Chapter Ten: Realizing What We've Lost

1K 26 7
                                    

Dustin's POV

Nagising ako na nasa harap na ako ng isang simbahan habang napapalibutan ng puting bulaklak ang daan papunta sa altar, wala akong idea kung bakit ako nandito at kung sino ang ikakasal kaya naglakad ako papunta sa altar at nagulat ako sa aking nakita.




"Dorothy Lei Grand, do you accept this man as you're lawfully wedded husband?"




"Yes I do" sagot niya sa nagkakasal sa kanila.




Kinakasal si Dorothy at alam ko na hindi ako ang taong ikakasal sa kaniya kaya sinubakan kong pigilan ang kasal pero hindi nila ako naririnig. Sinubukan ko ring hawakan sa kamay si Dorothy pero unti-unti siyang naglaho sa harap ko hanggang sa nagising ako mula sa isang nakakatakot na panaginip.

Mabuti nalang at panaginip lang ang lahat, bigla naman akong napasapo sa ulo ko.. sobrang sakit nito dahil sa paglalasing ko kagabi. Saglit akong bumaba sa kusina para uminom ng tubig at magluto ng soup para sa hangover ko, inubos ko naman agad ang soup at pagkatapos ay naligo at nagbihis. Kailangan kong hanapin si Dorothy at magpaliwanag sa kaniya bago pa mahuli ang lahat.







Dorothy's POV

Pagkatapos naming kumain ni Yuan sa isang mamahaling restaurant ay nanood lang kami ng movie sa isang sinehan, hanggang ngayon ay naiilang parin ako sa kaniya dahil hindi ko parin siya ganun kakilala. After naming manood ng movie ay hinatid niya na ako sa bahay para makapagpahinga.





"This day was great.. I'm glad na pumayag kang makilala pa kita Dorothy" he smiled at me and kissed me on the cheeks.





"Thank you sa paghatid sakin Yuan, I need to go inside" Ako.





"I like you Dorothy, dati pa kitang gusto pero hindi ako nagkaroon ng chance na manligaw sayo.. dati ka pang kinikwento sakin ni Tito Zack and when I first saw you nung umiwi ka dito Philippines two years ago mas lumalim pa ang pagtingin ko sayo.. pinapanood lang kita mula sa malayo Dorothy kaya pinangako ko sa sarili ko na darating ang panahon na magkakalakas ako ng loob na aminin sayo ang nararamdaman ko and it's happening" he said sincerely.




"Yuan, salamat sa pag-intindi sa feelings ko pero I'm still on the process, kailangan ko munang tanggapin ang sitwasyon ko" paliwanag ko.




"I understand, hindi mo naman kailangang pilitin ang sarili mo.. I'm willing to wait Dorothy" Yuan.




"Thanks Yuan" Ako.



Nang umalis na si Yuan ay papasok na sana ako sa loob ng bahay ng biglang may humawak sa braso ko.




"Dorothy.."




"Dustin.. anong ginagawa mo dito?" nagulat ako dahil nakita ko ulit si Dustin.




"Dorothy, sino yung lalaking naghatid sayo?" Dustin.




"It's none of your business, mabuti pa umalis ka na" Ako.



Kahit na masakit sakin ay kailangan kong itulak palayo si Dustin dahil pareho lang kaming masasaktan kapag pinagpatuloy pa namin to. Aalis na sana ako ng bigla akong yakapin ni Dustin mula sa likod.



Seducing The Bitter BallerinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon