"Lying dead ,unable to sleep"
An:vote and comment me labs💙💙
====================Bandang ala-una na ata ng nasa kalagitnaan ng paglalaba si aizel ng makaramdam siya ng gutom.
Hindi pa siya nag aalmusal . Wala manlang miryenda at at nalilipasan na siya ng tanghalian. Hinang hina na siya.
"Anak, kumain ka muna . Dinalhan na kita ng pagkain" sabi ng isang matandang katulong
Biglang nagningning ang kanyang mata at mabilis na lumapit sa matanda at nanginginig na kamay .. Hindi siya magkandaugaga sa pagbukas ng nasa baunan dahil sa nararamdamang gutom.
Nagmumukha tuloy siyang patay gutom.
Nang makita niya ang ulam ay toyo at kamatis ay mas lalo pang lumuwa ang mga mata. Agad niyang nilantakan ang pagkain na parang walang paki-alam sa paligid.
Natutuwa naman ang matanda sa nakikitang reaksyon ng dalaga. Hindi ito halos makapaniwala na magugustuhan nito ang prinitong toyo dahil nga sa katayuan nito sa buhay. Ang inaasahang reaksiyon dito ay mapapasimangot dahil hindi naman sanay sa ganitong pagkain ngunit nagkamali ata siya dahil ng makita nito ang pagkain ay halos magningning pa ang mga mata nito.
Pagkatapos kumain kanina ay sinigurado ni elizabeth na simot lahat ng pagkain kaya naman nagpasiya siyang umuwi at magluto ng pagkain para sa dalaga dahil alam nitong gutom na gutom na ito. Hindi ito nag almusal, nagmiryenda at nalipasan na ng pananghalian .
Napansin kong puro sugat na rin ang mga kamay nito. Ang gaan gaan talaga ng pakiramdam niya sa dalaga ..
"Hok.....hok... tubig"
Bahagya naman siyang nataranta ng mabulunan ang dalaga. Paano naman kasi diretso lang ang subo.
Dali-dali naman niya itong binigyan ng tubig na agad naman nitong tinungga .
"Hayyse ang sarap ng pagkain..." burpp ** hhaha excuse me " masayang sambit nito pagkatapos kumain..
Nagkatinginan naman kami ng mapansin naming pareho na simot na simot ang binaon kong pagkain dito..
"Ahhahahahahhahahahah" parehas kaming natawa..
"Ang lakas mo namang kumain iha. Sa liit ng katawan mo na iyan . Saan mo nilalagay ang pagkain.." kantiyaw ko dito at namula naman siya.
Hayy ang gandang bata . Kaya hindi na ako magtataka kung bakit siya minahal ni sir christian .
"Hihi.. salamat po sa pagkain .. gutom po kasi ako tiyaka di naman po ako mapili pagdating sa pagkain "Nahihiya naman nitong sagot sa akin.
"Esinggggggg!"
Parehas kaming napakislot ng marinig namin ang sigaw ni elizabeth kaya mabilis akong nagligpit at saka nagpaalam ng umalis.
"Marami pong salamat "
"Walang anuman iha... magpakatatag ka "
"Opo. Huwag niyo po akong intindihin.... kaya ko po iyan.. pagbibiro pa nito.
Natawa naman ako at tarantang umalis na ng marinig ko ulit ang tawag ni elizabeth.
Nakita ko mula sa aking gilid ang ginawa ni esing.Noong una, nakaramdam ako ng kaunting konsensya at awa sa babaeng iyon ng makita kong naroroon parin ito at naglalaba.
Ilang oras na siya doon at hindi pa siya kumakain. Ngunit tiniis ko ang aking sarili at tinapon ang kaunting awa na namumuo sa aking puso.
Dapat galit lang ang dapat kong mararamdaman dito. At hinding hindi ako lalambot.
YOU ARE READING
Montefalco series 1: Christian Montefalco
RomanceWarning SpG RA-18 CHristian montefalco is one of the hottest bachelor in the Montefalco's brother . Ang hindi maka move on sa ex niya Hanggang dumating si Aizel Tan ang isang babaeing walang alam kundi pasakitin ang ulo niya No part of this...