7 years ago
**Beep beep
Nagtaka ako nang marinig ko ang cellphone kong nag-beep kasi hating gabi na, wala namang nagtetext sa'kin ng ganitong oras eh.
Kahit may pagtataka pa rin ay hininto ko muna ang ginagawa ko para kuhain yung cellphone na nakalagay sa kabilang side ng kama ko malapit sa unan ko. Bahagya pang nakabukas ang ilaw nito na nagbabadya na ring mamatay nang makuha ko para tingnan kung sinong ponsyo pilato ang nagtext.
//1 message received//
Yan ang unang bumungad sa Nokia 3315 ko nang pindutin ko ang gitnang bahagi nito matapos tuluyang mamatay ang ilaw nito.
Dahil sa pagka-curious agad kong binuksan ang mensaheng natanggap ko.
//From: Rock
Sometimes the heart sees what is invisible to the eye.
~H. Jackson Brown, Jr.
--
Happy sweet 16th birthday to me.
#Sweet16 #Prinsesa cu :( //
Ay aba! Birthday pala ng President ng Knights of the Altar sa simbahan kung saan member din ang kapatid kong si Tide, mabati nga muna nang makapagpahinga man lang din kahit sandali. Kanina pa ako gumagawa ng project sa Physics eh, nakakapagod.
//To: Rock
H4La biRthday mou? H4piiE biRthDeii//
Wala pang ilang minuto ang lumilipas nang marinig ko ulit na nagbeep yung cellphone kong napakaganda.
//From: Rock
th4nkxz, cOuRtney..
T3k4, vaKiit qiciinq kAh puAh?..////To: Rock
U'Re weLcomE, piruu vaKiit s4d f4c3?
m4y qin4qaWa din kaciie akOnq pRojecT sa physics//Ni-reply-an ko kasi why not diba? Dagdag oras sa pagpapahinga.
//N4qk4k4l4bu4n n4 kaciiE k4miE ng qF cu ee..
Aahh.. t4pux nuaH k4mii j4n e..//Ay putek, bakit natanong ko pa kasi.
//h4L4! sOwiie tO hEar, pirru ukiie lh4rn y4n.
M4Lay muH naM4n vuMalik puah oR maii maz bEtter puah nUAH d4d4ting//Ang ending hindi ko natapos yung project na ginagawa ko at puro comfort words ang pinagsasabi ko sa kanya habang sya nagkukwento kung bakit sila humantong sa gano'ng sitwasyon.
**
Lumipas ang isang linggo na maayos naman sana ang takbo ng buhay ko.
I mean, ayos lang. The usual routine ganern.
Papasok sa school, mag aaral kuno, kakain sa canteen with friends, uuwi sa bahay at gagawa ng assignments and projects.
From Monday to Thursday yan ang routine ko, hindi ko naman akalain ngayong Friday na may mababago pero hindi ko naman sinasabing masama 'tong nangyayare sa'kin ngayon ha.
Ano lang, iba lang.
Kakaiba lang sa usual scenario ko day by day.
Paano, nakasabay ko si Rock sa jeep papuntang school. Siya pa yung huling taong sumakay dito sa jeep na sinasakyan ko ngayon, siksikan pa 'langya.
I wonder kung yung kabilang pisngi ng pwet nya nakakaupo pa.
Medyo naiilang ako kasi nasa harapan ko siya, though hindi naman dapat kasi friends naman na kami eh, kasi nakwento na nya sa'kin yung tungkol sa girlfriend nya which is private na.
Usually nakukwento lang 'yun sa mga pinagkakatiwalaan mong kaibigan 'diba?
Kaya I assume, medyo close na kami pero sure akong friend ko na talaga siya.
Kasi s'ya lang din naman nakakatext ko sa tuwing hinahagilap namin si Tide dahil wala sa bahay eh pero send to many yun ha. Kasi madaming friends yung si Tide eh.
Kahit gan'un ang feeling ko medyo close na kami, natikom ko pa din ang bibig ko. Buong byaheng walang nagsalita at hindi namin pinansin ang isa't isa.
Hanggang sa bumaba na kami.
Pati lahat ng student sa FBHS na nakasakay sa jeep.
Nung nasa gate na kami, halos magkasabay na magkasabay kaming pumasok sa loob ng school.
At dahil feeling ko nga medyo close na kami, lumapit na ako.
Nilapitan ko na s'ya lalo.
"Hi Rock, okay ka na?" I was referring to his heart, kasi broken s'ya nung nakausap ko s'ya sa text eh. Baka ayos na sila ng "prinsesa cu" niya hahahaha.
Tumingin s'ya sa'kin ng gulat.
"Oh hello, Courtney, oo naman!" Sagot nya with matching pilit na ngiti.
"Kung magulat naman 'to parang 'di mo alam na nasa iisang jeep tayo nakasakay kanina hahaha" Napatakip pa ako sa bibig ko.
Kung titingnan mo ako, parang tinakpan ko yung bibig ko dala ng pagtawa ko pero hindi. Punyeta kasi bakit yun ang lumabas sa bibig ko.
Tinakpan ko yun kasi sising sisi ako sa nasabi ko, my God.
Awkward tuloy.
Nginitian nya lang ako nang nahihiya s'ya at tinanong ako kung napasa ko daw ba yung project sa physics na ginagawa ko nung nagkatext kami.
Aba, infairness tanda nya ah. Sinabi ko lang na natapos at napasa ko naman on time yung project na 'yun.
Konting usap lang, kamustahan hanggang kami makarating na kami sa kanya kanyang pila namin.
Ahead siya ng section sa'kin ng isa. Section 5 sya, ako 6. 4th year high school.
And yes, graduating.
May binulong pala s'ya sa'kin bago kami makarating sa kanya kanyang pila namin,
"Pa-load ka"
"Ha?" Bahagya akong napasimangot sa binulong nya at humarap sa kanya ng maayos.
"Ano?" Pag uulit ko.
"Pa-load ka mamaya sabi ko"
"At bakit? Magpapapasaload ka?"
"Baliw, hindi. Magtetext ako sayo."
"Oh tapos?" Lalong kumunot ang noo ko sa mga pinagsasabi nito.
Ako ay nagugulumihanan.
"Magpaload ka para makareply ka"
Ay, yun lang pala e.
Ay teka!
Ano daw?
