By the way guys ngayon lang ako nagupdate kase nagpaparank up ako sa ml! enjoy reading :)) *-
*List of deads*
Covie Barandon❌
Jaredyn Lyefang
Homer Beltudo
Rico Yrban ❌
Mypien Billés
Mitch Clitrio ❌
Cristina Benigno
Girly Tan ❌
Jamie Flores
Mischalle Goldiardo
Gionna Foncué
Alena Marcial ❌
Stelanie Iviané
Chanelle Linfoco
Loraine Luzhada
Anna Pauldo ❓
Meybelline Tanirya ❌
Beyonca Rockwell
Alexandria Leynes
Alishae Rowbell ❌
Trisha Roseland
Dandien Syñon ❌
Chade Sundaysay ❓-
Trisha's P.O.V
"Trisha ikaw na kaya muna maglead samin?" sabi ni Mypien sakin.
"Hmmmsige." sagot ko.
"Go Trisha pakyu ka!" cheer ni Loraine.
"Ok here's the lesson plan.." sabi ko.
"Gago, lesson plan amputa ano to magtuturo ka." sabi ni Loraine.
"Edi plan. So eto na nga, kami na nila Mypien, Jamie, Loraine, tas Lianne ang mag-oobserba sa mga kilos ng patay. Mga fighter natin si Homer, Jaredyn, Rome, Frank Ciy, mga boys. Sila ung bahala na lumabas para kumuha ng ganyan ganyan. Tapos ung mga di ko nabanggit sila ung pabigat char, sumunod nalang kayo sa susundin namin." sabi ko.
"Edi okay, ganun!" sabi ni Mypien.
"Tangina niyo ayusin niyo kilos niyo kung ayaw niyo mamatay ha!" sabi ni Loraine.
"May alam nakong gagawin natin para makalabas dito.." sabi ni Mypien.
"Ano??" tanong naming lahat.
"Edi buksan ung pintuan, wag tanga!." sagot niya.
"Bobo!!" sabi ni Loraine at binatukan siya.
"Ouch joke lang!" sabi niya. "Eto seryoso na, diba napansin niyo kanina na sa ingay sila nadidistract, nung sumigaw si Chade napatingin sila tas hinabol yon, bat di natin gamitin yung speaker ni Anna tas lagay naten don sa tabi ng court para makalabas tayo dito sa school." dagdag niya.
"Hala oo nga noh Mypien ang talino mo!" sabi ni Mischalle.
"Ngayon lang nagkasilbe ung utak mo ha" sabi ni Chanelle.
"Pwede din." sabi ko.
"Ano pang iniintay naten? edi tara na habang maaga pa." sabi ni Beyonca.
"Sige, mauna lalake." sabi ni Mypien.
Napatingin ang lahat sa mga lalaking kasama namin.
"Bakit kami???" tanong nila. Tinignan namin sila ng masama. "Oo nga mauuna na kami oh." sabi ni Jaredyn at kinuha ang speaker na hawak ni Mypien.
Nagsimula na kaming lumabas sa kwarto at para ba kaming mga ninja dahil sa tahimik na kilos.
"Wait Jaredyn." bulong ni Mypien.
"Ano??" bulong ni Jaredyn.
Napatigil kami sa paglalakad.
"Co-connect lang ako sa speaker, itago mo yan sa loob ng damit mo." bulong niya.
"Tanga maririnig din tayo nun kasi eecho yun, dapat kanina pa ginawa." sabi ko.
"Mas tanga ka, oh balik ka dun sa room ikaw magkonek hintayin ka namin dito." sabi ni Mypien at inabot sakin ung speaker tas cp niya.