Segway Plan

4 0 3
                                    


*List of dead's*

Covie Barandon❌
Jaredyn Lyefang
Homer Beltudo
Rico Yrban ❌
Mypien Billés
Mitch Clitrio ❌
Cristina Benigno
Girly Tan ❌
Jamie Flores
Mischalle Goldiardo
Gionna Foncué
Alena Marcial ❌
Stelanie Iviané
Chanelle Linfoco
Loraine Luzhada
Anna Pauldo ❓
Meybelline Tanirya ❌
Beyonca Rockwell
Alexandria Leynes ❌
Alishae Rowbell ❌
Trisha Roseland
Dandien Syñon ❌
Chade Sundaysay ❓

-

Mypien's P.O.V

"Sure na ba talaga na kami nalang ni Jamie ang magbubuwis buhay dun?" tanong ko.

Agad silang tumungo.

"Shet bakit kami? kase kame lang ung matapang dito tas nakaraos kahapon nung nagkaroon ng gulo?" tanong ni Jamie.

Tumango ulit sila.

"Alam nyo, leche." sabi ko at naglakad papalapit sa pinto.

"Oh san ka pupunta?" tanong ni Jamie.

"Ano pa iniintay naten? tara na, baka maiwan pa natin sila." sagot ko at tapang tapangang binuksan ang pinto.

Napadpad ako sa gitna ng clinic at ng building na katapat namin kung saan naroroon ang iba naming kasama. Napalingon ako sa likod ko at nakita ko silang nakatingin lamang sakin sa loob ng clinic. Sinenyasan ko si Jamie at tahimik na lumapit papunta sakin.

"Tapang mo vhie." bulong niya.

"Shhh." sabi ko.

Dahan dahan kaming tumakbo ng walang tunog papuntang room kung nasaan ang iba naming kasama hanggang sa nakarating na kami.

"Buksan mo Jamie. Look out ako dito." sabi ko.

"Bakit ako?" tanong niya.

"Sige na hays." sabi ko at tumingin tingin sa paligid.

Kumatok si Jamie sa pintuan at ilang segundo lamang ay nakarinig kami ng katok mula sa kwartong yon na nagsasabing may tao.

"Buksan mo na." bulong ko.

"Oo teh, excited??" bulong niya.

"Che." sabi ko.

Pinihit na ni Jamie ang doorknob kung kaya't nabuksan na pa-unti ang pintuan. Laking gulat namin nang makitang puro patay na tao ang nakita namin.

"Wtf–" sabi ko nang biglang takpan ni Jamie ang bibig ko.

"Wag kang magiingay, may tao dito. Di pa nga natin alam kung tao. Tsaka bawasan mo nga yang pagmumura mo." bulong niya.

"Anong mura dun? ibig naman sabihin nun Where's The Friend's?" bulong ko.

"Gaga." sabi niya sabay batok.

Napasigaw kami ni Jamie nang muntik na kaming hampasin ng kahoy ni Jaredyn.

"Mypien, Jamie???" sabi ni Jaredyn.

"Oo! kami to wag kang tanga!." sabi ni Jamie sabay hampas.

"Tara na baka mamaya di pa tayo makaalis dito." sabi ni Jamie.

"Asan na ba si Homer???" tanong ko. 

"Di mo ba nakikita yang tababoy na yan Mypien? ayan oh nakahilata dedots." sabi ni Jaredyn. "Siraulo kasi binuksan pintuan gusto na raw kumain ayun patay." dagdag niya.

"Asan ung iba?? kasama natin na taga kabilang room?" tanong ni Jamie.

"Wala e dun sa taas pumunta natakot, naihi pa ung isa sa pants ampota hhahahaha." sabi ni Jaredyn.

"Nakuha mo pang tumawa, tara na" sabi ni Jamie sabay hatak sa tenga niya kaya napalakad siya.

"Bilisan niyo wag kayo maingay." sabi ko habang nakabantay sa pintuan. Pinihit ko ung doorknob at binuksan pa-onti onti.

Maraming nakatayong mga zombie sa labas na hindi naman kalayuan. Buti nalang di sila nakakakita kundi nakakarinig lang.

"Tara, come on" sabi ko.

Dahan dahan kaming naglakad papuntang clinic at pagkadating namin ay bukas ang pinto.

"Jaredyn, ikaw pumasok tignan mo kung sino anjan." sabi ko.

"Bakit ako?" tanong nya.

"Pangit ka naman talaga." sabi ni Jamie.

"Sige na ikaw lalaki dito e." sabi ko.

"Oh sige sige" sabi niya at pumasok.

Naghihintay lang kami ni Jamie sa labas habang tumitingin sa paligid.

"Pssstt" sitsit sa bandang guard house.

Napalingon naman ako agad at nakita ko sa bintana ng guard house na may kumakaway.

"Shit, hindi ligtas dito." sabi ko.

"Hindi naman talaga ligtas e tamo nangyayari ngayon" tanong ni Jamie

"Umalis na tayo tawagin mo na si Jaredyn!" sabi ko.

"Jaredy–"

"Aaaaah! Tulongg!!" sigaw ni Jaredyn.

"Ano bayan." sabi ko sabay takbo sa loob.

Nakita kong nakapatong na kay Jaredyn ang matabang lalaki na nagtitinda sa canteen namin at hawak ni Jaredyn ang kanyang armas na inilagay sa bibig ng zombie para hindi siya makain.

"Pinag-gagawa mo!" sabi ko at kumuha ng gunting sa lamesa at sinaksak sa ulo ng zombie.

Punong puno ng dugo ang mukha ni Jaredyn.

"Yak!!" sigaw niya at tumayo.

Biglang pumasok si Jamie.

"Tanginang muka yan." sabi niya. "Btw guys papunta na dito mga deads." sabi ni Jamie.

"Paktay." sabi ko at sabay takbo sa labas, sumunod naman sila.

Kita naming papalakas papunta sa direksyon namin ang mga zombie.

"Ayun may hagdan pabubong!" sabi ni lipang.

Agad naman namin siyang sinundan.

Pagkaakyat namin hinila namin kaagad ang hagdanan pataas.

"O..m..g???" sabi ni Jamie habang nakatingin sa labas ng school.

Napalingon kami ni Jaredyn at nakita ang dami ng zombie sa labas ng eskwelahan na nagkukumpulan.









Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 03, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Class SejungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon