5.

21 5 0
                                    

T.L.E Time (1pm - 6pm)

Lahat kami'y hindi na magkandauga-ugaga. Busy-ng busy ang lahat sa kanya- kanyang gawain. Lahat kasi kami ay nagpeprepare na para sa aming unang lulutuin--- ang leche flan.

Waaa yummy!

Minsan nga nagkakandamali mali na ako, dahil sa sobrang excite eh. At buti na lang talaga habang hinihiwalay namin yung egg yolk sa puti nito, hindi nalalaglagan ng egg shells eh. Humaygad, naeexcite talaga ako sa finished product.

Nang maipagsama sama na namin yung mga ingredients ay nagvolunteer naman akong tutulong sa paghalo at paglagay ng mga ito sa hugis oval na container.

At kaboom! Hihintayin na lang namin ang aming leche flan na maluto at amin na itong titikmaaan. Ohh my God. This is it!

At syempre, panghimagas lang naman yung leche flan diba? Nagpasama ako kay Margo. Boyfriend n'ya pala si Leo hehi.

Nagpasama ako kay Margo sa canteen, para kumain muna ng kanin bilang lunch na din namin. Hindi na kasi kami nagkaroon kanina ng pagkakataon na maglunch kanina dahil sa pagkabusy sa aming lulutuin.

Umorder na lang ako ng isang balot ng kanin at yung pinili ko namang ulam ay burger steak.

Si Margo naman, pancit canton with rice ang inorder.

Habang kumakain naman kami ay may bigla akong naalala.

"Margo, si Leo ba bibigyan mo ng niluto natin?" Tanong ko sa kanya.

Nag iisip pa sya ng isasagot sa akin, nagsalita na ako ulit "Kasi kanina sabi ko bibigyan ko s'ya ng niluto natin kapalit nung pagbantay nya sa mga itlog natin."

Buti nga't napabantay ko sa kanya yun at nakasurvive hanggang ngayon. Kung hindi'y namomroblema sana kami ngayon kung saan makakabili ng panibagong mga itlog kapalit nung mga nabasag.

Buti na lang talaga at walang nabasag. Bawal pa naman lumabas ng school. Eh sa labas lang naman kami pwedeng bumili ng itlog.

Ay yaan mo na yan, tapos na eh.

"Bibigyan ko din s'ya, Court." Sabi naman ni Margo.

"Ahhh, swerte nya! Mukhang mapaparami sya haha."

"Oo nga no? Hahaha"

Pagkatapos naming kumain, ayun. Umakyat na kami habang dala dala nalang namin yung binili naming mineral water. Nagulat naman kami sa nadatnan namin.

Maraming tao ang nakita namin sa tapat ng room.

Nang makalapit kami, sila Leo, Seth at iba pa yung mga nandun, mga kaklase din naming boys.

Aba, at sisingilin na kami ng pagkain?

Pero hindi pala, may pakay din pala sila.

Nagbebenta din sila, mga putres haha!

Nilapitan naman ni Jonel si Xyan, isa din sa mga kaklase namin. Ex-manliligaw ko nung 3rd year.

"Xyan, diba tropa naman tayo? Bili ka naman sa akin oh." Rinig kong pang uuto talk nya kay Xyan.

"Tingnan mo, Xyan. Ang gaganda ng gawa ko diba? Bili ka na dali, ito.." Pumili sya at pinakita kay Xyan yung bracelet, "Bagay sayo yan, Xyan. Bilhin mo na." Ay talaga nga naman, pagkatapos nyang utuin, ngayon nama'y sinesales talk? Akala ko ba, magtropa sila? Haha

"Ayoko nung kulay." Xyan

"Ano bang kulay gusto mo?" Jonel

"Blue." Tipid na sagot ni Xyan, yare ka dyan Jonel.

"Teka," Sabi ni Jonel at naghanap na ng kulay blue na bracelet.

"Ayoko ng style, Jonel" Sabi ni Xyan, "Ayoko din ng bracelet." Pahabol niya pa.

"Ang dami mo namang ayaw, Xyan." Reklamo ni Jonel kay Xyan

AY BAHALA SILA DYAN HAHAHAHAHA USO TALAGA BANGAYAN SA SECTION NAMIN EH.

Maya-maya lang, nagulat na lang ako nang hatakin ako bigla ni Xyan.

"Huy teka! San tayo pupunta?" Tanong ko habang tumatakbo kami pababa ng hagdan.

"Wait lang, Court. Mamaya ako magpapaliwanag. Sorry na." Kinakabahan ako dito kay Xyan eh. May nasesense akong something eh.

Somethings not right, really wrong.

BBYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon