Mypien Billés P.O.V
Naglalakad ako ngayon papasok sa school namin habang nagc-cellphone nang biglang nakuha ang atensyon ko ng isang post sa pags-scroll ko sa facebook.
"Huh?" pagtataka ko.
Napatigil ako sa paglalakad dahil bigla akong nakatapak ng malambot na parang mangga.
Tinignan ko ang ilalim ng sapatos ko at nalamang hindi pala mangga ang natapakan ko, kundi tae.
"Ah bwiset jackpot."
Ipinasok ko na sa bulsa ko ang cellphone ko at tsaka nagfocus sa paglalakad habang kinukuskos sa daan ang sapatos ko.
"Mypien!"
Napalingon ako sa likod ko at tumigil sa paglalakad.
Si Chanelle tsaka Mischalle pala.
"Hintayin mo kami sabay tayo!" sigaw ni Mischalle.
Hindi kalayuan ang agwat namin kaya mabilis silang nakasunod sakin.
"Nakita mo na ung nasa facebook?" tanong sakin ni Chanelle.
"Ahh yung-"
"Yung kay Park Bo Gum?? ay oo nakita ko din yun napakagwapo niya! hindi ko hahayaang mapunta yun kay Ma'am Abunda!" sabi ni Mischalle.
"Gaga" sabi ni Chanelle at tsaka binatukan si Mischalle.
"Bakit??" nalilitong tanong ni Mischalle.
"Yung pwede daw magkaroon ng ewan ko anong virus sinasabe anytime daw" sagot ni Chanelle.
"Ahhh" sabi ni Mischalle.
"Oo nga yun nga kakakita ko lang" sabi ko.
-
Agad kaming pumasok sa school at sakto kakatapos lang ng prayer sa flag ceremony.
Nag-announce muna ang principal namin regarding the school activities at katulad ng kina-ugalian ng section namin, hindi kami nakikinig.
Pinabalik na ang lahat ng estudyante sa kanya kanyang room dahil magsisimula na ang klase.
-
Biglang pumasok si Sir Baralvo sa room namin, hindi pa niya naman oras ng klase samin.
"Lumapit dito ung mga gustong sumama." sabi ni Sir Baralvo.
"Huh? para saan po Sir?" tanong ng buong klase.
"Hindi ba kayo nakinig? Mypien, di ka rin nakinig? President ka pa naman." sabi ni Sir.
"Sorry po Sir." sabi ko.
"Oh siya, palagi kayong absent minded pagdating sa school activities kaya ipapaliwanag ko." sabi ni Sir.
"Yun oh, kaya lab na lab ka namen Sir eh!" biro ni Covie.
"Magkakaroon tayo ngayon ng OCA, since sosyal yung school natin imbes na field trip eh Off Campus Activity." sabi ni Sir.
"Kailan po Sir??" tanong ni Beyonca.
"Saan Sir??" tanong din ni Loraine.
"Magkano po Sir??" tanong ni Jamie.
"Hala nakaka excite!" sabi naman ng iba naming kaklase.
"Teka lang ok patapusin nyo muna ako." sabi ni Sir.
"Next week na to gaganapin, Friday, ilang beses na din nag-announce ang principal last week pa ni hindi padin kayo nakikinig. Ang bayad ay 1,800. Ang mga pupuntahan natin Art in Island, Nuvali Park, at Enchanted Kingdom. Ngayon, sino gusto sumama at nang mai-lista ko na?. Ang deadline ng bayad hanggang next week wednesday." sabi ni Sir.
Tinaas ko ang kamay ko.
Napalingon ako sa buong klase at lahat kami interesadong sumama.
"Ilan kayo lahat? 23?" tanong ni Sir.
"Opo Sir" sagot namin.