CARLY
I STOPPED ON MY TRACKS. Ilang minuto ko ring hinanap si Ian bago siya natanaw. He was leaning against a railing, facing the ocean. Nakilala ko lang siya sa suot niyang damit at pamilyaridad ng kanyang katawan. Doon ko na binagalan ang paglakad. Halos hindi niya napansing parating na ako. Gulat na napalingon tuloy siya nang tumayo ako sa kanyang tabi.
My eyes were on the calm ocean. Upon the horizon, the evening sky was pushing down the afternoon ones. Halos nakahalik na sa dulo ng karagatan ang kulay kahel at mamula-mula niyang liwanag. Sa ibabaw naman niya, naghalo ang madilim na asul at lila. I tucked a hairstrand behind my ear. Nakaalpas sa pagkaka-low ponytail ang hibla ng buhok dahil sa lakas ng pagaspas ng malamig na hangin.
"Ang ganda ng view," pigil-hininga kong saad bago nasalo ang titig ni Ian sa akin.
Tipid ang naging pagngiti niya. Binalik ni Ian ang tingin sa dagat.
"Bukas, nasa Cebu na tayo," aniya.
I nodded. Iyon ang una naming stop over-Cebu. Doon kami ibababa ng barkong ito bago kami sumakay ng isa pang ferry papuntang Cagayan De Oro. At mula sa Cagayan De Oro, may isa pang mahaba-habang biyahe papuntang Cotabato City. This time, it would be a trip on land. Thank, God.
"Sabado na bukas," wika ko.
"Oo. At sa Friday pa ang departure time ng barko papuntang CDO."
"It means we can stroll, right?" Excited kong lingon sa kanya.
Oo, sinadya kong banggitin na Sabado kami makararating ng Cebu para mapunta sa ganitong usapan.
His smile was faint as he eyed me. "We?"
"Oo. Sasamahan mo ako."
Hindi niya napigilan ang pagtaas ng sulok ng labi. "At bakit gusto mo namang pasyalin ang Cebu?"
"Because I have never been there. I have never been in so many places...Ian." Buntonghininga ko. "I'm already in my thirties and the only places I've been to are Manila, and New York, and Manila." Nilingon ko siya. "Isn't that unfortunate?"
Nagkibit-balikat lang siya. Iniwas ang tingin sa akin.
"Ang daming lugar sa mundo na pwedeng pasyalan. Mangilan-ngilan lang ang nabibigyan ng opportunity na makabisita sa ibang lugar."
"Marami ka namang pera, bakit hindi ka mag-travel-travel?"
Napayuko na lang ako. "I guess I'm just scared."
Naramdaman ko ang matamang pagtitig niya sa akin.
"Nawalan ako ng alaala nung naaksidente ako. Somehow, I am still scared it will happen again. Ang sabi kasi ni Mom, sa car accident daw ako nagkaganito. In an out of town trip." Napatingala ako. Sinalubong ako ng matamlay na kalangitan. "Kapag nawala ang mga alaala mo, magaan siya sa pakiramdam. But what feels light meant that it's empty. When you realize that, it starts to bother you."
"Saang out of town naman iyon?"
"Mom doesn't know." Mapait kong ngiti. "Nasa US pa kasi siya no'n. Nabalitaan na lang niyang naaksidente ako sa SLEX. Judging from that, she instantly knew I was going out of town. Hindi lang niya alam kung saan. Nadatnan na lang niya akong mga two weeks nang unconscious sa ospital."
Nang lingunin ko si Ian, napayuko na lang siya.
"Saang room ka nga pala?" pag-iiba ko ng topic.
BINABASA MO ANG
The Test
General FictionWhile preparing for her wedding, Carly Olivares discovers that she's already married to someone she doesn't even remember. In finding answers to her questions, she then meets Kevin Ian Simon--a tempting test she's not sure if she can pass at all. **...
Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte