Prologue

425 89 12
                                    

ZIO

"Guys Kilos kilos na at magbubukas na tayo" naiirita si Zio dahil sa araw araw niya nalang naririnig na sinasabi ito ng kaniyang Madam Dawan.

"Yes Madam!" sabay sabay na sabi niya at ka-trabaho.

"Madam ilang customer target natin ngayon?"

"Mga isang milyon pwede na"  sarkastikong sagot nito na mas lalong nagpainit ng kaniyang ulo.

Lumipas ang ilang oras na puro trabaho si Zio sa Wanda Salon. Saktong break niya, hindi muna siya kumain at dali daling pumunta sa Tamad Room para makapagpahinga.

"Nakakapagod 'tong araw na 'toh, makapag pahinga nga muna" aniya sa kaniyang sarili.

NAGISING siya sa lakas ng katok na naririnig niya. Dali dali niya itong binuksan ng makita si Lindsay, she is my co-worker here in Salon and also my bestfriend.

"What is it, Linds?!"

"Easy Girl! Pinapatawag ka ni Madam" nakunot ang noo niya at tumingin sa relo para i-check kung tapos na ang break time niya.

“Bakit daw? Isang oras ang Break Time ah meron pa akong 20 minutes." nagtatakang tanong ni Zio kay Lindsay pero ginawadan lang siya nito ng ngiti.

Lumabas siya ng Tamad Room at pumunta sa Queen Room kung saan nandun ang Madam Dawan nila na kulang nalang maging clown na dahil sa kapal ng makeup.

"Madam pinapatawag mo daw po ako?" pilit siyang ngumiti.

"Oh yes, Hija may iuutos ako sayo" As usual utos na naman

"Ano po 'yun Madam?"

"Gusto ko lang namang ayusan mo itong gwapo na ito at mas lalo pang pa-gwapuhin" landing boses nito habang nakatingin sa lalaki na nasa kaliwang Sofa.

Napairap si Zio dahil sa sinabi ng kaniyang Madam Dawan at tumingin sa lalaking nasa sofa.

Namilog ang mata niya ng magkasalubong ang mata nilang dalawa. Hindi niya akalain na ganun ka gwapo ang lalaking aayusan niya.

Mula sa Mata nitong mapangakit na kulay Light Brown sa Matangos nitong ilong at sa Mapangakit nitong labi na may pagka reddish na bumagay sa pagka Mestizo niya at ang katawan nitong napakasa--- "Zio!" natigil ang pagnanasa ni Zio sa lalaki ng may bumatok sa ulo niya.

"Aray! Madam naman eh ano ba 'yon?!"

"Kanina pa ako daldal ng daldal dito hindi ka naman pala nakikinig" mas lalong napakunot ang noo niya sa sinabi nito, nagsasalita pala 'toh. Bakit hindi niya naririnig?

"Sorry Madam ano po ba 'yong sinabi mo?" nagtatakang tanong niya pero inirapan lang siya nito.

"Hay nako Zio Gray! Hindi ko na uulitin ung sinabi ko simulan mo na ang trabaho mo!"

"Kung makasigaw kala mo wala ng bukas" She murmured

"May sinasabi ka?"

"Po? Wala po Madam." pagsisinungaling niya.

Naiilang na tumingin si Zio sa lalaki at tinuro ang daan papuntang Special Room, kung saan nila inaayusan ang mga Customer na may Wanda Salon Card.

"This Way Sir" turo niya sa lalaki.

Umupo ito kung saan na kaharap ang Salamin at kinuha ang 'Wanda Hair Styles Book, dito nakalagay ang mga iba't-ibang hairstyles for girls and boys.

Habang pumipili ang lalaki inaayos na ni Zio ang mga gagamitin niya pang-gupit.

"I want this Hairstyle" napatigil si Zio sa pagaayos ng gamit at napatingin sa pinanggalingan ng malalim na boses na narinig niya.

Dali-dali siya na lumapit siya sa lalaki at tinignan ang tinuturo nito ng makitang Crew Cut ang gusto nito.

Sinimulan ni Zio ang paggupit sa buhok nito ng walang imikan na nangyayari pero sa tuwing nakikita niya na nakatingin ang lalaki sa kaniya ay mas lalong kinakabahan at mas lalong bumibilis tibok ng puso ni Zio.

Bakit ganito ang nararamdaman ko? Ang bilis ng tibok ng puso ko. Baka kinakaban lang ako? Oo, tama , kinakabahan lang ako. Pero bakit ako kakabahan?

Mabilis niya din naman itong natapos pero hindi padin talaga mawala ang kaba niya lalo na ngayong tinitignan na ng lalaki ang gupit na ginawa ni Zio sa kanya.

"Ahm. Sir, ayos lang po ba?" kabadong tanong niya sa lalaki.

Naglakad ito papalapit sa kaniya ng mas lalong nakapag pabilis ng tibok ng puso niya.

"Hmm.. Medyo Panget. Mas gusto ko ung nag gupit sakin dati" nakunot ang noo ni Zio sa narinig niya at naginit ang dugo nito.

Unang beses palang na may nagsabi na panget ang pagkakagupit niya kaya naman hindi siya marunong tumanggap ng masamang puri.

"Sir una sa lahat sana hindi ka dito nagpagupit! Pangalawa sana hinanap mo muna ung nag gupit sayo dati bago ka pumunta dito! At Pangatlo sana ikaw nalang nag gupit sa sarili mo! Bwiset ka!" Akmang bibigyan niya itong mag asawang sampal ng mahawakan kaagad ng lalaki ang kamay niya at bigla siyang sinunggaban ng halik.

"Too Slow, Baby" bulong nito sa akin at biglang umalis na para bang hindi siya nito hinalikan.

W-wait! What? Hinalikan? Hinalikan niya ba talaga ako?! Waahhh!!! ANG FIRST KISS KO!


•J O Y F U L•

Exquisite Love 1: His ParloristaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon