Dorothy's POV
I still can't believe na engaged na kami ni hubby, hawak niya parin ang kamay ko habang naglalakad kami sa garden ng bahay na nabili namin. It's been a month mula nung nangyari ang epic engagement sakin ni hubby sa arrival area ng airport. Next year na ang kasal namin at pinagpaplanuhan talaga namin ng mabuti ang wedding dahil we want it to be special ang memorable. We both want a beach wedding and meron na kaming sponsor para dun, sino pa nga ba? edi si Frank. Doon sa beach resort niya sa Batanggas nabuo ang pagmamahalan namin ni hubby kaya that beach resort has a soft spot sa mga puso namin.
"Wifey, ilang anak ba yung gusto mo?" out of nowhere na tanong sakin ni hubby dahilan para mamula ang mga pisngi ko.
"Ahhmm.. gusto ko dalawa, ikaw?" tanong ko sa kaniya.
"Ako kahit ilan, basta kasama kita sa pag-aalaga ng magiging anak natin" sabi niya sabay halik sa palad ko.
"Talaga? swerte ko naman sa hubby ko.. I love you hubby" ninakawan ko siya ng halik sabay takbo sa loob ng bahay namin.
"Wifey! wag mo akong susubukan, baka hindi ako hindi ako makapagpigil at bigla kitang bigyan ng sampung anak diyan" sabay habol niya sakin.
Para kaming mga batang naghabulan sa loob ng bagong bili naming bahay, we spent that day making love and we cherished each moment na magkasama kami. Hindi ko tuloy maiwasang isipin, baka seryosohin ni hubby at bigyan ako ng sampung anak ng wala sa oras, napapangiti nalang din ako ng wala sa oras kapag naaalala ko yun.
Isang umaga, nagising ako dahil nahihilo ako at parang masusuka.. actually nung nakaraan pa to eh, nagsimula akong makaramdam nito nang bisitahin ako ni Crystal sa bahay namin at dinalhan niya ako ng favorite kong cheese cake. Dati naman ay favorite ko yung cheesecake pero ngayon ay nakakapagtaka lang dahil sa amoy palang ng cheese cake ay nasusuka na ako. Napatakbo ako sa lababo dahil hindi ko na talaga mapigilan ang pagsusuka ko, napatakbo naman si hubby sa galing sa banyo papunta sa kinaroroonan ko para alalayan ako.
"Wifey, okay ka lang ba? magpacheck na kaya tayo sa doctor" pag-aalala ni hubby.
"Okay lang ako hubby, siguro masama lang talaga yung pakiramdam ko" sagot ko.
"No wifey, I'll bring you to the doctor" Hubby.
Tulad ng sabi ni hubby, dinala niya ako sa doctor para magpacheck up ng nararamdaman ko. After akong i-check ng doctor ay naghintay muna kami sa loob ng room bago bumalik ang doctor dala yung mga tests ba ginawa sakin.
"Doc, kamusta po yung mga tests ng fiance ko?" pag-aalalang tanong ni hubby.
"Don't worry.. wala namang kahit anong sakit ang fiance mo, actually dapat matuwa pa nga kayo dahil may paparating na blessing sa inyo.. tama ang narinig ninyo, two weeks ka nang buntis Dorothy" masayang balita ng doctor.
"Talaga doc?! magkakaanak na tayo wifey" sobrang saya ni Dustin nang malaman na butis ako.
"Naku, napakagandang blessing naman po niyan doc.. salamat po" pagpapasalamat ko kay Doctor De Villa.
BINABASA MO ANG
Seducing The Bitter Ballerina
RomanceLahat ng bagay sa mundo at may katapusan at lahat tayo ay napapagod din. Hanggang kailan niya kayang mahalin ang isang taong tuluyan nang isinarado ang puso sa para sa pagmamahal?. Makakaya niya bang kalimutan ang taong may malaki nang puwang sa pus...