9

3 0 0
                                    


Pagdating namin sa kabilang mall, nagbehave na kami. Tumahimik lang kami at nagpoker face. Wala lang, napagtripan lang na ang tatawa ay papagawin nanaman ng dare. Siyempre waging-wagi dito si Sage.


After magsukat-sukat ng mga naisipan naming costumes, kumain muna ulit kami at umuwi na. Tatambay muna ulit kami sa bahay at mag-aayos na din mamaya.





Nandito ako ngayon sa garden area at nilalaro si Rch, nagkwekwento din ako sakanya pero mahina lang kasi baka may makarinig.

Miss ko na 'tong unano kong aso eh.

"Ay!" Napatalon ako habang nakaupo nang may naalala na chika kaya nagulat si Rch sakin at napatalsik din. "Noong nasa pool kami Rch, nakita mo ba yun? Yung kami ni Fern underwater... Nagki--."

"Arf." tahol bigla ni Rch.

"Pati aso kinakausap. Baliw ka talaga." Napatingin ako kay Fern at nanlaki ang mata. Putchi, buti hindi ko natuloy.

"Mas baliw 'to si Rch, nakikinig sakin." sabi ko at binatukan si Rch.

Umupo siya sa tabi ko. Nandito ako kami sa part ng garden kung nasaan ang playground ni Rch. Pinagawan ko siya ng playhouse noo.

"Ano namang kinukwento mo?" tanong niya at napangisi.

"Kung gaano kita kacrush." banat ko naman at nagwink sakanya.

"Tsk, dapat sakin mo kinukwento yan." natatawa niyang sabi.

"Bakit? Ah, kasi mukha ka namang aso?" I said sarcastically at binuhat si Rch para matabi sa mukha niya.

Kinuha niya si Rch at nilagay sa lap niya. "Rch 'wag mong tutularan 'tong amo mo ah. Pasmado na yung bibig, may sira pa sa utak." Nagmake face na lang ako.

"Pero kahit ganyan 'yan, mabait naman siya." agap niya.

"Mabait lang? Ano pa? Bigay ka pa ang kuripot mo naman eh." sabi ko naman ng nakunot ang noo.

"Matulungin din saka masaya kasama." aniya habang nakatingin sakin.

"Tapos?" I asked hoping na sasabihin niyang maganda ako.

"Ay kaya lang hindi makuntento." natatawa niyang sabi.

"Grabe may iniintay pa ako, isang trait na lang." hinugot-hugot ko yung grass habang nagtitimpi.

"Cute?" nag-aalinlangan niyang tanong.

"Ano ako, aso? Yung isa pa dun." irita kong sabi at binato sakanya ang mga damo.

Natatawang pinunasan niya ang mukha niya at nagsalita, "May malaking puw--."

"Sige, ituloy mo!" nalalaking mata kong sabi sakanya.

"Puw-so kasi. Ano tingin mo sakin, pervert?"

"Tss. What can you say about my face?" Sabi ko at nilagay ang dalawa kong kamay sa face ko.

"Ayos lang, kumpleto naman, may mata, ilong at bibig." sabi niya at tumango-tango habang pinagmamasdan ang mukha ko.

Napairap na lang ako. "Ayoko na nga umasa."

"Ano ba gusto mong marinig? Maganda?" tanong niya.

"Yon! Nadali mo." Pumalakpak ako at flinip ang buhok ko. "Oh well."

The Day She Started LivingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon