Dorothy's POV
Lumipas ang ilang araw at dumating na ang araw ng kasal namin ni Yuan. Sobrang engrade ng venue ng kasal namin at imbitado lahat ng mayayamang negosyante sa bansa. Malungkot kong pinagmamasdan ang sarili ko sa isang malaking salamin habang nakasuot ng isang mamahaling wedding gown, ito na ba talaga ang magiging buhay ko? ang maikasal sa taong hindi ko naman mahal. Ilang minuto nalang ang natitira at ikakasal na kami ni Yuan kaya hindi ko mapigilan ang mga luhang kanina pa gustong bumagsak.
I'm so sorry Dustin...
Agad kong pinahid ang mga luha ko at lumabas na ng kwarto dahil naghihintay na ang parents ko sa labas para ihatid ako sa altar.
Dustin's POV
Sinubukan long ituon ang atensyon ko sa pagpapakabusy at pagtatrabaho sa bar ni Frank para makalimutan ko si Dorothy pero kahit anong gawin ko ay siya lang yung tanging laman ng puso't isipan ko. Saglit sana akong lalabas para kunin ang delivery ng stocks namin sa bar nang biglang dumating si Crystal habang hinahabol ang hininga niya.
"Dustin.. nabalitaan ko na ngayon daw ikakasal si Dorothy, kailangan mo silang pigilan" Crystal.
Para akong nabuhusan ng napakalamig na tubig at dali-dali naming pinuntahan ang simbahan kung saan ikakasal si Dorothy, ginamit namin ang sasakyan ni Crystal at kung minamalas ka nga naman ay naabutan pa kami ng matinding traffic, mabuti nalang ay pinahiram ako ni Frank ng motor kaya mabilis akong nakarating sa simbahan. Kailangan kong mapigilan ang kasal nila bago pa ako magsisi na hindi ko ipinaglaban ang taong mahal ko.
Dorothy's POV
Dumating na ang sandaling kinatatakutan ko, habang papalapit ako sa altar ay ang paulit-ulit na pagkadurog ng puso ko. Si Dad ang naghatid sakin sa altar at nang maihatid na ako ni Dad ay ipinagkatiwala niya na ako kay Yuan. Napakagwapo ni Yuan sa suot niyang puting amerikana pero kahit na gaano siya kagwapo ay hindi ko parin magawang mahulog sa kaniya. Nananalangin din ako sana ay dumating si Dustin para pigilan ang kasal and when that happens.. hindi ako magdadalawang-isip na iwan si Yuan at sumama sa totoong may-ari ng puso ko pero mukhang imposible na yatang mangyari yun.
"You look beautiful Dorothy, I've been waiting for this moment and I can't believe it's happening" Yuan showed a geniune smile at hindi ko maiwasang makonsensya.
I'm sorry pero hindi kita kayang mahalin Yuan dahil si Dustin lang talaga ang laman ng puso ko.
"Thanks Yuan" I just gave him a fake smile.
Then the wedding ceremony starts...
We would like to welcome all of you honored guests, thank you for being with us today.
We are gathered this day, to join and witness the holy union of this couple.
Marriage is an art form that brings profound joy and demands great responsibility, awareness, and commitment.
We who partake of this occasion bind ourselves as witnesses to the journey of love that they are undertaking here.
"Yuan Xi, do you accept this woman as you're lawfully wedded wife,to have and to hold from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death do you part?".
"Yes I do" Yuan.
Mabilis at direkta ang naging sagot ni Yuan at halata ang saya sa kaniyang mukha. This time it's my turn, sobra-sobrang kaba ang nadarama ko dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.
"Dorothy Lei Grand, do you accept this man as you're lawfully wedded husband, to have and to hold from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death do you part?".
Ilang minuto na ang lumipas at hindi parin ako makasagot, dahil dun ay nagtataka na ang mga bisita. Even si Yuan ay nagtataka na rin siya sa kinikilos ko.
Wala na talaga akong choice kaya pinikit ko nalang ang aking mga mata, huminga ako ng malalim para sumagot ng biglang may sumigaw mula sa hallway ng simbahan.
"Itigil ang kasal!"
Lahat kami ay nagulat at nagtatakang tiningnan kung sino ang pumigil ng kasal at abot langit naman ang pasasalamat ko nang makita si Dustin.
"Tutol ako sa kasal, hindi ako papayag na matuloy ang kasal na to" Dustin.
Nagkakagulo na ang mga bisita at lahat sila ay nagtataka kung sino siya at kung bakit ginawa yun ni Dustin.
"Sino siya Dorothy? bakit gusto niyang pigilan ang kasal natin?" nangtatakang tanong ni Yuan.
"I'm so sorry po , pero hindi na po matutuloy ang kasal na to" this time ay ako na ang nagsalita.
"Pero anak..." Dad.
"Mom, Dad... I'm sorry po pero hindi ko po kayang pakasalan si Yuan" Ako.
"Father, ituloy mo na ang kasal! hindi pwedeng hindi matuloy ito" Mr. Xi.
"Pasensya na po Mr. Xi... pero hindi natin pwedeng ituloy ang seremonya hangga't may tumututol" Father.
"Patawarin niyo po akong lahat pero hindi ko po mahal si Yuan, si Dustin po ang mahal ko... I'm sorry Yuan, sana maintindihan mo ako" kahit na mabigat ang wedding gown ko ay tumakbo ako sa kinaroroonan ni Dustin, hinawakan ko ang kamay niya at sabay kaming tumakbo palabas ng simbahan.
Habang tumatakbo kami ni Dustin ay hindi ko mapigilang mapangiti.. atlast nagkaroon na ako ng lakas ng loob na ipagalaban si Dustin, hindi pa man klaro kung ano ang magiging kapalaran naming dalawa, ang importante ay magkasama na kami at mahal namin ang isa't-isa. Kung ano mang pagsubok ang darating samin ay handa na akong harapin ito dahil kasama ko na ang taong mahal ko.
================================================================
AUTHOR'S NOTE:
Happy ba kayo sa update ko? comment down below kung masaya ka na hindi natuloy ang kasalang Dorothy at Yuan.
-iamhazelnut773
BINABASA MO ANG
Seducing The Bitter Ballerina
RomanceLahat ng bagay sa mundo at may katapusan at lahat tayo ay napapagod din. Hanggang kailan niya kayang mahalin ang isang taong tuluyan nang isinarado ang puso sa para sa pagmamahal?. Makakaya niya bang kalimutan ang taong may malaki nang puwang sa pus...