"HAHAHAHAHAHAHAAHA" Punyeta, tawang tawa talaga ako sa nabasa ko sa facebook. Siya agad ang unang pumasok sa isip ko eh. Malamang kasi nasa puso ko din siya hahaha char.
Alam ko na magiging reaksyon n'un eh, "HAHAHAHAHAHAHAHA" Azar, 'di ko talaga mapigilang humalakhak.
"Ano na naman 'yang nabasa mo 'te?" Tsk. Nakuha ko atensyon ng aking butihing nakababatang kapatid, si CT (Clyde Tide).
"Wala! May nakita kasi akong tide bar sa feed ko, naalala kita WHAHAHAHA" 'de naasar ko din siya, sabat pa po!
"Luhh, NANAY SI ATE INAASAR NA NAMAN PANGALAN KO!" HAHAHAHA as usual sumbong nanay na naman, nagsumbong na naman kay nanay hays.
Halatang 'di pa rin kaya ang buto.
Pumunta sya kay nanay at hindi ko na siya inintindi pa, bumalik s'ya sa'kin kapag kaya na nya buto nya.
Binalik ko ang atensyon ko sa cellphone ko, nakita ko na naman yung post na 'yun. Agad agad kong tinag ang bebe ko sa post na 'yun.
//Hala, @RockMontefalco03
Post: Cute ng maiitim 'pag pawisan no?
Parang adobo.//
"HAHAHAHAHAHAHAHAAHAHAHA"
Sweet ko talaga hehi.
**After 5 minutes
//Rock Montefalco reacted to a post that you shared//
"Angry?! WAHAHAHAHAHA"
Yun lang? Walang comment?
Kahit nagtataka hindi ko na lang pinansin, gaganti yun for sure.
After kong magbukas ng account sa facebook, dumako ako sa ibang social media account ko.
Sa instagram.
Na-shookt ako sa nakita ko, may bagong post ang bebe ko.
Picture ko.
Kaka-send ko lang sa kanya nito kanina ah. Nang dahil kasi sa epidemyang kinakaharap ng bansang Pilipinas ngayon, hindi ako makalabas ng bahay. Wala akong magawa. Sa sobrang pagkabored ko, kung anu-ano nang pumapasok sa isip kong gawin.
Ayun, kanina.. naisipan kong magphotoshoot.
Tiningnan ko yung caption na nilagay nya,
//My Everything <3//
Hindi ko napigilang mapangiti sa nabasa ko at magcomment.
@CourtneyToneCuesta: Kilig naman pu sa everything <3<3
**After 1 minute
@RockMontefalco03: HI EVERYTHIIIING
ABA SINASABI KO NA NGA BA!!!!!!! GRRRR 'di pa rin nya kinakalimutan yung motto nyang "Lintik lang ang walang ganti" My God, Rocky!!!!!!!!!!!!
YUNG KILIG KO KANINA NAPALITAN NG MATINDING PAGKABWISIT.
NABUBWISIT ANG AKING PAGKATAO.
@CourtneyCuesta: BWIST NAMAN. HAHAHAHAHAHA
Natatawa ako sa sarili ko, kahit naman nabubwisit ako sa kanya madalas, love na love ko pa din siya eh. Lalo pa nga akong nahuhulog sa kanya sa mga kalokohan nya eh.
May halong kilig kasi yung pagkabwiset ko, ano ba!
Ni-refresh ko yung instagram ko at may pagcomment pa yung isang kong ulupong na kaibigan.
@Xyan23: Lodi ko talaga 'to si ssob Rockyboi eh Hahahahahaha paturo naman
@RockMontefalco03: @Xyan23 kapag baby girl/ baby boi tawagan ng magjowa Xy tatagal yan. Alam mo na 'pag may dumating ha.
ABA! Syempre eeksena ako.
@CourtneyCuesta: @RockMontefalco03 WAG MO NGA TURUAN NG KUNG ANU ANO SI XYAN HAHAHAHA STRESS KA!
@RockMontefalco03: @CourtneyCuesta luh wag ka magulo nagpapaturo ng forever yung tao eh.
@CourtneyCuesta: @RockMontefalco03 ayusin mo kase hahahahaha.
@Xyan23: @RockMontefalco03 hahahahaha noted with thanks ssob hahahaha
@Xyan23: @CourtneyCuesta yaan mo na Court, expert sya dyan whahahahahaha.
AY EWAN KO NA DIN TALAGA SA DALAWA NA YAN.
Ako ay naiistres!!!!!! Hahahaha char.
Loka loka din kasi 'tong Xyan na 'to sukat magtanong ng ganun kay Rocky, eh isa't kalahating abnoy y'un. HAHAHAHAHA
Anyway, I am so happy to have them. Really.
Hindi ko inaasahan ang pagdating nila sa buhay ko, lalo na yan si Rocky.
Hindi naman kami naging magkaklase noon pero tingnan nyo nga naman,
7 years na kami ngayon.