sa calzada minsan may isang tropa

21 0 0
                                    

ika-pitong yugto ng kasaysayan
ang tunay na kahulugan ng tropa

balikan natin ang naging sitwasyon ni pareng deck....
nakarecive ako ng text mula sa kanya
pero this time parang kailangan nya ng tropa para makausap....so dahil wala pa naman akong masyadong ginagawa non
ako ang naisipan nyang kontakin...
pinuntahan ko sya sa lugar na tinutuluyan nya...
nalaman ko na lahat ng dapat at hindi ko dapat malaman....pinaalam ko sa tropa ang sitwasyon nya... dahil nga magkakapatid kami kung magturingan sa tropa... lahat ay nagkaron ng kotrbyusyon para kay deck.... hanggang sa lumamig na ang sitwasyon nun at inurong na din yung demanda... malaya na uli namin nakasama si pareng deck....

Since then everythings back to normal..
masaya na uli kami nakakatambay..
Balik kami sa tapat ng merrie mee..
Sa tinagal tagal ng pagsasama ng tropa
At sa dami na din ng pinagdaanan nananatili kaming buo at may pagkakaisa...
Syempre...pero hindi naman sa lahat ng oras eh puro kami kalokohan...
Natutunan din namin tumulong sa kapwa namin....tulad nung.....

typhoon millenio
@8:23Am
Maaga kami nagising na matotropa...
Syempre dahil nga sa lakas ng bagyo nun inisip namin na baka isa sa tropa ang kailangan ng tulong...
Hindi napigil ng lakas ng ulan at bugso ng hangin ang tibay ng paninindigan namin...pagtapos namin makatulong sa bawat tropa nun...tumambay kami sa tapat ng bahay nila arnel...sa pagtambay namin nakita namin ang ilang mga tao na kailangan ng tulong nun... madami kase nastranded ang sasakyan..kahit medyo nilalamig lahat nagawa namin na tumulong...take note mga boss... without asking for any return... ganyan kami kabait...haha... pero may isang pangyayari nun na talagang hindi namin malilimutan nun...naglalakad kami sa tubig baha nun papuntang sta.ana... ng may nakaagaw ng pansin ni pareng jeff..
isang batang lalaki na tila napahiwalay sa kang ina...walang sabi sabing binuhat ni jeff ang bata at tinulungan maitawid sa baha...hanggang marating namin ang sta.ana churh...dun nakita ng kanyang ina ang anak na naiwan pala dahil sa taranta...umiiyak ang nanay ng bata na magpasalamat samin... napakagaan pala sa pkiramdam na iisipin mo na nakatulong ka in your own simplest way...
At dahil nga sa nasa puso na ng bawat isa ang hangarin na makatulong...
Naisip ni pareng jeff nun na kumandidato for sk chairman...
dito nasubukan ni pareng jeff ang suporta ng bawat tropa...
Sa bawat lakad nya para magpunta sa bawat sulok ng brgy....nasa likod nya ang bawat isang tropa na sumusuporta at nagpapatibay ng loob nya... nakita din nya kung papano magpahalaga ang tropa..
Pero sabi nga nila... it takes two to tango... natalo man sa eleksyon si pareng jeff para samin sya pa din ang nanalo dahil sa pakikisama....

Back to baha story...
Naging bisyo na namin nun talaga ang pagtambay...pero dahil nga baha sa kalye...naging tambayan namin nun ang balkunahe nila pareng arnel... dito kami nagpapalipas ng maghapon para mapaglibang sa gitna ng baha...
Madami din kami nakita na talaga naman hindi namin malilimutan...
Nung minsan makita namin na bumabyahe ng "padyak" ang dalawang magina...
Tinutulak ng anak ang sidrcar mula sa likod....
"Sige pa anak...sabihin ko kung ok n...
Ayan....sige sakay n!"
paupo na sana ang anak ny sa likod... pero dahil nga sa bilis ng takbo ng sidecar hindi na namalayan ng ina nya na naiwan pala ang anak nya na nakahiga pa pala sa tubig...
Ang reaksyon namin nun"!!
"Uyyyyyyy!!! naiwan lang!!"
sabay tawanan...

Madalas pag walang magawa
Tatambay kami sa terrace nila arnel tpos lahat ng dadaan sisiraan namin...
Minsan naisip namin na manghuli ng isda sa baha...dahil nga may sarili kaming fishpond sa harap ng bahay nila arnel...gumawa si pareng ton ng improvise na pangkuryente...
Kumuha lng sya ng screen ng sirang electric fan...masaya to dahil lahat ng tropa nakaabang sa isdang mahuhuli... ang nakalimutan namin nun pag ibinaba nga pala ang pangkuryente sa tubig maapektuhan lahat ng nasa tubig... galing!! sa unang babad lahat kami nakuryente!!!!
Pero syempre naging wise na kami at natuto na...kaya pg sumigaw na si ton na "eto na ha...ahon sa tubig!!"
lahat kami umaalis at nagaakyatan sa mga pwedeng akyatan basta hindi maapektuhan ng kuryente...maliban lang kay jayar...umakyat sa isang bakal na hagdan na nkababad din sa tubig....
ayun...kisay....

Nung mawala ang baha...wala na din ang fishpond namin...back to basic uli..
Pero kami ang tropang maraming sponsor...may kasabihan po tayo...
"Ang tropang gipit...sa bakla lalapit"
kaya minsan na wala kaming pang inom...nakita namin ang isang sponsor namin.
Si joan miclat...simple pang nmn idescibe si joan.... kung kilala nyo si "efren reyes jr" yun sya.. mabait na bading si joan..at mura ang pagupit sa parlor nya...50php lang....5 tao na kayo nun...plus my kasama pang highlights...
Pero syempre dapat kasama mo yung gwapo sa tropa...hahah...so yun nga... napadaan sya at nakita namin na mukang paldo...kaya konting negosasyon....nagkasundo na.... 500 daw!!!ok na....biglang bulong ni deck... pre ikaw ang bet!! ayos... wala akong kaalam alam sa plano...
Syempre para may panginom lang...
Pag dating namin sa pwesto..n nagdahilan ako na masakit ang tyan...
Safe....
Balik ako sa tropa para makainom...
Haha! Utakan lang yan....

sa calzada minsan may isang tropaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon