Chapter Five: A wild night

2K 52 12
                                    

Dorothy's POV

"OMG! that was a great performance girl, kinilig yung mga audience dahil sa performance niyong dalawa" excited na sabi ni Crystal habang nasa backstage kami.







"Thanks Crystal, nakapag perform ulit ako dahil sayo" I said sincerely then I hugged her.







"It's not possible kung ako lang no, syempre Frank helped me and we made everything possible.. diba Frank?" inakbayan pa ni Crystal si Frank  habang nakangiti ito.






"Of course, you know... bestfriends help each other diba" Frank.




I just smiled knowing that he blushed because of Crystal, may gusto nga talaga si Frank sa kaniya.





"Girl, babalik muna kami ni Frank sa stage.. may announcement pa kasi siya and kailangan niya daw yung help ko" Frank.






"Okay, I'll just wait here nalang" Ako.




Bumalik na ulit sina Frank at Crystal sa stage habang ako naman, eto nakaupo lang ng biglang lumabas mula sa curtain ng stage si Dustin.







"That was a great performance, congratulations Dorothy.. hindi ko alam na magaling ka palang mag ballet" Umupo siya sa tabi ko habang nakatingin sakin.






"C-congrats din, ang galing mong tumugtog ng piano" Ako.



Sobrang lapit niya sakin ngayon to the point na naaamoy ko na yung scent niya, grabe sobrang bango niya. Everytime he looks at me, para akong matutunaw and I hate this feeling. Nagkatitigan kami ng ilang sigundo bago ko iniwas yung tingin ko.






"T-thank you nga pala sa pagligtas sakin when I was drowning" I smiled at him and he also responded.







"I didn't do it kasi naaawa ako sayo or dahil ako lang yung taong pwedeng magligtas sayo kagabi... ginawa ko yun dahil gusto ko, gusto kong iligtas ka mula sa kalungkutan Dorothy.. dahil sa nangyari kagabi I realized na dapat ko palang ingatan ang mga taong mahalaga na sa buhay ko and I also realized na nahanap ko na pala yung taong matagal ko nang hinahanap.. at ikaw yun Dorothy" he sincerely said while looking straight into my eyes.







"D-Dustin..."







"All my life I searched for that girl, yung babaeng kayang magpahilom ng sugatan kong puso.. and that is you Dorothy, I think I'm falling for you" Dustin.






Hindi ko alam pero bigla nalang tumulo yung mga luha ko, I'm just too overwhelmed sa mga confessions niya. Pero I feel so bad for him, I already made my final decision na hindi na ako magmamahal pa, even if sabihin ko na I'm also attracted to him.. it doesn't change the fact na baka masaktan din ako sa huli and I don't want that to happen.





"I'm sorry Dustin but I don't like you" napatakbo ako habang nag-uunahang bumagsak ang mga luha ko.






Dumiretso ako sa kwarto at doon umiyak, bakit ba nasasaktan ako ng ganito? I know utang na loob ko yung buhay ko kay Dustin and I'm so thankful for that, at the same time nakokonsensya din ako dahil sa ginawa ko, hindi ko manlang siya mabigyan ng chance pero hindi ko pa talaga kayang magmahal sa ngayon.. I'm so vulnerable para ipagkatiwala ang puso ko sa kaniya o kanino mang lalaki. Buong araw ay nagkulong lang ako sa kwarto, hindi ko kayang makita si Dustin ngayon dahil maaawa lang ako sa kaniya.

Seducing The Bitter BallerinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon