A Day Before The OCA

31 5 2
                                    


Mypien's P.O.V

"Dalhin bukas lahat ng mga kailangan dalhin ha? pero wag naman sana ung buong bahay nyo dinala niyo na." pabirong sinabe ni Ma'am Krispy.

"Opo Ma'am! hahahha" sabi ng buong klase.

"O siya, magsilayas na kayo dito" sabi ni Ma'am.

"Gooooooooood–"

"Wag naman ung bating pang gr1 eh papahabain pa ung salita, ulet" pabirong sabi ni Ma'am.

"Goooodbye Ma'am Krispy, thank you for teaching us today god bless you!" sabi naming lahat at saka lumabas ng room.

"Mypien! sabay sabay tayong jejemoonstars" tawag saken ni Mischalle.

"Hah?" naguluhan ako sa sinabi niya.

"Ayusin mo kase, sabay sabay tayo pumasok bukas mga 3:00 kase daw 5 sharp daw alis naten." sabi ni Loraine.

"Oo tapos mag-ghost hunting tayo sa school char" singit ni Beyonca.

"Sige sige" sabi ko.

"Hindi ako sure baka alas kwatro nako magising eh maaga pa naman yun." sabi ni Stelanie.

"Ako den." sabi ni Chanelle.

"Nyawet" sabi ni Jamie.

"Oh sige 4:00 nalang tapos kila Mischalle tayo kita kita" sabi ko.

Sumang-ayon naman sila sa sinabi ko tsaka di naman matutuloy yang ghost hunting na yan eh.

-

"Mama maaga po yung alis namin bukas sa OCA, mga 4:00 ako pupunta kasi 5 sharp po alis namin." pagpapaalam ko.

"Meron bang 5 sharp sa orasan? diba 5 lang" singit ng kapatid ko.

Alam mo, kahit kelan wala ka talagang utak bobo ka?

Tinignan ko siya ng masama dahil paepal talaga.

"Sino kasabay mo papunta?" tanong ni Mama.

"Sila Mischalle po." sagot ko.

"Oh sige basta magingat kayo." sabi ni Mama.

-

Bumalik na ako sa kwarto ko at humiga sa kama.

Bukas ko na aayusin gamit ko kaya mags-scroll nalang muna ako sa facebook.

"Prepare for survival, Apocalypse will start in anytime because of the..." pagbasa ko sa article na nakita ko sa fb.

"Sana true." dagdag ko.

Clinick ko yung article dahil sa interes kong basahin ito.

Ilang minuto akong naghintay sa site na to pero hindi parin nalabas.

"Bwiset ka converge bat bumagal ka ngayon." sabi ko at saka binitiwan ang cp ko.









Class SejungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon