3.

22 5 2
                                    

Friday.

TGIF.

Thank God It's Friday!

Bet ko talaga tuwing friday eh kasi may T.L.E kami. 5 hours. Normally kasi diba may tig iisang oras lang meron ang isang subject pero ang P.E at T.L.E subject namin, iba.

Once a week lang.

Ang P.E subject namin is 4 hours lang, every tuesday. Ang T.L.E subject naman namin is 5 hours, every friday and today is FRIDAAAAY YIEEEE!!!!!!

Cooking kami ngayon eh. Yeaaaah! Gagawa kami mamaya ng leche flan, jusko naeexcite talaga ako.

Naeexcite ako pero kinakabahan din, paano ang cute ng na-assign sa'king dalhing ingridients ng leader namin. Aba! Sukat pagdalahin ako ng itlog. Oo nga, maliit at magaan pero napakafragile po nito like my heart. Napakadelikado lalo na't may mga mahaharot kaming boys sa likod. Second to the last row ako nakaupo eh tapos sa likod namin, yung mga dibil kong kaklase.

Hays. Goodluck sa akin mamaya talaga.

Kakababa lang namin ni Rock sa jeep, hindi ako hirap sa pagbitbit ng mga itlog ngayon dahil sa kanya. Nagpresinta s'yang dalhin eh.

Nang makarating kami sa kanya kanyang pila ng section namin, may papampam na lalaking nakapansin sa'min.

"Uuuuy, napapadalas ang pagsabay sabay nating pumasok ah." Kaklase siya ni Rock, tropa nya din ata. Hindi ko sure, nang-aasar eh.

Ngumiti na lang kami at inabot nya sa'kin yung mga itlog.

"Patikim ng lulutuin nyo mamaya ah." Bulong nya sakin.

"Luhh, asa ka! Kulang pa sa'min yun eh." Sabi ko naman sa kanya, hahaha! Totoo naman, mga babae kami pero mga sugapa kami sa pagkain.

At isa pa pala, sa T.L.E subject namin, magkahiwalay ang boys at girls. Kasama namin mamaya ang mga girls ng section 5, mga kaklase ni Rock. Ganun din sa kanila, kasama naman nila Rock yung mga boys ng section namin.

Ang cool diba?

"Courtneeeeeey, dala mo na yung mga ingridients na pinadala sayo ni Margo?" Salubong sakin ni Xyan, diba hindi lang ako yung excited mamaya, 'pakaingay ng babaeng ito kay aga aga. Si Margo, siya yung leader namin, best friend din namin ni Xyan.

"Oo eh, ayoko ng umuwi mamaya at baka malate ako eh." Sagot ko sa kanya, "Ikaw?" tanong ko din pabalik sa kanya. Nako, isa ding tamad yan eh.

"Oo, ako din. Dala ko na yung mga kitchen utensils na gagamitin natin mamaya. Tinatamad na din akong umuwi eh hehe." See? Kilalang kilala ko na yan, ultimo amoy ng utot nya alam na alam ko na eh. Magkakaklase na kasi kami nila Margo since 3rd year pa lang.

At ngumiwi pa nga sa'kin kala nya ang cute nya sa ginawa nya eh. Hahaha char!

"Buti ka pa kitchen utensils lang dala mo, eh ako paiyak na sa dala ko. Mukhang mahihirapan ako mamaya sa pagbabantay ng mga ingridents na dala ko."

"Bakit? Ano bang pinadala sayo?"

"Itlog."

"Aw, goodluck nga!" Sabi nya bago kami umayos sa pila at magsisimula na ang flag ceremony.

***

"Ang mamatay ng dahil sayo.." Bago matapos ang seremonya, nagpanatang makabayan pa kami at iba pa.

Nang matapos na ng tuluyan ang flag ceremony namin.. agad ko ng kinuha ang mga gamit ko. Jusko kasi yung mga itlog.

Nauna ng pinaakyat sa building namin ang mga nasa section 1. Sila kasi ang una, buti na lang at section 6 kami kaya sandali lang kami maghihintay at makakaakyat na din kami agad. 32 sections kasi ang meron sa 4th year, goodluck sa section 32.

Habang paakyat naman ako ng hagdan, may mga walang pusong nakadinggil sa'kin dahilan kung bakit muntik na akong masubsob sa hagdan. Buti na lang talaga nakakapit pa ako kay Xyan. Nako, ang mga itlog.

***

Sa room

Kinakabahan naman akong iwanan 'tong bag ko kasi nandito yung mga itlog. Mga lalaki pa naman yung mga kaklase kong nasa likuran ko, paano na?

Kailangan ko kasing lumipat ng upuan banda sa harapan dahil hindi ko na makita yung sinusulat ko, kakabasa ko 'to sa EBook eh. Nag aalangan pa rin akong umalis ng upuan ko pero nakita ko si Margo hehe, may naisip ako.

"Margo, pakibantayan naman sandali yung mga gamit ko, nandun yung mga itlog natin eh, salamat, mahal naming pinuno." Pakiusap ko naman kay Margo.

Ngumiti at tumango naman siya bago ako pumunta sa harapan.

Tahimik akong kumokopya sa harapan nang may maramdaman akong umupo sa tabi ko. Tiningnan ko siya at si Margo lang pala akala ko kung sino.

Ay teka!

Si Margo 'to, hala yung mga itlog!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

BBYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon