7.

14 5 2
                                    

Nabigla naman ako sa sinabi nya. Hindi ko first time makarinig ng gustong manligaw sa akin pero first time kong bet ko yung gustong manligaw sa akin.

"Hala? Sure ka ba dyan? Eh may ex ka eh." Baka kasi nabibigla lang siya. Baka kasi love pa nya yung ex nya, nadala lang siya na ako yung madalas nyang makasabay pumasok sa school at umuwi.

"Eh, ex naman na yun eh. Sa totoo lang matagal na kitang gusto, kaso nahihiya ako sayo. Grade 1 pa lang tayo nakikita na kita eh."

Uy, hala teka. Ano 'to? I' m shookt.

"Grabe naman yung grade 1 pero sa totoo lang.. Ako din. Ano.." Shet, ganito ba pakiramdam kapag ano, medj magtatapat ka din? "Nagugustuhan na din kita." Tuluyan ko ng kinuha sa kanya yung bag ko at mauuna na sana sa kanya kaso..

Hinawakan nya yung braso ko at tinanong ulit ako, "So, meaning pumapayag kang ligawan kita?"

Sigurista si koya mo.

"Opo" Sabay hatak ng braso ko at tuluyan ng nauna sa kanya. Waaaaa sana hindi niya nakitang namumula ako.

Kinikilig ako myghad pero nahihiya.

**

Valentines Day

Saktong friday ang Valentines Day ngayong taon kaya may pasok kami pero wala kaming pasok sa afternoon class, wala kaming T. L. E.

Medyo sad kasi I really love cooking.

Pero may ibang pakulo naman ang mga kaklase naming lalaki ngayon. Gumawa sila ng booth na kung saan, pwede kang magbigay ng valentines card sa gusto mong pagbigyan nang anonymous ka lang.

Sa madaling salita, mabibigay nila yung letter mo dun sa bet mo nang hindi ka nila makikilala ganern.

Magandang chance para sa mga torpe no? Bawat isang estudyante, pwedeng magbigay ng limang cards sa iba't ibang taong gusto nilang pagbigyan.

At ako, heto, nagsusulat. Bibigyan ko yung apat kong mga bestfriend na nasa iba't ibang section. 'di ko na bibigyan sila Margo at yung iba ko pang bestfriend na nasa room, araw araw na kaming nagkikita eh hahaha.

At syempre yung pang lima, para sa manliligaw ko. Harujusko, kinikilig ako.

Sinulat ko na sa colored paper na kulay pink yung letter ko for Rock, 1/4 lang yung colored paper para konte lang masulat ko, hindi naman ako yung nanliligaw eh. Tamang pagpapahayag lang ng konteng pagmamahal sa kanya. Tama ng malaman nya na naappreciate ko mga ginagawa nya para sa akin.

//To my Valentine,

You made me believe in a better tomorrow. And for that, I'll always be thankful for you.

Happy Valentines Day, Rock!

From your Valentine ♥️//

Nilagyan ko din ng "To: Rock" yung labas ng letter after kong mafold ng dalawang beses, mamaya sa iba pa mabigay eh.

Hindi ko nilagay yung pangalan ko para mapaisip siya hahahaha.

H'wag nya lang maisip na galing sa ex nya 'to jusko, masasampal ko siya. Hahaha char

Inabot ko na kay Jonel yung 5 na letters na sinulat ko, "Pakibigay sa tamang tao ha, bugbog kapag hindi." Banta ko sa kanya.

"Woah, chill. Mabibigay namin yan sa mga dapat pagbigyan."

"Siguraduhin nyo lang."

HAHAHAHAHA kapal ng mukha ko eh noh hahahaha ako na nga lang nagpapabigay eh.

Pero sana matanggap nga ni Rock yun, at maisip nya na galing sa akin yun hehi. ♥️

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 17, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BBYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon