Dustin's POV
Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwalang hawak ko na ang kamay ng taong mahal ko, habang papalayo kami ni Dorothy sa simbahan ay mistulang huminto ang oras at siya lang ang aking nakikita. Inangkas ko si Dorothy sa motor na pinahiram sakin ni Frank at buong byahe ay nakayakap lang sakin si Dorothy, huminto kami sa isang park at duon muna kami nagpahinga.
"This is the happiest day of my life Dustin, I'm so grateful na dumating ka sa buhay ko" she said sincerely habang nakangiti sakin at hawak niya parin ang kamay ko.
"So tayo na?" ngumiti siya sakin at niyakap niya ako.
"Oo naman" Dorothy.
"I'm so lucky to have you in my life Dothy, salamat at ako ang pinili mo" Ako.
"Of course, ikaw lang ang pipiliin ko dahil ikaw lang naman ang mahal ko" she said sincerely.
"I love you" Ako.
"I love you too my hubby" nananatili parin ang matatamis na ngiti ni Dothy habang nakasandal ang ulo niya sa balikat ko.
"Am I supposed to call you my wifey?" tanong ko sa kaniya.
"Pwede rin, kasi hubby means husband eh.. so wifey nalang itawag mo sakin dahil wifey means wife" Dothy.
"So, ako lang ang papakasalan mo?" Ako.
"Of course, ngayon lang ako naging sigurado sa buong buhay ko.. I'm gonna marry you soon.. pero wag muna ngayon kasi kailangan pa natin iexplore ang mundo to make good memories" Dothy.
"I'm looking forward to that, kaya simula ngayong araw.. let's make good and happy memories together my wifey" I slowly pinched her nose at pagkatapos ay niyakap ko siya.
Pinagtitinginan na kami ng mga tao dahil nakasuot ng wedding gown si Dothy pero wala kaming pakialam dahil para samin, kami lang ang nag-eexist sa mundong ginawa ng mga puso namin.
Dorothy's POV
Nakaupo lang kaming dalawa sa ilalim ng puno ng biglang dumilim ang langit at bumuhos ang malakas na ulan, pareho kaming nabasa at wala din naman kaming masisilungan ng hubby ko kaya para kaming mga baliw na sumayaw kahit walang tugtog sa ilalim ng malakas na ulan. Nakahawak lang sa bewang ko si Dustin at ang mga kamay ko naman ay nakayakap sa leeg niya, we're slowly dancing habang nakayakap kami sa isa't-isa. Sobrang saya namin pareho at ayaw naming palampasin ang oras na hindi kami makakagawa ng masasayang ala-ala.
Nang tumila na ang malakas na ulan ay nagdecide si hubby na uuwi muna kami sa apartment niya para magbihis dahil baka magkasakit kaming dalawa. I can still remember nung una niya akong dinala sa apartment niya, it was that night.. nung time na una kaming nagkakilala. He's such a gentleman dahil ni hindi manlang niya ako pinagsamantalahan nung time na yun and I'm very grateful dahil nakahanap ako ng taong tulad niya.
Pinahiram ako ni Dustin ng t-shirt at shorts niya dahil nga wala akong dalang mga damit and about naman sa undies ko.. well habang naliligo ako ay saglit siyang bumili nun sa kalapit na botique ng apartment na tinitirhan niya. Napapangiti nalang ako habang iniimagine kung gaano ka awkward para sa kaniya na bumili ng mga bra at panty ko.
Nang tapos na akong magbihis ay siya naman ang naligo kaya naisipan kong magluto para pagkatapos niyang maligo at magbihis ay kakain nalang kami ng dinner. Hinalungkat ko yung ref at cabinets niya sa kusina at mabuti naman dahil may mga stocks siyang ingredients kaya nagluto ako ng special pork adobo na tinuro sakin dati ni Yaya Betty, gumawa din ako ng fried rice pagkatapos kong magluto ng pork adobo. Habang sinasalin ko ang fried rice sa plato ay bigla akong niyakap ng hubby ko mula sa likod.
BINABASA MO ANG
Seducing The Bitter Ballerina
RomanceLahat ng bagay sa mundo at may katapusan at lahat tayo ay napapagod din. Hanggang kailan niya kayang mahalin ang isang taong tuluyan nang isinarado ang puso sa para sa pagmamahal?. Makakaya niya bang kalimutan ang taong may malaki nang puwang sa pus...