sa calzada minsan may isang tropa

67 1 0
                                    

           sa calzada minsan may isang
                                 tropa

intro:
im back pero enough of all love story
this time my story is about a group
of youth that binds as one....
isang tropa na kahit anong mangyari
kahit gaano pa katagal hindi magkita
at kahit anong problema.....
basta't nandyan ang bawat myembro
ng tropa....ang kalokohan ay hindi mawawala!
ganito kami noon...at ganito kami hanggang ngayon....opo!! kami nga po! kami ang

"TROPANG KALADKAD"
at ito ang stoya namin!!!


Nagsimula ang lahat sa eskwela....(haha)
pero ang totoo... magkakaklase talaga kami
nila......

"ka felia!! tao po! ka felia!"
si benedick carlos isa sa mga pinakamalpit kong tropa...(chickboy)

"arnel bilisan mo andito na si deck"

"opo nay! ayusin ko lang gamit ko"
sya naman si arnel... ahaha...yan ang galante samin...sagot nya ang huli...mamaya malalaman nyo kung ano yung huli....
back to the story...

deck:ano pre may assignment ka sa science??

arnel:ano ka ba!? ako pa!! haha! wala nga eh!
kopya na lang tayo mamaya kay jerico...
alam mong math lang tayo magaling eh...

deck:oo nga pala...tara sunduin na natin yung dalawa...

ganyan kami sa araw araw... kung sino magising ng maaga sunduan na lang...
imagine...dati pumapasok kami ng 4:30am in the morning...promise...

"jerico! kanina ka pa dyan???"
sya naman si mark isa sa mga naging kaklase namin sa elementary...

jerico:hindi naman pre..(uso na talaga tawagan na pre non) ano lika na baka papunta na sila deck dito...

mark:oo na tara...

palibasa sa coco village nakatira si mark ako lang talaga malakas loob sumundo sa kanya...
madilim kase ang eskinita sa coco village nakakatakot... lalo na nung mapabalita na may nanghahabol daw na malaking piso don...
haha! panakot ng mga matatanda...

deck:eto na pala sila nel!

arnel:ayus! ano?? tricycle tayo o exersice???

mark:kahit ano maaga pa naman..

jerico:tara lakad na muna tayo hanggat wala si kuya junior...

nung elementary kami kase pinakamahal na pamasahe eh piso...tricycle pa yun..
at ang lagi lang masakit ang paa samin eh si arnel...paborito kase nya yung sapatos nya...
at sa awa ng dyos nakarating kami sa eskwelahan! pero hindi na namin nakita si kuya junior!
maaga pa at medyo madilim pa pag dumadating kami sa school...(wow! english!)
at ang lagi sumasalubong samin eh si mang tomas! hindi yung all around sarsa ha! mang tomas talaga pangalan nya...sya yung caretaker sa school noon...
laging may hawak na walis at may suot na salakot sa ulo...(yung sumbrero na kala mo eh spaceship ng mga alien)
pero syempre bago kami pumasok sa gate dadaan muna kami sa pinakamatandang tindahan sa tipas elementary.... ang tindahan ni ka robert...madami mabibili dito...
kung wala kang i.d. meron silang tinda dito.. yun nga lang pag sinuot mo at medyo malikot ka mawawala sayo dhil ang tali lang eh yarn...
sa kanila din mabibili ang ice candy na singkapal ng yelo (pero midget version) bago mo maubos eh tapos na flag seremony...
ewan ko kung inabot nyo pa ang sikat na sikat noon na BIG 5...hindi sya frat ha... sya yung juice drink bago namin makilala ang zesto.. may orange,grape,cola,at pinaka mabentang flavor ang guyabano! lahat ng uri ng pampaubos baon bago makarating sa room nasa kanila... mentos,big bang,cloud9,stay fresh,choco balls,bazooka bubblegum,kwintas na may tubig na kinulayan,maskara,key chains,kodigo,sigarilyo,tira tira,panutcha,everything! hindi mo maiiwasang bumili dahil updated ang supply araw araw!

sa calzada minsan may isang tropaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon