CHAPTER 14

80 18 1
                                    

ZIO

NANG talikuran siya ni Zaachaeus ay tinalikuran niya din ito.

Pumunta siya sa gitna dahil may mga nag pa-party doon kaya naman nakisali nadin siya.

Nakikitalon din siya kasama ang mga hindi kilalang estranghero na nagsasayawan din.

She forget Zacchaeus because she’s really enjoying dancing with some strangers here.

Nasa kalagitnaan siya ng pagsasayaw ng  may humahawak sa bewang niya.

Nang lingonin niya ito ay may isang lalaki na nakangiti sa kaniya.

“Hi miss” hinapit siya nito papalapit.
Pilit siyang umaalis pero mas lalong hinihigpitan ng lalaki ang pagkakahawak sa kaniya.

“Don’t fucking touch me!” sigaw niya sa lalaki.

Nagpupumiglas siya pero hiniwakan siya nito ng dalawang kamay.

Zacchaeus nasaan ka na ba?

May mga tao ng nakakapansin sa kanila pero parang mga wala silang balak na tulungan siya.

Sisigaw na sana siya ng biglang may humatak ng malakas sa kaniya at agad na sinugod ang lalaki.

ZACCHAEUS

May nakita siyang nagtitinda ng burger sa may gilid kaya iniwan niya muna si Zio.

Bumili siya ng dalawang burger dahil baka nagugutom na si Zio kaya naisipan niyang bilhan ng pagkain.

Nang bumalik siya sa pwesto nila kanina ay wala na ang babae.

Iba na ang nakapwesto doon.

Naglakad lakad siya sa hilera ng mga nagpapakain ng koi pero wala talaga doon si Zio.

Napatingin siya sa mga taong nagkukumpulan sa gitna kaya naman pinuntahan niya iyon, nagbabakasakaling nandoon si Zio.

Nasa kalagitnaan siya ng paghahanap kay Zio ng may mahagilap ang mata niya na babaeng nagpupumiglas habang hawak hawak ng lalaki.

He already know who’s that girl. It’s his girl!

Kaya naman agad niya itong nilapitan, hinatak at sinugod ng suntok ang lalaki.

He’s fucking mad! No one will fucking touch his girl!

“Fuck you! Don’t you ever touch my girl!”

Patuloy padin siya sa pagsuntok dito kahit nagdudugo na ang muka nito.

“Zacchaeus!” natigil siya ng may narinig siyang sumigaw.

“Zacchaeus! Stop it! Please!”

“Zio…”

ZIO

Naiiyak na siya sa nakikita niya ngayon.

Duguan na ang muka ng lalaki pero si Zacchaeus hindi padin tumitigil sa pagsuntok.

Hindi niya na kilala ang Zacchaeus na kaharap niya, halos patayin niya na ang lalaking nakahandusay sa sahig.

“Zacchaeus!”

Nakitang niyang natigilan ito pero aamba pa ulit na manununtok.

“Zacchaeus! Stop it! Please!”

May mga gwardiya ng dumadating sa kanila.

Napatingin siya kay Zacchaeus na nakatingin lang sa kaniya na para bang humihingi ng patawad.

Exquisite Love 1: His ParloristaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon