lumapit agad siya sa aming pwesto nang makita niya kami at tinabihan si Iana.
"Mahimbing ba ang tulog ng aming prinsipe?" pang-aasar ni Cedrick. Si Iana naman ay tuwang-tuwa sa binitawan ng boyfriend niya.
"Alam niyo ito kayo oh," sabay pakita sa kanila ng middle finger ko.
"Naka-kunot na naman ang noo mo Lou kaya ang bilis mo tumanda eh. Bawas pogi points," pagpuna sa akin ni Iana.
"Mas pinapasakit niyong dalawa ang ulo ko eh. 'Di ba tutulungan niyo dapat ako sa problema ko," paalala ko sa kanila. Gusto ko sanang humingi ng payo sa kanila pero maling tao yata ang nahingian ko ng tulong.
"Okay Bro, sabi mo eh-," si Ced "-pero paano 'yan mukhang hindi ka tatantanan n'on. At isa pa nga alam niya number mo."
"Na-block ko na number niya sa phone ko," sagot ko.
"Eh bakit kasi hindi ka nalang mag-sorry. Kasalan mo din naman eh," singit ni Iana.
"Ako magso-sorry? At paanong kasalanan ko? Hindi ko naman siya sasapakin kung hindi rin naman dahil sa kanya."
"Tama si Iana. Ikaw ang lumapit at nanggulo sa tao," pagsang-ayon ni Cedrick habang nagbigay ng magkakasunod na tango.
Napahalumbaba ako sa naging tugon nila at pilit na inalala ang nangyari sa bar.
"Ako ba talaga ang may kasalanan? Wala nga ako maalala bukod sa oras na hinalikan niya ako eh" bulong ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ang labas mula sa salamin.
"OMG! H'wag mong sabihin na all this time, na-block mo na yung number niya at lahat, tapos hindi mo pala naaalala ang nangyari," medyo napalakas ang boses ni Iana. Narinig pala niya ang sinabi ko. Tsk.
"Babe, kalma lang. Nakakahiya sa mga tao oh," pagpapakalma ni Ced kay Iana ngayo'y namumula sa hiya dahil sa inakto niya.
Tsk.
"Oo na, inaamin ko. Lasing ako noon at huwag niyong isisi sa akin ang lahat dahil kayong dalawa ang nag-aya sa akin uminom," tiningnan ko ng masama ang dalawa. "At for sure hindi niyo rin naman talaga alam kung anong nangyari dahil lasing na rin kayo ng mga oras na 'yon," pahabol ko pa.
"Medyo tama ka naman. Lasing nga kami pero mas lasing ka kumpara sa aming dalawa," sagot ni Ced, "kaya alam pa rin namin, 'di ba babe?" isang mapang-asar na ngiti ang ibinato niya sa akin na siya namang sinuklian ni Iana ng ngiti.
"A-anong ibig niyong sabihin?" taka kong tanong sa dalawa.
Si Iana naman ay inilabas ang cellphone niya at iwinagayway sa ere.
"Ito oh."
🍀
BINABASA MO ANG
Kung hindi rin lang Ikaw [BXB] - slow update
Romance"Magkaiba ang mundo nating ginagalawan. Magkaibang takbo ng buhay ang ating sinusundan. Kaya nagpapasalamat ako sa tandhana dahil pinagkrus niya ang ating landas." -Juan Miguel "Kung hindi rin lang Ikaw" This is a work of fiction. Names, characters...