6

6 0 0
                                    

Today is the last day of our first week. It's Friday!! And it means club day na rin. Later we will be choosing our clubs. There will be lots of upcoming programs for this month so I'm sure that we'll be busy. Buti na lang nagplano ang barkada na mag-overnight mamaya.

"Sama natin si Fern sa overnight!" sabi ni Treuse. We're now at Lime's room, wala na kasing susunod na subjects kaya tumambay muna kami. Magkakalapit lang naman rooms namin.

Lahat sila napatingin sakin. "Sakin ayos lang." pagkasabi ko nun, nag-smirk si Treuse pero di ko na lang pinansin, tinatamad ako magsalita. Pumayag naman rin sila sa suggestion ni Treuse.

"Tara na para makauwi tayo ng maaga, may sleepover pa tayo mamaya. Yayain niyo na lang si Fern ha." sabi ni Lime at nauna ng maglakad papunta sa Home Economics Club, perfect na ata maging nanay 'to si Lime eh, expert na siya sa mga gawain lalo na when it comes to household chores. Sumunod na rin si Moss na pumunta naman sa Photography Club.

Kami nila Sage at Treuse, sabay-sabay na pumunta sa clubs namin since magkatabi lang naman yun. Dance and Music Club.

"C, sama na din natin si Axie pwede?" mahinang sabi ni Sage habang naglalakad kami.

"Ge lang." napapalapit na yung dalawa ah hihi.

Nag-audition na kaming dalawa ni Treuse sa dance club, siyempre nagpartner na kami.

Pero hindi ako natanggap. Madami na daw kasing girls eh. Sayang medjo late na rin kasi kami nagpunta dito, dapat pala hindi na kami tumambay. Buti pa si Treuse napasok kasi kulang daw sila sa boys, sana sinabi na nila agad para hindi na nila nakita kung gaano ako kagaling sumayaw, naexpose pa tuloy ako.

Okay lang mamatay rin naman eh.

"Leshgoo, lipat na lang tayo sa ibang clubs." sabi niya at umakbay sakin.

"Anong tayo? Ako lang lilipat, magstay ka jan."

"Ayoko nga, gusto ko magkasama tayo." sabi niya at inipit ako sa braso niya, more like sinasakal na ako gamit yung oh so "muscles" niya.

"Ayaw kita kasama."

"Sama talaga." sabi niya sabay iling.

"Crush na crush mo ko eh, jan ka na lang kasi. Be the best performer para maka-grab ka ng babes mo." I told him while wiggling my eyebrows.

Seriously, ayos lang sakin. I appreciate his gesture but I saw how happy he was when he got to be a member of this club. Ayoko naman ipagkait sakanya yung gusto niya. Besides, that's one of my goals--to make my friends live a happy life, I don't wanna be a burden to them.

"Crush kita? Pwede na rin hahaha." ni-neck slap ko nga. "Sige hahatid na lang kita. San ka ba?"

"Kaya ko na papunta dun bruh, you don't have to accompany me. Photography Club ang second choice ko. "

"Ah sige, ayos dun para mabantayan ka ng pinsan mong panget."

"Hahaha sige na. I'm not a kid anymore, you don't have to guard me, nagmumukha ka lalong aso. " umirap lang siya.

"Mahirap na, madami kaya jan asong ulol. Tama lang na takutin namin sila bago pa makalapit sayo."

"What? You mean--kaya naman pala iwas sakin yung iba eh!! Treuse naman. "

Mukhang natauhan naman siya at narealize na nadulas ang pagkakasabi niya nun.

"Ayos na yon para di ka masaktan. Ge na may practice daw kami hehe." Sabi niya at tumakbo, pagtingin ko sa stage nagau-audition palang yung iba. Tinakasan ako netong epal na to.

Pagdating sa room, nagsign up lang ako tapos pasok na. Di na kailangan ng requirements dahil onti lang rin ang members ng clubs.

Nadatnan ko dun si Moss at Fern na nagkwekwentuhan. Digital arts nga pala to.

The Day She Started LivingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon