CARLY
"BAKIT HINDI AKO PWEDENG MAG-CLAIM NG CENOMAR?" tanong ko sa babaeng nasa likuran ng booth.
Ang goal ko lang naman dito ay makakuha ng Certificate of No Marriage bilang requirement sa kasal namin ni Erik. I didn't have the time for this inconvenience or excuse that I would not be bringing home a certificate. Kaya heto at kinuwestiyon ko ang staff na nagsabi niyon sa akin.
Paling ang ngiting ginawad niya sa akin.
"Ma'am, baka naman CEMAR po ang kailangan ninyo. Hindi CENOMAR."
Dama ko ang pagkunot ng noo ko. "CEMAR..." Inalala ko talaga kung para saan iyon. CEMAR meant Certificate of Marriage. "Para iyon sa mga kasal na, 'di ba?"
"Yes, Ma'am." Medyo nabuhayan siya ng loob dahil sa pagbaba ng tono ko. "As per records ho kasi, married na kayo."
Married.
Fuck. I'm married. I'm already married.
Hindi ko alam kung ngingitian ko ba ang babae o aawayin. I should blurt out that I was never married when I remembered my amnesia. Can you believe the irony and play of words? I remembered my amnesia.
Humugot ako ng malalim na paghinga. "Then...I should be requesting for a CEMAR...right?"
"Yes, Ma'am," sagot niya at sinunod niya ang pag-instruct sa akin kung nasaan ang forms na kailangan kong i-fill-up para makapag-request ng kopya ng CEMAR.
Dahil sa kinonsumong oras ng paghihintay ko para lang masabihang CEMAR at hindi CENOMAR ang kailangan ko, umuwi akong walang dala. Request form lang.
Tinigil ko ang kotse dahil sa stoplight. Sa sobrang tagal ng traffic, iritableng kinuha ko mula sa shoulder bag na nasa katabing seat ang kopya ng request form. I gave it a look.
Gaano katotoong kasal na ako? Mommy would not let me marry Erik if I was really married, right? At paano ko makikita ang certificate para ma-double check kung totoong kasal na ako? Ni hindi ko nga alam ang pangalan ng asawa ko. At kailangan kong isulat iyon sa request form para makakuha ng kopya ng CEMAR.
Malaman ko man ang pangalan ng asawa ko, kakailanganin ko pa rin ang ilang detalye tulad ng petsa at lugar kung saan kami kinasal...
I shoved in a deep breath.
I really, really, really needed tons of patience. Ayokong masigawan ang mommy o anuman. I wanted to hear her side first. Hindi ako dapat magpadala sa nararamdaman ko.
To be honest, I really felt so betrayed.
And because of my amnesia condition, I grew a hate for anyone who would dare betray me or twist the truth just because I could not remember the past anymore. Kahit ayoko nang balikan iyon, ayokong may manloko sa akin tungkol sa nakaraan ko. Iniisip ko pa lang na may gumawa niyon sa akin, nanginginig na ako sa galit.
Sinuksok ko ulit sa bag ang form nang mag-ring ang cellphone ko. My smartphone was right at my car's phone holder. Nakita ko agad ang pangalan ni Erik sa screen.
Oh, Erik... I let out a groan.
I almost forgot to talk about Erik. Pagkatapos naming kolektahin ang mga naiwang gamit sa townhouse na ibebenta, nakilala ko naman si Erik sa isang online dating site. Nung una, concerned si mommy, pero nung sinabi ko sa kanyang kailangan kong gawin ito para maka-move forward sa buhay ko, wala na siyang nagawa.
BINABASA MO ANG
The Test
General FictionWhile preparing for her wedding, Carly Olivares discovers that she's already married to someone she doesn't even remember. In finding answers to her questions, she then meets Kevin Ian Simon--a tempting test she's not sure if she can pass at all. **...
Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte