Chapter22

2K 38 1
                                    

"Tama na ? Bakit  ng nahihirapan na ang  girlfriend ko sa pinaggawa niyo ay tumigil ba kayo ?! Tapos sasabihin niyo sa akin ay tama na ? Punyeta kayong lahat !!!!"gigil na  gigil paring sigaw ni christian .

"Pa-patawad  po sir christian ",umiiyak na sabi ni eska  kaya naman napabaling dito ang galit na galit  na si christian . Napuno ang puot  sa mukha nito  ng maalala ang sinabi ni Rafael   na  ito raw ang isa  sa mga nagpahirap kay Aizel kasama si  Inday na nasa  katabi nito.

Namutla  naman ang dalawang katulong ng makita nila ang poot sa mata ng binata. Lumakad papunta sa kanila  si christian at

PAAAAAAAAK!!

PAAAAAAAAAK!!!!

Nanlaki ang  mga mata  ng lahat  ng sampalin ni christian  ng ubod  lakas  ang dalawang kasambahay .Napaupo sila sa sahig ..

" Ang ayoko sa lahat  ay mga Ahas!!!!" Maasik na sabi nito.

Mas lalo  naman umiyak  dahil sa takot sina Inday at Eska  na parehong putok ang mga labi ...

"S-sir christian  patawarin niyo po kami. Kailangan lang namin ng pera kaya pumayag kami---

"Pera ?!eh mga gago pala kayo eh!.. kung iyan lang pala ang  kailangan ninyo sana nagsabi nalang kayo sa akin kaysa sinaktan mo ang taong  mahal ko at muntik ng malaglag  ang anak ko!!!" Sigaw ni christian dito sabay  labas ng  makapal na wallet na punong puno ng  pera na tig-iisang libo at  malakas na  hinampas sa dalawang katulong  na lugmok sa sahig.

"Oh iyan....kulang pa  ba?!  Sabihin niyo lang ha marami akong pera o baka naman gusto niyo ng cheke?!" Hiyaw ni christian na punong puno ng pang-uuyam.

"Rafael  ang cheque book ko?! Utos nito at agad namang kumilos ang tinawag. Gigil na gigil na nagsulat ng tig   sampung milyon at ng matapos  ay pinirmahan  saka hinampas  ang dalawang cheke sa dalawang katulong.

" Hindi porket  babae kayo ay hindi ko na  kayo papatulan . Dahil kapag  ang babaeng  mahal ko na ang sangkot  dito ay wala akong sinasanto". Sabi nito sabay labas  at kinasa ang baril  na nasa bewang .

Napasinghap naman silang lahat at nanlalaki ang mga mata ng makitang  itinutok ni christian  ang baril sa dalawang katulong na umiiyak na napapikit ang mga mata at naghihintay  na lamang ng kamatayan.

BANNG!

"Ahhhhhhh"

Umaalingaw  ang malakas na putok ng kabahayan at ang tili ng kasambahay. Bahagyang tumahimik ang kabahayan  at ang tanging maririnig na lamang ay ang paghagulhol ng dalawang katulong.

"Pasalamat kayo , namali ako ng tantiya  at isa lang ang bala  ng baril ko kung hindi pinasabog ko na ang mga bungo ninyo. Sa susunod  na kalabanin  niyo ako at  kantihin ang babaeng pinakamamahal ko ay mas mabuting  maghukay  na rin kayo ng libingin ninyo  at kapag naulit pa ito!. hindi ako magkakamaling ikalabit sa pagmumukha ninyo".
Sinadya nitong ipaputok ang baril isang pulgada  ang layo  sa kanila  kaya hindi sila natamaan.

" wooooahh..  that was scary ...". Mahinang sabi ni warren  ng makapasok na sila sa loob ng  kotse. Kahit matagal  na silang magkakasama ay hindi parin  sanay silang makita kung gaano ito ka brutal pagdating sa mga taong mahal niya.

"If you don't mind  dude. Why did you spare their life?"takang tanong ni rafael

"Well sabihin na nating good mood ako sa lagay na iyon.... pasalamat  sila at buhay ang  anak ko... God knows what will I do  to them kung sakaling nakunan si Aizel" balewalang sagot naman ni christian .

Nanlalaki naman ang mga mata nila sa  sinabi ni christian..Really?..Good mood na siya sa lagay na iyon?.. so hindi pa pala bad mood ..meaning to say  mas grabe pa doon pag naging bad mood siya ? Nagkatinginan  naman sila at sabay sabay  na lumunok na parang iisa ang laman ng isip.
" kuhanan niyo ko ng dalawang ticket     dahil babalik na kami sa manila as soon as possible "dagdag pa niya dito

Montefalco series 1: Christian Montefalco Where stories live. Discover now