Dustin's POV
Ako si Dustin Divinagracia, 23 years old at nanggaling ako sa isang simpleng pamilya. Hindi naman kami mahirap at hindi din naman mayaman, yung tipong sakto lang.. middle class ba ang tawag dun? Ah basta.
Nagtatrabaho ako bilang bartender sa bar ng bestfriend kong si Frank at dalawang taon na din akong nagtatrabaho sa kaniya. Matagal na din akong walang girlfriend, highschool pa ata ako nung huli akong nagkagirlfriend.. hindi naman sa ayaw kong magkagirlfriend ulit pero hindi ko pa talaga nakita ang babaeng magpapatibok ng natutulog kong puso.
Well, pag nakita ko na siya.. talagang hindi ko na siya pakakawalan pa, ako kasi yung taong handang sumugal para sa pagmamahal.
Isang typical na gabi nun sa bar ni Frank, dalawa kaming bar tender ni Gian pero tuwing gabi lang yung duty ko.. kadarating ko lang sa bar nun nang mapansin ko ang isang magandang babae, mukha siyang malungkot at nakita ko na medyo lasing na din siya.
Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng paghanga sa kaniya, she's so beautiful and I can't help myself looking at her.
Maya-maya pa ay tumayo siya mula sa pagkakaupo at naglakad ng wala sa sarili.. hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na sundan siya.. nagpaalam muna ako kay Gian na mag C-CR lang ako pero ang totoo ay sinundan ko ang babae.
Alam ko kasing takaw pansin siya dahil sa suot niyang damit na napakaiksi, ayoko ring mabastos siya ng mga manyak na lalaki dito sa bar.. sa tagal ko na kasi dito, alam na alam ko na ang ugali ng mga taong pumupunta sa bar ni Frank.
Sinundan ko siya hanggang sa tapat ng CR pero nagulat ako ng pumasok siya sa maling restroom, dahil na din siguro sa kalasingan niya at hindi niya na napansin na CR ng mga lalaki ang napasukan niya.
Agad ko naman siyang sinundan sa loob pero nagtago ako para hindi niya ako mapansin. Pumasok naman siya sa isang cubicle at isinarado iyon, maya-maya pa ay nabigla ako ng bigla siyang humagulgol ng iyak.
Yung tipong napakasakit ng nararamdaman niya, nakaramdam naman ako ng matinding awa sa kaniya. Mabuti nalang at walang ibang tao sa loob ng CR kaya agad akong lumapit cubicle na kinaroroonan niya at kinatok ang pinto bago pa may makarinig ng iyak niya.
"Miss, ok ka lang ba?" tanong ko sa kaniya.
"Sino ka?! anong kailangan mo sakin?" halatang gulat na gulat siya dahil sakin.
"Sorry Miss, pero narinig kasi kitang umiiyak kaya nandito ako" Ako.
"Siguro manyak ka no?!" sigaw niya sakin.
"Naku Miss, gwapo lang ako pero hindi ako manyak" sagot ko.
Ilang sandali pa ay narinig kong binuksan niya ang pinto ng cubicle at dali-daling lumabas pero ang mas ikinagulat ko ay nang bigla niya akong paghahampasin ng hand bag niya.
"A-aray Miss, bakit mo ako hinahampas?!" Ako.
"Ahhhhh..tulong may manya-" Siya.
Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya dahil baka may ibang tao pang makarinig sa kaniya, bigla kong tinakpan ang bibig niya na ikinabigla ng babae.
"Shhhh.. wag kang maingay Miss, maling CR ang napsukan mo.. baka marinig ka ng totoong mga manyak dito" Paliwanag ko sa kaniya, kitang-kita ko ang pagkabigla niya.
Agad ko naman siyang kinaladkad palabas ng CR dahil narinig ko ang grupo ni Brando sa labas, si Brando ay leader ng isang gang at kilala sila bilang manyak at pagiging basagulero.
BINABASA MO ANG
Seducing The Bitter Ballerina
RomanceLahat ng bagay sa mundo at may katapusan at lahat tayo ay napapagod din. Hanggang kailan niya kayang mahalin ang isang taong tuluyan nang isinarado ang puso sa para sa pagmamahal?. Makakaya niya bang kalimutan ang taong may malaki nang puwang sa pus...