3

9 0 0
                                    

5:00 am

Nauna pa akong magising sa alarm ko ngayong umaga. Tumayo na ako para magshower, maguniform at para pang-gigilan narin si Rch...badtrip siguro palagi 'to tuwing umaga dahil sakin haha. After magpaalam kila Mama, nagteleport na ako sa school.

First day of school na kasi ulit. Kinakabahan ako kasi marami daw transferees, naissue kasi yung school namin (in a good way) na maganda daw saka after ng SHS, there's a posibility na matanggap ng iba't ibang sikat at malalaking universities for college, kaya ayun, may mga transferees nga na tinanggap naman ng school ng buong puso.

"Panget!" lumingon ako kahit alam kong hindi naman ako panget, nasanay lang talaga ako na lumingon lingon kapag may sumisigaw.

I turn my back, only to see Moss walking towards the beautiful me. "Oh, bakit mo natawag ang sarili mo?" sabi ko sabay neck-slap sakanya nang makalapit siya sakin.

"Tse! Tara na nga." sabi niya at umakbay saakin para hilahin ako papunta sa room namin.

"Teka wala pa nga sila Treuse eh, ano excited lang makita si crush?"

"Baliw! Bahala ka mabulok jan, kanina pa kaya sila nandun." sabi niya sabay tanggal ng pagkaka-akbay sakin at sinimulang maglakad ng mabilis. Nang maramdaman niyang tumakbo ako para sundan siya, tumakbo na rin ang epal. Bale ngayon nagpapaunahan na kami papunta sa room.

"Pre I need chuu." pagkalapit ko kay Moss, saktong naharang niya si Sage sa harap niya kaya si Sage ang naneck-slap ko.

"Sorry hehe. Now, chupii!" umalis naman siya sa harap ni Moss kaya siya naman ang nineck-slap ko ng malakas. "Ang epal mo talaga, hiningal ako dun ah." naupo na lang ako sa isa sa mga chairs at tinignan sila Lime ng masama. "At kayo?! Akala ko ba magiintayan tayo sa gate? Mga traydor! Mga walang sil--" natigil ako sa pagsumbat sakanila nang makitang nakatingin na pala yung mga studyante saakin. Agad akong umayos ng upo, at nagpatay malisya.

"Babae sa susunod kasi, dadalhin mo yung cellphone mo dito sa school, nagtext itong si Lime sa group chat na mauuna na daw siya sa room kaya napagkasunduan na wag na magkita sa gate." sabi ni Treuse while wearing a smirk on his face. Nang-aasar pa 'tong bwiset na ito.

Umirap na lang ako, hinihingal pa ako sa pagtakbo at pagsigaw kanina eh, pawis parin ata ang likod ko....saka "Nahihirapan akong huminga." hawak ko ang dibdib ko at sinusubukang huminga ng malalim.

Nakita ko namang lumapit agad sakin si Moss para paypayan ako...nag-alala agad ang epal

si Sage naman tinali ang buhok ko...siya kasi yung palaging may panali ng buhok sa wrist niya, dinaig pa kami ni Lime

sinipat naman ni Lime ang noo ko....para siguro tignan kung ang hot ko ba.

si Treuse? Nakatayo lang at nakatingin samin, nagtama ang tingin namin then ngumiti siya bigla at sinabing "Yssa?"

"Yssa Prank!!" sabi ko at nakareceive agad ako ng batok mula kay Lime.

"Babœy na! Hatid ko muna to sa room niya." hinila ni Moss si Lime patayo at palapit ng pinto, nang palabas na sila, lumingon pa si Moss at ang sama parin ng tingin sakin, nagmake face lang ako sakanya.

Hindi kasi kami magkaka-klase, iba't-iba ng strand so iba rin rooms. Usually, we gather in each other's room, we're used to that morning routine here in school habang wala pa ang professor namin. Yung iba pa nga na student sa room nila, kaclose ko na eh.

Ako, si Sage at Treuse kasi, Arts and Design. Tumutugtog si Sage while ako at si Treuse naman ay gumigiling na parang matsing. Char, dancer kami niyan ni Treuse.

The Day She Started LivingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon