4.

27 5 1
                                    

Gulat na gulat akong tumingin ulit sa katabi ko at napaharap din siya sa akin.

"Yung mga itlog, Margo?" Tanong ko sa kanya.

"Ay sorry Court, 'di ko na din makita yung sinusulat ko eh pero nandoon lang naman yun. Hindi naman siguro mababasag yun"

Hindi naman ako nakumbinsi sa sinabi nya, jusko. Ang lilikot ng mga dibil naming kaklase sa likod eh. Agad akong tumayo nang hindi kinukuha yung notebook ko sa upuan sa harapan para walang maka-upong iba.

Sumugod agad ako sa upuan namin sa bandang likuran.

Nakita ko namang nandun pa yung mga itlog.

Pero teka?

Kulang ng isa. Sinasabi ko na nga ba eh.

Tumingin muna ako sa harapan para masigurado ko na wala si Ma'am dahil malamang may masisigawan na naman ako nito. Umiinit ang aking ulo!

Nang masigurado ko naman na wala pa si Ma'am at tanging yung secretary lang namin ang nasa harapan na nagsusulat sa blackboard ay humarap na ako sa direksyon kung nasan yung mga salarin ng pagkawala ng isang itlog. Bilang ko kaya yun!

"Anong tinitingin tingin mo dyan?" Aba talaga nga naman. Attitude si siz! "Nagagwapuhan ka sa'kin no?" Lakas ah! Kapal ng apog nito ni Leo. Pfft, sarap bigwasan.

Kahit pa natatawa ako sa kakapalan ng pagmumukha nito ni Leo, tinanong ko na din siya agad at may sinusulat pa ako. " Kunyari ka pa d'yan, gusto mong masuntok? Nasan na yung itlog ko?"

Bahagya naman siyang ngumiti at ngumisi pa, "May itlog ka pala? 'Di halata." Dugyot 'to ah!

"HOY AKINA KASI, IPANGLULUTO NAMIN YAN. MAGKUKULANG INGRIDIENTS NAMIN NYAN EH!" Bulyaw ko sa kanya. Naubusan na ako ng pasensya dahil mukhang naiiwan na ako ng secretary namin. Imbis na nakakasunod ako ng maayos sa sinusulat nya, ayun naiwan na ako panigurado.

"Ay ito ba tinutukoy mo?" Kung ako naiinis na, siya? Chill lang at mukhang nang aasar pa talaga. Pinakita naman nya sa'kin yung hawak nyang nawawalang itlog ko.

"Putres, oo yan! Takte ka, kapag talaga yan nabitawan mo't nabasag, bubugbugin talaga kita. Pangako!" Tumakbo naman ako sa kanya at sinubukang kuhain yung itlog ngunit tinaas niya yung kamay niyang pinanghahawak sa itlog. Waaaa bakit kasi ang liit ko, hindi ko tuloy maabot.

At naapi na naman po ang height ko nang hindi niya nalalaman at ang sakit po.

"Hoy Leo, 'di ba mabait ka naman? Akina yan. Dali na. Gusto mo patikimin kita ng lulutuin namin mamaya? Akina yan." Baka madala sa pang uuto.

"Sabi mo yan ha!" Buti na lang at napakadali nyang kausap. Inabot na nya sa'kin yung itlog.

Nako talaga, mukhang napasubo ako ah! Walangya kasi eh. Mabait naman yan si Leo, may pagkamonggi nga lang sometimes katulad ngayon.

"At dahil bibigyan na rin naman na kita ng lulutuin namin, pakibantayan na yan at magsusulat pa ako. Kapag nagkulang at may nabasag diyan, wala kang leche flan!" Napasubo na din naman na might as well lubusin ko na rin. Kagigil eh.

"Ge!"

"Salamat" Pahabol kong sabi sa kanya bago ako umalis at bumalik sa upuan sa harap para magsulat.

Napakaswerte nya jusko, si Rock nga 'di makakatikim eh. Hays, THE POWER OF EGG!!!!!!!!

Iba ang epekto sa'kin ng itlog, struggle is real.

BBYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon