Rock's POV
'Nak ng teteng naman oh. Para akong bakla sa nararamdaman ko eh. Kinakabahan ako na ewan. Itong kasalukuyang kasabay ko, crush ko 'to noong elementary pa lang eh.
Simple lang, napakaputi plus cute na maganda pa.
Base naman sa pagkakakilala ko sa kanya mabuting tao siya kaya alam kong hindi mahirap ang mahulog sa kanya.
"Magpaload ka para makareply ka" Sabi ko sa kanya sabay ngiti. Pinagwapo ko pa sarili ko para cute yung ngiti ko, jusko kabaklaan ko.
Bago ako tumalikod sa kanya para pumasok sa room namin nakita ko pang nakakunot yung noo nya.
Ay! Teka!
Napahinto ako sa pagtalikod at pinihit ang sarili paharap ulit sa kanya, may nakalimutan akong sabihin.
"Ay, Courtney?" Tawag ko sa kanya. Nakita ko namang napahinto s'ya sa paglalakad papunta sa room nila. Mas malapit kasi sa hagdan na pinag akyatan namin yung room ng section ko kaysa sa room nila kaya mauuna talaga akong makarating sa room namin. Pagkarating namin sa tapat room namin ng mga ka-section ko, lalakad pa s'ya ng kaunti bago siya makarating sa room nila.
"Hmm?" Sagot nya. Medyo kunot pa yung noo nya, naguguluhan ata sa sinabi ko kanina.
"Goodluck sa exam." And there, kahit hindi pa siya nakakareact sa sinabi ko. Tumalikod na ako at tuluyang pumasok sa room namin nang may ngiting tagumpay sa labi.
Kahit lalaki ako, kinikilig ako. 'Di lang halata haha!
**
Kinagabihan, tinext ko na siya katulad ng sinabi ko sa kanya kanina bago kami magkahiwalay.
//To: Courtney
MuxtaH eX4m?..//After 15 minutes or more than that nag-beep na yung phone ko.
//From: Courtney
4ux lh4rn, k4w?//Napangiti ako, jejemon din talaga siya katulad ko. Ang cute.
//To: Courtney
4ux l4nq riin.. Nq4 paL4, xinOnq kaSabay muH paL4qii pUmaxok xa scHoOl? 4nq aq4 muH aT4 p@laqii eii.. Wuala pAnq 4rAw eii..//Ewan ko kung bakit ako kinakabahan.
**Beep beep
//From: Courtney
WuaL4 ee.//Ayos!
Kinakabahan man, tinype ko pa rin yung mensaheng gusto kong iparating sa kanya. Bahala na 'to. Kahit hindi talaga ako morning person at palaging late sa pagpasok sa school,
//To: Courtney
Aii xiqee, xaBayaN n4 kiTa paLaqii.. dELikaDo k4paq m4diLim p4 eii..//Hindi yan patanong, pinaalam ko lang sa kanya para aware siya. Kasi sa ayaw at sa gusto nya, sasabay ako sa kanya. Delikado eh. *insert para-paraan song by JaDine*
Parang delikado na din ako ah.
Sa tatlong taon at kalahati kong pagiging estudyante dito sa FBHS, ni minsan hindi ako naka-attend ng flag ceremony.
Ngayon lang.
At sa mga susunod na Lunes at Biyernes sa natitirang buwan kong pananatili dito sa school na 'to bago gumraduate.
**
Courtney's POV
Aba! Hindi ko maiwasang mapaisip, anong gustong mangyare nito? Pero sige, choosy pa ba ako? Tsaka sa totoo lang takot din talaga akong pumasok ng wala pang araw eh.
Lumipas ang ilang linggo na palagi kaming magkausap sa text gabi gabi, parati na rin nya akong sinusundo sa tapat ng bahay namin para sabay kaming pumasok sa school. Isang street lang naman pagitan ng mga bahay namin eh.
Go with the flow lang.
Pero sa uwian naman hindi kami palaging nakakapagsabay. Naghihintayan kami sa labas na ng gate at baka may makakita sa 'ming mga kaklase namin, hindi naman sa nagtatago kami sa kanila.
Ano lang.
Di ko lang sure, kasi para sa 'kin naman okay lang na makita nila kami, ewan ko lang kay Rock. Baka 'di okay sa kanyang maissue kami, ganern. Di ko sure ha, wala naman siyang sinasabi eh.
Sumasakay kami sa jeep sa umaga pero kapag nagsasabay kami sa pag uwi, lakad na lang. Keri naman eh, since walking distance lang talaga yung layo ng bahay namin sa school pero dahil baka malate kami sa umaga, sumasakay na kami ng jeep.
Tapos feeling ko lang ha, pinagseselos nya pa ata yung ex nya eh tuwing madadaanan namin yun sa hallway kapag magkasabay kaming naglalakad.
Tuluyan na ata silang nagbreak dati eh, sabi nya.