1

10 0 0
                                    


6:00am

Yack! Ang aga ko nagising, 'di na ako makakatulog ulit nito. Napabangon na ako sa bed at biglang napatingin kay Rch na tulog na tulog parin sa tabi ko. Luh nakakainggit, magising nga para masaya.

"Baby ko!!! Gishing na achoochoochoo" sigaw ko habang sumasayaw sa bed at kinikiliti siya.

Pfffftt hahahaha bigla siyang napatayo at gulat na gulat na tumingin kung saan saan at nilalabas yung pangil niya, kala mo talaga may aawayin eh.

"Tara, jogging?" yaya ko sakanya

"Arf!" sabi niya sige daw, naeexcite na siya.

So nagbihis na ako ng jogging pants at hoodie. Siya naman hindi ko na tinalian kasi good boy naman siya. Sinuotan ko na lang siya ng shoes. Maarte yan e', di tatakbo pag wala yung shoes niya.

Ang saya mag jogging ng ganitong oras, malamig pa yung hangin kaya kahit pagpawisan, di naman siguro ako magmumukhang haggard.

Nadaanan namin yung bahay nila Sage at nakita ko pa siyang naglilinis ng kotse niya. Ang sipag naman. Nagwave ako sakanya while he just nod his head. 

After ng pagtakbo takbo namin ni Rch, kumain na rin kaming dalawa. Ako na nagluto ng breakfast since maaga ako nagising.

Waffles and Fried Chicken. Pati si Rch yun din pagkain niya kasi nagsawa na ata sa dog food.

"Gising na Rane!! Ako nagluto ng breakfast." sabi ko sabay bato sakanya ni Rch.

"Maka-Rane ka ah! Parang mas matanda ka pa sakin." sabi niya habang nakapikit parin pero niyakap niya si Rch.

"Ge. Uubusan ka namin ng food." sabi ko at bumaba na lang ulit.

Pagkakita ko sa dining, andun na sila parents. Dali-dali akong tumalon mula sa stairs at nag-woah sa harap nila.

"Ma! Nahyhyper ako, hays." sabi ko at sumubo ng malaking chicken.

"Hindi nga halata." sabi niya habang umiiling-iling. Sakto naman bumaba na si ate.

"Ano ba gusto niyo gawin mamaya? Magswimming, magmovie marathon, magvideoke, foodtrip, o matulog lang buong maghapon?" Tanong ni Daddy, today is family day!

"Dad pwede gawin natin lahat?"

"Hahaha oo naman."

Pagtapos kumain sinet namin yung slip and slide dun sa may pool area. Nilagyan na namin ng sabon then nagswitch na kami sa bathing suits namin. Yeeeeet naeexcite nanaman ako. Sino kaya una kong itutulak?

Ah alam ko n-- "AHHH!" tinignan ko ng masama si ate.

"Hahaha. Bago ka pa makapag-isip kung sino una mong itutulak, naunahan na kita." saya niya e, kala mo ha. Maya maya tinulak rin siya ni mama sa pool habang tumatawa siya at may hawak na camera, yan karma. Ako naman umahon na sa pool para padaanin sa slip and slide si Rch. 

Habang naglalro kami ni Rch at sila ay nakababad sa pool, sinet ni Dad yung projector sa garden. Tanaw lang yun dito, then bam! Movie marathon!!!!

Actually hindi siya movie kasi ang minarathon namin ay Mr. Bean. Nung umahon si ate sa pool, nag unahan kami ni Rch dun sa inflatable na ice cream kung san nakaupo si Ate Rane kanina. Siyempre ako nauna, unano 'tong aso ko e 'di niya maabot hehe.

Tas nag-food trip narin kami habang nanonood. Sabi na pwede naman namin gawin yung mga nirequest Dad kanina e. Buti na lang din at walang busy sa amin kasi bakasyon pa naman. After nun, dahil pagod lahat, nag-early dinner na kami ng mga 5pm at natulog na.

"Ano Rch? Saya ba?" sabi ko sakanya sabay tango. Di siya sumagot at natulog na. Snob.







Right now, we're here at the mall. I'm with mama and ate. Ginagawa namin dito? Nagpa-parlor, nanood ng cine, nag-arcade, nagpamasahe, nagshopping tapos nagpa-fish spa pa kami. Then kumain siyempre, after kumain nagpunta kami sa grocery. Basta total bonding, matagal na kasi namin hindi magagawa ulit ito for sure. Pasukan na next week eh.

The Day She Started LivingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon