Mypien's P.O.V"Tao po???" sabi ko habang patuloy na kumakatok.
"Tanga wag ka magtao po, baka iba na nandiyan, Tabe" sabi sakin ni Mischalle at pumalit sa pwesto ko. "DEMONYO PO?!!" sabi niya habang kinakalabog ang pintuan.
"Huy tangina mo mamamatay tayo lahat dito." sabi ni Loraine.
"B-BBQ, Babe ko.." rinig namin sa likudan naming lahat na medyo malayo pa kung tignan.
"Bakit Covie? wala dito si Alishae." sabi ni Stelanie.
"Sus selos ka lang eh." sabi ni Chanelle.
"Yiieee" sabi naming lahat.
"Stelanie parin mga ulol!" sigaw ni Jaredyn.
"S-Stelanie, Star ng buhay ko."
"Pakyu!" sigaw ni Stelanie.
"Covie ayos ka lan-" papalapit na sana si Jaredyn nang biglang nagsitalsik ang mga dugo mula sa leeg ni Covie "G-Gago takbo!" sigaw niya at saktong bumukas ang pinto ng room na kinakatukan namin kaya pumasok kaming lahat roon.
Maririnig mo sa kwarto ang hingal ng buong klase pero wala kang makikita dahil sobrang dilim.
"Nasan na tayo??" tanong ni Cristina.
"Lutang ampota, sa classroom!" sigaw ni Trisha.
"Sa classroom??" tanong pa niya.
"May batas!!" banggit naming magkakaklase.
Nilabas ni Anna ung speaker niya at pinatugtog ang 'Sa classroom may batas by Kim Chiu' habang nagsisiyawan ng budots.
"Tangina niyo tahimik na nga-"
Nagulat kami nang biglang nagbukas ang ilaw at nakita namin si Adriane na naka tali sa sulok ng classroom.
"Bawal lumabas oh bawal lumabas!" sigaw ni Adriane.
Napalingon kami sa kabilang parte ng silid at nakita ang ibang estudyante na armado, lahat nakahawak ng kung ano anong pang-laban.
-
Mischalle's P.O.V
Napahinto ang buong mundo ko nang makita ko si Frank Ciy. Para din bang nagsloslow mo ang buong paligid kapag gumagalaw siya. Siya talaga ang nagbibigay kulay sa buong mundo ko hihi.
"Huy Mischalle." tawag sakin ni Chanelle at saka hinampas ako sa pisngi.
"Nakatingin ka nanaman kay Frank Ciy yiiee gago ka ah." sabi niya at siniko siko ako.
"Wala bang infected sainyo? nakagat???" tanong ni Lianne.
Nagtinginan ang lahat sa isa't isa. "Wala po-" sagot ng buong klase.
Hindi ko napansin ang pinaguusapan nila at nakatingin lang kay Frank Ciy "Tangina, Frank Ciy kamukha mo si Mang Kepweng, ampota." sabay banggit.
"Weh?" tanong ni Frank Ciy.
"Oo, sabihin mo thank you shopee!"