CHAPTER 07

102 36 4
                                    

ZIO

Masaya siyang naglalakad at parang swing na dinuduyan ang kaniya kamay at bahagya pang tumatalon.

At dahil tanggap na ako wala na akong ibang iisipin pa! Kasi simula bukas magt-trabaho na ako!!! Teka… Ano ang trabaho ko? Matawagan nga muna si Mr.Sunog. Ganda ng endearment ko sa kaniya noh?

Nilabas niya ang cellphone niya at akmang tatawagan niya si Macario ng biglang maalala na…“Wala nga pala akong number niya” kaya napagdesisyunan niya na bumalik sa restaurant dahil hindi pa naman siya nakakalayo.

MABILIS siyang nakabalik sa Restaurant at umakyat sa opisina ni Mr. Sunog at binuksan niya ang pintuan ng walang paalam.

Natigilan siya dahil ung sekretarya niya na tinarayan siya ay umiiyak sa harapan ni Mr. Macario pero dahil wala siyang pakielam dumiretso padin siya sa loob at umupo pa sa lamesa ni Mr.Macario.

“Hi! Bakit ka naiyak?” tanong niya sa babae pero masama ang tingin nito sa kaniya.

“Ikaw! Ikaw ang may kasalanan kung bakit wala na akong trabaho!” paninisi nito sa kaniya at halatang halata na panget siya… ay este Galit siya.

“Anong ginawa ko sa iyo?” tanong niya sa babae pero tinalikudan siya nito at lumabas ng opisina.

“Baliw…” sambit niya.

“Bakit ka nandito?” nagulat siya sa tanong nito kaya napatayo siya bigla

“Ay! Kabayo!”

“Do I look like a horse to you?” tanong sa kaniya nito.

“Nope” she said while popping the ‘p’ “But you look like a sunog to me” sabi niya dito at tumatawa.

“Nevermind. Anyways why are you here Ms. Gray?” tanong nito sa kaniya.. Oo nga… bakit siya nandito?... Ayy.. Oo nga pala
“Gusto ko kasi mahingi number mo” kumunot ang noo nito at tinaasan niya naman ito ng kilay.

“And why?”

“Why your face. Of course I need your number.” Sabi niya dito pero hindi man lang ito kumilos

“I don’t wanna give my number to you. Now, you may leave” tinitigan niya lang ito ng masama hanggang sa nakaisip siya ng paraan kung paano niya makukuha ang number nito.

“Huhuhu!” pagkukunwari niyang iyak at mas lalo pa niyang nilakasan.

“What the.. Why are you crying? You look crazy. Stop doing that!” sabi nito sa kaniya pero hindi padin siya tumitigil.

Sige lang iyak pa iyak pa tutulo na luha mo sige pa.

Tumulo na nga ang luha niya at tumingin kay Macario at tuloy pa din sa pag akting.

“Kailangan ko ang cellphone mo ung kapatid ko kasi may sakit malala na sobrang lala huhuhu! Nakalimutan ko pang dalhin cellphone ko” umupo siya sa upuan at tumungo at tuloy pa din ang akting niya.

Naramdaman niya na lumapit si Macario sa kaniya at umupo sa upuan sa harap niya.

“Ano bang sakit niya?” tanong ni Macario sa kaniya.

Shit! Ano bang pwedeng sakit? Ang oa naman kung ubo lang ang sama ko naman kung sinabi kong cancer.

Isip…

Isip...

“Pangetism. Pangetism ang sakit niya sobrang malala na”  sabi niya kay Macario at tinignan niya ito hinawakan pa ang dalawang kamay niya.

“What did you just say? Pangetism? Ngayon ko lang iyan narinig” sabi sa kaniya ni Macario muntik na siyang matawa pero pinigilan niya.

“Oo iyun ung sakit niya. Sakit iyon sa muka” nasobrahan na kasi sa kapangitan ung kapatid ko.

Patawarin mo ako Kuya Zale.

“Oh” binigay sa kaniya ni Macario ang cellphone nito at kinuha niya din iyun agad.

Agad niyang tinipa ang number niya at tinawagan ito ng magring ang cellphone niya nilabas niya kaagad  at sinagot, kaagad niya din nilapag ung cellphone ni Macario sa lamesa niya at tumakbo kaagad palabas.

On Call pa din kaya habang tumatakbo ay nagsalita siya “Sorry Mr. Sunog!” in-end niya kaagad ang call bago pa ito makasagot.

Nang makalabas tumigil din siya kaagad at napaupo mismo sa kalsada habang habol ang hininga.

Imbes na elavator kasi ang ginamit niya ay ginamit niya ang hagdan para makatakbo siya kaagad kaya ngayon ay hingal na hingal siya.

NANG makauwi siya sa Penthouse niya ay agad siyang humiga sa kama niya.

Nakatingin lang siya sa kisame at malalim na nagiisip. Naalala niya pa din ung lalaking nabunggo niya nung nag j-jogging siya pati nadin ung lalaki na humalik sa kaniya, ung nag nakaw ng first kiss niya.

Pumikit siya at iniisip ang itsura ng lalaki na nagnakaw ng first kiss niya at ang lalaki na nabunggo niya.

Humalik… nakabunggo…
Humalik… nakabunggo… nakabunggo… humalik…

Ha?

Nakabunggo? Humalik?

Napabalikwas siya’t napabangon sa pagkakahiga niya ng mapagtanto na…

“Ung lalaking nakabunggo ko! Siya ung humalik sa akin!”

•J O Y F U L•

Kawawa naman si Kuya mo Zale hahaha!

Sinasabi ko sa inyo guys may pagka bobsicles din yan si Zio hahaha!


Exquisite Love 1: His ParloristaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon