CHAPTER 04

126 52 10
                                    

ZIO

Hinihingal at Pagod na pagod si Zio habang patuloy padin nag j-jogging. 6:30 am siya nagumpisa at ngayon ay 7:00 am na pero hindi pa din siya tumitigil.

She was wearing an earphone while playing Perfect Two.

Habang dinadama niya ang simoy ng hangin, hindi inaasahang tumama siya sa isang matigas na bagay dahilan para matumba siya, ngunit bago pa niya tuluyang mahalikan ang lupa may sumalo na sa kaniya.
Napatingin siya sa muka ng isang estranghero na lalaki na isang tingin palang ay masasabi mong sobrang gwapo nito.

“You're the one I wanna marry” hindi niya inaasahan na mapapasabay siya sa kanta at doon pa talaga sa mga katagang iyon.

Natauhan na lang siya at napatayo ng maramdaman niya ang kamay ng lalaki sa kaniyang muka at tinatapik tapik.

Tinanggal niya ang earphone niya at humarap sa lalaki “S-sorry, I d-didn’t saw you” bahagya pa siyang yumuko.

“Tsk. Sa susunod kasi tumigin ka sa daan. Maganda ka nga, lutang ka naman” Narinig niyang sabi ng lalaki habang patalikod na naglalakad sa kaniya pero hindi niya na narinig ung iba pang sinabi nito.

Hindi ako sigurado pero parang nakita ko na siya. Baka naman may kamuka lang siya? Hindi kaya…

“HAPPY BIRTHDAY TO YOU JACOB!” birthday ng anak ng kapitbahay nila naimbitahan lang siya. Hindi niya nga kilala kung sino ba ito pero pumunta na din siya, sayang pagkain.

“Okay mga Mommy, Daddy, Lolo, Lola ,Tito, Tita, Ate, Kuya gusto kong tinapay. Joke lang hahaha.” ang daming nagtawanan pati mga matatanda ay nagtawanan din. Ang corny kaya.

“Maglalaro tayo ng Bring Me! Alam niyo ba ang larong iyon?” tanong ng host na clown sa harap. May mga sumagot ng ‘opo’ at meron namang ‘hindi’

“Okay guys, madali lang naman ang larong ito. Example sasabihin ni Kuya ‘Bring Me Ballpen’ pupunta kayo dito sa harap at syempre kailangan dala niyo ang ballpen, ang unang makabigay iyon ang may prize.” Pag I explina ng host.

“Okay Ready na ba kayo?”

“Opo!”

“Oo!”

“Hindi pa!”

“May nagsabing hindi pa sino ba iyon?” may mga batang nag turo sa isang babae sa likod. “Ayan si Ate hindi pa daw siya ready. Tayo ka naman ate” tumayo nga ang bata.

“Bakit hindi ka pa ready?” tanong ng host sa batang babae.

“Wala lang po...” tanging sagot ng bata at bahagya nalang itong ngumiti.

Nagsimula na ang palaro na ‘Bring me’ pero si Zio ay pinuntahan ang batang babae na nananahimik lang at nanonood.

“Hi” kumuha siya ng upuan at tumabi sa bata ngumiti ito sa kaniya. “Anong pangalan mo?” tanong niya.

Tumingin ito sa kaniya bago sumagot “Cathalia po” at tumungo ulit.

“Bakit hindi ka nasali sa kanila?” nakita niya ang lungkot sa muka ng bata at tumungo ito.

“Wala po kasi akong kasama, ako lang po magisa ayaw po kasi sumama ng Mama ko kaya ako nalang po pumunta mag isa” sagot ni Cathalia sa kaniya.

Hinawakan niya ang kamay nito “Tara sali tayo” tumango tango ung bata sa kaniya na may kasamang ngiti sa maganda muka nito.

“Okay guys! Bring me…. Dugdugdugdudgdug Lipstick!” agad niyang kinuha ang lipstick sa bulsa niya buti nalang dala niya ito. Binigay niya kaagad iyon kay Cathalia.

“Ayan ang bilis ni Baby Girl ah” nakita niyang tumatalon talon pa si Cathalia habang nakatingin sa kaniya. Siya kasi ang unang nakapagbigay kaya naman binigay na sa kaniya ang Prize nito.

Lumapit ito sa kaniya at niyakap siya “Thank you po Ate…” oo nga pala hindi niya pa nasasabi ang pangalan niya “Zio. Ate Zio” pagpapakilala niya dito.

“Next naman ay… Dalhin niyo ang pinakamaganda dito!” nagulat siya ng bigla nalang siyang hatakin ni Cathalia, muntik pa siyang matalisod sa upuan. Buti nalang ay agad niyang nakontrol ang katawan.

“Ayan! Si baby girl na naman ang bilis mo lagi ah nagf-fun run ka ba?” birong tanong ng host kay Cathalia na nakahawak padin sa kamay niya.

“At dahil meron na tayong magandang dilag dito syempre ngayon naman ay ang pinakagwapong lalaki dito! 5!4!3!2!... Ayan si Kuya. Meron na tayong maganda at gwapo.”

“Anong pangalan mo Ate?” Tanong sa kaniya ng host na clown “Zio po"

Kapagkuwan ay tumingin ito sa lalaking nasa kabilang side nito “Ikaw naman, Anong pangalan mo kuya?” tanong naman nito sa lalaki. “Chris po” sagot naman nito. Infairness ah ang gwapo niya.

Pinagtabi sila ng host at pinicture-an. “Nasaan yung dalawang bagets na ng hatak sa dalawang ito” tukoy nito sa kanila nung Chris.

Pumunta naman sa harap nila si Cathalia at ang isang batang lalaki. “At dahil kayo ang unang nakadala ng Pinakamaganda at pinakagwapo na nandito, meron kayong double prize” binigay ng host ang tigdalawang lootbags kay Cathalia at sa batang lalaki.

Bakas ang tuwa sa magandang muka ng bata ng tumingin ito sa kaniya kaya naman kahit hindi niya lubusang kilala si Cathalia ay napangiti na din siya dito.

Pagkatapos ng Party napagpasyahan niyang ihatid na si Cathalia sa bahay nito na hindi naman nalalayo sa bahay nila at umuwi nadin sa bahay nila para makapagpahinga.

•J O Y F U L•

Exquisite Love 1: His ParloristaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon