ika-anim na yugto ng kasaysayan
tropa sa kalokohan. tropa sa kalungkutan (sasa days)yes this part is the part that will let you know how much we value the friendship...
ika-2 taon namin sa sasa...yes kahit medyo makalokohan kami... syempre may time din kami to give time for our savior...sa tagal na ng panahon na naging member kami dito... syempre gusto lang namin na dumami ang friendship namin.... (promise friends lang) pero hindi mo naman talaga maiiwasan na magkaron ka ng crush... kase nga best of the best ang mga member namin noon... haha...
(oo na alam ko madaming magrereact)
ang tawag sakin dati ng tropa eh...
"newbie killer" bakit??? mamaya malalaman mo... madming naissue dito grabe... pero mamaya na ulit yun...
focus muna tayo sa sasa....
sasa... samahang anak ni san antonio
naks! akalain mo nakapsok kami dito sa kabila ng kalokohan na pinag gagagawa namin...pero syempre ang sabi naman ni ate ann....(oo na mas matanda ako dun)
ok si ann ang una namin inabot na presidente ng sasa... sya din ang naging recruitment agency namin para makasali...meeting sasa
@san antonio chapel
7pm (pero start nyan 9pm)may isang tradisyon dito pag bagong sali ka...
kailangan mo tumayo sa harap ng mga bago at.....at ah....at sige na nga iba pang members kung tawagin sila nun eh prof.
hindi yung prof. sa school ah... sila yung mga not so young but not so old na member ng sasa....
sila din yung pinalitan namin...
habang nagmemeeting kailangan mo magpakilala.... sasabihin mo pangalan mo kung san ka nakatira suking tindahan pati ano dahilan mo sa pagsali..
syempre hindi mo pwedeng sabihin na sumali ka dahil gusto mo manalo ng house and lot...joke lang...
so yun nga... pagtapos ng introduction nyo...sasabihin sa inyo na ang pagsali dito ay hindi sapilitan at ito ay paraan ng pagsisilbi sa ating patron...
nung una boring kami...kase nga kala namin ganon lang...pero syempre hindi mo nga pwedeng sabihin na sasali ka lng for experience... anu yun job interview...
at hipokrito ang hindi magsasabi na kaya sumali eh dahil madming babae....
(sumpain kayo) oo isa sa naging dahilan yun...
that time
apat or lima lang yata kami nung una kami umattend ng meeting
kase balak lng namin talaga testing lang...
pero habang tumatagal eh nahohook na kami... ika nga eh naeenjoy na namin...
kase nga masaya kami sa ginagawa namin...
madami kami nakilala... yung mga dati lang namin nakikita pag dumadayo kami sa court
yung mga dati din na sumisigaw na "boooooooooooo!!!" tuwing nakakalaban namin yung mga pinsan at kamag anak nila sa basketball...
nakilala namin dito si abby(yung nagrequest ng part na to) si lalaine (kagawad na ngayon)
maireen (asawa ni arnel) and many many more...isa sa ginagawa namin eh "palawit" banderitas na ikinakabit bago magpyesta... pero pag pyesta na... karamihan tanggal na...
sa chapel maglalatag kami ng taling straw... itatali namin sa magkabilang dulo ng bintana ng chapel...may mga nakataling alambre don na tingin ko nung una eh madami ng pinagdaanan at madami na din sigurong nasugatan pag may misa...
kanya kanya din ng trabaho pag gagawa ng palawit... my nagstaple sa tali may naggugupit ng gagawing palawit may taga ikid pag napuno na yung tali may nakaupo may nakikicharge may susulpot lang pag merienda na...
syempre may merienda... at si ann ang nagpapabili non...(naks!yaman noh)
ang hindi namin makalimutan nun eh bumili ng softdrinks at tinapay sa bakery... sa unang tingin hindi mo maiisip na tinapay pala yung hawak mo...dahil nga sa bakery binili syempre maiisip mo na pawisan yung panadero at hubad baro na makikipagsagupa sa harina habang minamasa.... papasok din sa utak mo na panu kung nangungulangot yung panadero??? pano kung napapaalsa nya yung tinapay dahil sa tindi ng powers nya...
pero syempre pag naisip mo na madaming nagugutom ngayon kahit hindi mo kasalanan... kakainin mo pa din yung tinapay... sabay inom ng softdrinks na pop! ang softdrinks na sagot sa mga may sakit na bitterness... sobrang tamis kase...
meron pa kaming isang task na ginagawa pag sapit ng mayo... ang "paalay" hindi ito yung iniisip mo na may mga nakahood na myembro ng kulto habang nagaalay ng sakripisyo...

BINABASA MO ANG
sa calzada minsan may isang tropa
Avontuura story of how we are bind by one sa kalokohan sa kalungkutan sa bawat problemang kailangan daanan at bigyan ng solusyon in many different ways tropang kaladkad one of the best and for us we are ahead above the rest.......... since april 10 2004