Wattpad Original
Mayroong 2 pang mga libreng parte

6

9.5K 263 33
                                    

CARLY

"HINDI," mariing tanggi ni Ian. "Hindi kita ihahatid pauwi sa kung saan ka man nakatira."

"At bakit?" Pamaywang ko.

Pagkabalik ko sa apartment niya, abala na si Ian sa paghuhugas ng bigas. Sinamantala niya yata ang pag-alis ko para makabili ng lulutuing panghapunan.

"Ano ka, five years old?" Salubong ang mga kilay na lingon niya sa akin. "Kailangan pa kita ihatid?"

"Eh, hindi ko nga alam kung ano ang mga sasakyan pauwi sa condo ko! I am not familiar with commuting and stuff."

Nakatalikod siya mula sa direksyon ko kaya hindi ko na makita ang reaksyon niya nang ibalik ang tingin sa harap. Mabibigat ang mga hakbang na sinugod ko siya.

"Ian, pakiusap naman. Ihatid mo ako sa amin. Commute. I'll pay. Pati pamasahe mo pauwi babayaran ko."

He groaned. "Ayoko nang bumiyahe, pagod ako."

Bwisit din talaga itong lalaking ito. Kung hindi lang dahil sa paghahanap ko kay Zacharias, hindi ko pagtitiyagaan itong mga nangyayari. And maybe, he was being this stubborn because he knew I needed him.

Oo, naiintindihan kong kakauwi lang niya galing sa biyahe nung tangka niya akong takasan at pumunta sa Cotabato nang mag-isa. Pero kahit na. Kasalanan ko bang pinagod niya ang sarili niya, matakasan lang ako?

"Okay then." Upo ko sa dining table. "Make a dinner for two then."

He wildly turned and blurted, "For two?"

"Oo. Tutal, sasamahan niyo naman ako ni Jack sa LTO bukas, dito na lang ako mago-overnight," hamon ko sa kanya, may kalakip pang nang-aasar na ngiti. "Dito na rin ako magdi-dinner."

"Hindi," anas niya. "Ano na lang ang iisipin ng Erik mo?" Tumalikod siya. Pinaspasan ni Ian ang paghuhugas sa bigas at pinatong agad sa kalan ang kaldero. "Bakit hindi ka na lang magpasundo riyan sa pakakasalan mo?" Bukas niya sa gas at kalan.

"Magpasundo?" I smiled wider. "Eh 'di magtataka si Erik kung bakit nandito ako. Magtataka 'yon kung sino ang kinikita ko rito, 'di ba?"

I heard him groan as he spun to face my direction. Kita ko sa mga mata ni Ian na talong-talo na siya pero ayaw pa ring sumuko.

"I told you, no one should know that I am looking for Zacharias. Especially Erik."

Lumapit siya sa dining table. He stood across where I sat. Tinukod ni Ian ang mga kamay sa ibabaw ng sandalan ng isang upuan.

"Fine. Dumito ka na muna kung iyan ang gusto mo." Matamang titig niya sa akin.

As if matatakot niya ako sa patitig-titig niyang ganyan.

I gave him a slight smile. Hindi ko mabigyan ng effort ang pagngiting iyon dahil bigla akong inatake ng kung anong kaba sa dibdib. Bigla ko na lang naramdamang parang hindi magandang ideya itong nasa iisang bahay o...kwarto lang kami ni Ian...

Muntik na akong mapatalon nang may initsa siya sa direksyon ko. Isang plastik iyon ng mga...dahon.

"Habang 'di pa luto ang bigas, maghimay ka muna niyang malunggay."

Namilog ang mga mata ko. Maingat kong hinila palabas ng plastic ang mga tangkay ng malunggay. Binigkis ang mga iyon ng goma.

"Himayin?" Balik ng mga mata ko sa kanya.

The TestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon