Mypien's P.O.V8:17 am. ( Classroom )
"Nakakainis talaga." sabi samin ni Mischalle habang nakasimangot ang mukha. "Tignan niyo ung eyebags ko huhuhu" dagdag pa niya.
"Asan na ba si Ma'am Krispy? akala ko ba maguusap tayo ngayong HR?" tanong ni Beyonca.
"Nagchat ba sayo Mypien?" tanong ni Jamie.
"Oo, paakyat na yun si Ma'am." sagot ko. "May priniprint lang daw" dagdag ko.
8:32 am.
"Grabe antagal naman magprint ni Ma'am." sabi ni Loraine.
"Oo nga Mypien, sunduin natin?" tanong ni Jamie.
"Sige tara." sagot ko at saka tumayo sa upuan ko.
-
Nakarating na kami sa building kung saan naroroon ang library at mga classrooms, bale nasa gitna ng mga classroom ang library sa second floor.
Nang malagpasan namin ni Jamie ang unang room ay biglang nagsilabasan ang mga estudyante roon, nagtatakbuhan at nagsisigawan.
"Anong meron? di naman April fools ngayon haha" sabi ko.
"Hala takte! Mypien!" sigaw ni Jamie nang makita namin ang isang teacher na inatake ang estudyante at kinain ang leeg nito.
"Pasok sa library tange bilis!" sigaw ko.
"Wag na! umuwi na tayo!" paghila sakin ni Jamie.
"Pumasok na tayo!" hinila ko rin siya.
Napatingin kami sa gawi ng guro na punong puno ng dugo dahil sa pagsigaw niya habang nakatitig samin.
Tumakbo ito papalapit samin kaya agad kami tumakbo papasok sa library ni Jamie at linock ang pinto.
"T-tangina ano yun" sabi ni Jamie habang nanginginig kami sa takot.
"L-lockdown tayo dito shit" sabi ko.
"ANO MUNA YUN!?" sigaw ni Jamie sakin.
"ANO NGA BA YUN?!" sigaw ko din sakanya.
Huminto kami ng ilang sekundo at biglang nagkatinginan.
"TANGINA ZOMBIE?!" sigaw namin parehas at biglang nagtatatalon sa sobrang tuwa.
Napatigil kami nang biglang may tumunog sa kabila ng kwarto.
"Printer yun ah?" sabi ni Jamie.
"Oo nga, andiyan pa ata si Ma'am Krispy, tignan natin" sabi ko.
Dahan dahan kaming naglakad ni Jamie patungo sa direksyon na iyon.
"PUT-" naputol ang isisigaw ni Jamie dahil tinakpan ko ang bigbig niya.
Nakita namin si Ma'am Krispy na nakalagay ang mukha sa printer.
Lumapit ako at kinuha ang napriprint sa papel.
-