Prologue

18 0 0
                                    

"WOOOOOOOOOOH!!!!"

"MAMA MAMAMATAY NA AKOOO!!!"

"ANG POGIII KOOOOO WOOOOH!!"

Yeeeeet nakakaexcite!!! Andito na ako ngayon sa amusement park at hinahanap ang barkada. San ba nagpunta yung mga yun?

"Hey miss!" napatingin ako sa tumawag ng "miss" kahit hindi naman yun yung pangalan ko. Pagkakita ko sa gilid ko nakaakbay na saakin yung lalaki.

"Hello! Close ba tayo?" sabi ko sabay tanggal sa kamay niya na naka-akbay.

"Haha, nope. By the way I'm Fern...sorry ha? Pero dare lang talaga 'to." bigla niya na lang nilapit sakin yung mukha niya, oo, mga one inch na lang siguro yung lapit sa pisngi ko...

*psh-ook *psh-ook

Siyempre bago niya magawa yung balak niya na dare daw sakanya, lumayo na ako at na-neck slap siya. Grabe pagtripan ba naman ako ng mga 'to aish.

"Pwede ba lalaki? 'Wag niyo ako idamay sa mga dare dare na yan, paepal kayo e'."

"May problema ba dito C?" napatingin ako sa nagsalita at nakita si Treuse na siya namang umakabay dun sa lalaki.

"May nakikita ka bang math equation?"

"Ha? Wala?" sagot niya kahit mukhang naguguluhan sa tanong ko.

"Edi walang problema. Leshgoo!" sabi ko at hinatak siya palayo dun sa lalaki na tingin ko hindi alam ang gagawin sa buhay. 'Pag nagda-dare naman kaming magkakaibigan sa mga kakilala lang namin, bakit sila nandadamay pa ng tao? Aish sana hindi niya na lang sinabi sakin na dare iyon, sana 'di ko na siya na-neck slap gwapo pa naman.

"Miss sorry!" narinig ko pang pahabol niya. 'Di na ako humarap, kumaway na lang ako kahit nakatalikod na sakanya.

"Hoy C ano yun? Ikaw ha, kanina ka pa namin hinahanap andun ka lang pala't naghahanap ng mane-neck slap, andito naman kami nila Moss di ka na nahiya dun sa lalaki." sigaw ni Treuse. Oo, sigaw, pano pinaparinig niya sa barkada dahil alam niyang malapit na kami sakanila.

"Anong nangyari? Sinong lalaki?" sabi ni Lime tapos binatukan na agad ako. Siya yung isa pang babae sa barkada namin, bale dalawa lang kaming babae.

"Wala. Tara nga Pali-Moss dun na tayo sa horror house." sabi ko at hinila ko na si Moss para may kakampi ako, pinsan slash partner in crime ko siya kaya halos nagkakasundo kami sa mga bagay bagay.

Pagpasok namin sa horror house, sabay kaming sumigaw ni Moss kahit wala pa namang ganap kaya pati sila Lime napasigaw din. Hahaha, ang sama na tuloy ng tingin nila saming dalawa ni Moss.

"Couz, mas nakakatakot pa 'tong mga kasama natin kesa sa mga nagpapanggap na mumu dito e." bulong ko kay Moss.

"Oo nga noh? Wala pang make-up 'tong mga 'to hahahaha."

"Hahahaha--sabi ko nga quiet na kami." sabi ko at hininaan ang tawa nang lingunin nila kami. Napunta kasi kami ditong tatlo nila Moss at Lime sa likod nina Treuse at Sage.

Tahimik na kaming naglalakad at naghihintay sa susunod na mangyari nang may makasalubong kaming grupo ng mga babae na halata mong nagpapacute. Woaa, parang si Rch lang ah, ganyan magpacute sakin yung German Shepherd ko na may pituitary dwarfism pag gusto niya makipaglaro e.

"Hi girls!" bati ni Treuse sakanila sabay kindat kaya kinilig naman yung mga babae. "Ang gwapo talaga niya hihi." sabi nung isang babae at lumapit, bilis ni babae kumilos ah.

"Hey kuya! Ano name mo?" lapit niya kay Sage. "Pfft.." narinig ko mahinang tawa naming tatlo dito sa likod, pano kasi akala namin si Treuse ang lalapitan niya eh. Yun tuloy tameme yung isa, pero for sure hindi magpapatalo yan.

The Day She Started LivingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon