Naguguluhan man ako kung saan kami patungo, nagpatangay na lang ako. Hindi naman ata ako ipapahamak ni Xyan diba?
Sa mga dinadaanan namin, parang alam ko na kung saan kami pupunta.
At ayun nga!
Huminto kami sa tapat ng room nila Jonel.
Ay, nagpauto si gaga hahahahaha! Bahala siya diyan. Nagpaiwan ako sa labas ng room nila para makaiwas sa gulo.
Mukhang gulo na naman pinasok nito ni Xy eh.
Maya maya..
Narinig ko na lang na may naghihiyawan na sa loob, papasok sana ako kaso sakto papalabas na rin naman si Xy kaya napaatras na lang ako.
*Craaaaaack*
"Ay pucha, ano yun?" Nilingon ko kung ano man yung tumunog mula sa likuran ko. At nakita ko yung mga munting bracelet na nagkalasuglasog, I mean, nagcrack halos lahat nung beads.
"Uy teka! Hala! Hala sorry sorry, jusko. Sorry talaga" Panghihingi ko ng pasensya. Hiyang hiya ako jusko, paano ba 'to?
"Hala, kailangan pa naman naming ipasa' to mamaya." Sabi nung lalaking 'di ko naman alam name, kaklase ata 'to ni Rock.
Lalo tuloy akong nakonsensya.
"Bakit? Anong nangyare?" Rinig kong sabi nung nakatalikod nilang kagrupo ata kasi kasama nilang gumagawa eh.
Parang familiar yung boses.
At lumingon na nga.
"Hala Rock sorry, naapakan ko kasi. Ano,.. Ganito na lang, babayaran ko na lang. Kunyare binili ko. Hala, sorry talaga"
Putek, sa dami naman kasi ng maaatrasan ko yung project pa ng grupo ni Rock. Kay galing!
"Hindi, okay lang. Ano ka ba, inaasar ka lang nito. Kami ng bahala, h'wag mo ng bayaran" Sabi ni Rock.
"Nako, sure lang ba kayo? Sorry talaga. Hindi ko sinasadya."
"Oo hahahaha, biro lang yung kanina. May maipapasa pa naman kami." Sabi nung kagrupo ni Rock na kanina siya yung nagsabi na kailangan na daw nilang ipasa yun.
"Ay, sige sige. Sorry ulit."
After nun, hinanap ko agad si Xy. Putragis na babaeng yun, yare talaga sa'kin y'un mamaya. Kung hindi dahil sa kanya, hindi mangyayare yung nangyare kanina, ang kahihiyan ko aba.
Nung nakita ko siya, dali dali ko syang kinaladkad.
"Uy, teka Court. Hindi ko pa nababayaran 'to" Sabi nya sabay turo nya sa anklet na nasa paa nya habang naglalakad kami ng mabilis.
Hindi ko sya pinansin.
Bahala ka leche, aalis na tayo sa ayaw at sa gusto mo.
"Teka lang naman, ay hala talaga! Ayaw pa pigil, wait. JONEEEEEEEEL~ AKYAT KA NA LANG SA TAAS, ABOT KO SAYO BAYAD."
Nang makarating kami sa tapat ng room namin sa T. L. E. agad ko syang sinabunutan...
Nang mahina lang naman, pero kinaltukan ko ng malakas.
"LA! PARA SAN 'YUN COURTNEY?" Gulat na sigaw ni Xyan.
"Punyeta ka, nakaapak ako ng project nang hindi oras dahil sa pangangaladkad mo." Mahinahon kong sabi sa kanya.
"Ay weh? Sorry na Court, ikaw malapit sa' kin kanina e. Hehe, oh kamusta? Kinuha ID mo? I-guiguidance ka daw? O binayaran mo na lang? Or hala. Tinakasan mo?! Ay oo! Kaya ang bilis mo kong kinaladkad hanggang dito e. Ang sama ng ugali mo Courtney, tinakbuhan mo sila. Hindi ka man lang ata pa nag-"
"Ituloy mo sige, masasaktan ka talaga nang todo. Napaka-OA, nagsorry ako, okay? Sayo ako hindi magsosorry kahit napalakas yung kaltok ko, kasi deserve mo yan! Hahahaha"
chAr!
Nagbabardagulan lang kami ni Xyan pero oks na kami. Laking tulong nung napalakas kong kaltok sa kanya kaya kumalma mga kalamnan ko.
Pagkapasok namin sa room, nakita na naming nagsisikainan na yung mga kagrupo namin. Agad agad din kaming kumuha ng kanya kanya naming kutsara at tinikman din.
Huy masarap.~
So far so good naman, ang sayang matikman mo yung sarili mong niluto. Parang kahit hindi masarap, sumasarap dahil ikaw mismo yung gumawa eh. Pero masarap sya, for real.
Nabigay naman nila Xyan at Margo yung naipangako nilang leche flan kay Leo. Buti may natira hahaha.
Masarap naman daw. Aba, dapat lang. Hindi na siya makakaulit kung lalaitin nya may kasama pang sapok. Char!
Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon ni Rock pauwi ng bahay.
Hindi ko nga alam kung anong meron pero parang kakaiba yung kilos nitong Rock na 'to.
Di kaya dahil sa naapakan ko yung project nila kanina?
Na-guilty naman daw ako ulit.
May naisip ako,
"Ano.. Rock, wait lang." Pagpapahinto ko kay Rock at may kukunin ako sa loob ng bag ko.
Buhat nya kasi.
Kitang kita ko sa mukha ni Rock yung gulat nung sinabi kong huminto siya. Seriously? Anong meron? Nasobrahan ata 'to sa kape eh.
"Kalma, may kukunin lang ako." Bulong ko sa kanya, 'di ko alam kung matatawa ako sa kanya o ano eh. Pinigil ko na lang.
May kasalanan ako tapos tatawanan ko pa sya? Very wrong naman yun. Sana mapangatawan ko yung pagpigil ko ng tawa hanggang mamaya.
Nang makuha ko na yung pinaglagyan ko ng leche flan para sana sa akin, kakainin ko sana ulit mamaya pero sige sa kanya na lang. Agad ko siyang kinalabit,
"Uy, sorry ulit kanina oh. Sayo na 'to." Nahihiyang inaabot ko sa kanya yung leche flan.
"Oh, ano 'to?"
"Peace offering?"
"Hindi, what I mean anong laman nito?" Tinutukoy nya yung maliit na tupperware na inaabot ko sa kanya.
"Leche flan." Nahihiya ako kaya tumingin ako sa ibang direksyon pagkasagot ko sa tanong nya.
"Wehh? Akala ko ba hindi mo ako papatikimin? Paano sila tita? Anong ipapatikim mo sa kanila kung ibibigay mo sakin 'to?"
"Loko lang yung kanina, meron pa sila mama dyan sa bag ko. Tsaka ano.. peace offering ko yan para dun sa naapakan kong project nyo. Sorry ulit." Bahagya pa akong napatungo dahil nabuhay na naman yung kahihiyang naramdaman ko kanina.
"Nako, sabi ko sayo wala yun. Nakapagpasa naman kami ng project namin kanina. Pero salamat dito ha" Tapos ngumiti siya.
Shet ang cute nya. Ang genuine nung pagkakangiti, kagigil.
"Welcome, tara na!" Yaya ko sa kanya pauwi. Tapos bumalik na naman yung pagkaweird na kinikilos niya. Hindi ko na lang muna pinansin.
Nang malapit na kami sa street namin..
Kukuhain ko na sana yung bag ko sa kanya..
"Ano.. Courtney.."
"Oh?" Huminto muna ako sa pagkuha.
"Ano kasi.. Ano.. Pwede bang.."
"Ha? Ano? Tapusin mo kasi. Pwede bang ano?"
"Pwede bang.. ano."
"Ako kanina pa naguguluhan sayo ah, kanina ko pang napapansin na parang wala ka sa sarili, ang bilis mo pang magu-"
"Courtney, pwede bang manligaw?"