matagal din ako natigil sa pagaaral
sinubukan ko magtrabaho...
pero mailap talaga yata sakin ang kapalaran...(saklap)
pero syempre hindi naman pwedeng dun na lang tumigil ang buhay ko...
so..ayun nagsabi ako kay nanay na gusto ko uli magaral kahit sa bagong tayo na tipas national high school....
pero...nga nga!...
kaya kahit ayaw ni nanay...
ako na mismo gumawa ng paraan para makabalik sa pagaaral ko... nagtatrabaho ako noon sa nanay ni fritz cyril o mas kilala sa tawag na f.c....
paextra extra lang ako kung may papagawa lang sya tyaka lang ako magkakaron ng baon kinabukasan...
minsan naman..limang piso baon ko pero ok lang basta ang gusto ko lang talaga nun makatapos...
at hindi nga ako nabigo...nakatapos ako kahit papano may napatunayan ako sa nanay ko...syempre fresh graduate... ano pa??? edi balik tambay... matagal bago uli kami nagkasama sama nila arnel kase nga nag college pa sila...
kaya tambay muna ako saan pa??? ahaha...sa coco village... na kilala na noon sa tawag na cocong tondo!! na binigay naman na pangalan ni "rogie" kapatid ni mark...na hindi na namin nakasama mula noon...
kalog din at may pagka praning si rogie nun... pero dahil nga may mga katropa pa sya nun mga panahong yun... dun ko nakilala si ian yape... sya na ang lagi ko kasama nung lagi kami nakatambay sa coco...at dito ko nakilala si sheryll...ian:ano pre?? mukang lakas tama mo na dyan ah???
kite:(yan ang tawag sakin ng tropa) ahaha...hindi ah... crush lang pre.. ikaw naman...ligawan ko kaya???
ian:ayus! crush lang ha... pero liligawan mo na...
kite:eh kung maunahan pa ko?? ahaha...
kinabukasan lakasan ng loob... niligawan ko si she...matagal bago ko nakuha ang matamis pa sa asukal nyang oo!! ahaha..
kite:ah... she..sunduin kita bukas ha... hintayin kita sa eskinita...
she:bahala ka..basta wag ka muna papakita kina nanay...
kite:ako pa...hehe so payag ka na ha...
joy:(kapatid ni rogie at mark na babae)
kite baka lokohin mo si she ha... naku lagot ka sakin...kite:muka bang lokohan to??? seryoso ko kay she no!
joy:siguraduhin mo lang... patay ka talaga sakin...
simula ng maging kami ni she lagi na ko nakatambay sa eskinita para abangan sya umuwi....naging ok naman kami ni she...pero hindi kami nagtagal...tanong nyo kung bakit... ahahaha....
kite:she tignan mo to oh... may pangalan natin dalawa yan... yung may name mo sakin...
she:wow...thank you ha... takot ka kay joy noh??
kite:ako?? takot kay joy?? hin....
joy:anu yun kite....
kite:hindi dapat hubarin yan ha... haha... joy andyan ka pala..
joy:narinig ko nga sinabi mo eh...
she:ahahahhha...
kite:joke lang yun ikaw naman...
dyan kami nagsimula ni she...masaya na sana kami nun...syempre walang hussle sa relasyon...ok na kami ng paganon gnon lang muna... til this day comes...
"jerico! halika!"
si inang doreng...lola ko...inang:sino yung kasama mo kanina?? parang kilala ko yun???
kite:sino po?? si she???
inang:oo ano yun?? bakit kasama mo??
kite:ah!!! inang naman... girlfriend ko po...bakit po??
inang:susmaryosep! santisima! tigilan nyo yang relasyon nyo...
kite:ha??? bakit po?? inang wala naman po siguro masama sa relasyon namin...
inang:meron...dahil ang lolo nun at ako eh magpinsan makalawa...
kaya magkamag anak kayo sa tuhod!!kite:ha??? pero malayo na po yun diba???
pero syempre pa tulad ng nakaugalian na (pakshet) kultura... nagkausap yata ang inang at lolo nya...so kahit ganon nangyari...gusto ko pa din ituloy... kaso talagang wala...bumitaw na din si she...
nasaktan ako nun sobra... pero wala ng magawa eh..hindi ko sya sinaktan pero pinaghiwalay naman kami ng mga..... hhhhhmmmmppp!!! basta... mula nun hindi na ko pumasok pa looban...si ian na naging katambayan ko nun... lalo nung magbukas ng laruan sila ka rene... (woooop!!) expression ni ka rene yan na kilala din sa tawag na "itik" o "bato"
laging nakahubad baro si ka rene... kala mo hindi nilalamig ang peg... nakakatakot ang itsura pati boses... pero mabait yan... palabati at palabiro...
sa kanila kami lagi tambay...
dumating ang sem break ng mga tropa kong college...kaya naiisip namin lagi na tumambay sa gabi...
dito kami nagsimula maging isip bata...
naglalaro kami ng taguan sa kalye... pagtapos kain sa kubo kanya kanya..
sabay sabay... kumakain kami nun sa dahon ng saging....
pero alam nyo ba na bgo maging "KALADKAD" eh "EL MOLA" ang unang tawag sa tropa??? ahaha...galing yun sa isang sando na minsan suot ni pareng arnel nung manood kami sa court!!
naglalakad kami nun ng biglang may sumigaw na bading....promise!!!
"ayyyy! yung naka el mola malaki **+%*#% nyan!!" ahaha... tawanan kami non....
hanggang sa araw araw na tambay namin ginawa na namin pangalan ng tropa yun... ang tropang el mola... ahahaha...
sa ganung kasimple kami nagsimula...
tambay sa gabi...kain... minsan magkayayaan...inom... (tanung lang ganu kadalas ang minsan)
sa pagtambay namin gabi gabi...
dumami kami ng dumami...
nakilala namin si pareng erwin si pareng jan...
pero bago yan... skip tayo ng konti...
it was....feb.5,2003
@tindahan ni ka dora
6pmian:ano pre bili na tayo ng ulam natin pra mamaya...
kite:sige para naman hindi na ko uuwi...
"kite... gusto nyo mag join sa "sasa"???"
si ate ann... that time eh recruitment agency ng sasa...kite:sasa??? anu un???
ian:anu daw pre??
ann:sasa or samahang anak ni san antonio...
kite:dapat pala sali natin dyan si f.c. pati si l.a.
ian: oo nga...sali tayo...
ann:bukas kase may meeting dyan sa chapel...7pm punta kayo para malaman nyo din kung ano talaga yung ibig sabihin ng sasa... asahan namin kayo ha....
so kahit hindi pa kami sure sa pagsali syempre nakapirma na kami eh... pero syempre konting bitin muna uli... para kumain muna ko... gutom na ko eh
next part na lang uli... kitakitz mga kawattpad!!!!

BINABASA MO ANG
sa calzada minsan may isang tropa
Adventurea story of how we are bind by one sa kalokohan sa kalungkutan sa bawat problemang kailangan daanan at bigyan ng solusyon in many different ways tropang kaladkad one of the best and for us we are ahead above the rest.......... since april 10 2004