10

3 0 0
                                    

"C dali na kasi." pangungulit sakin ni Treuse.

Nagmamadali ako papunta sa room kasi malalate na ako. Nakasabay ko si Treuse kanina sa pagpasok sa gate dahil nalate din daw siya ng gising. Napakaswerte ng araw na 'to para magkasabay kami at makulit niya ako. 

"Dami kasing gagawin ngayon e." pagrarason ko at mas binilisan pa ang lakad. 

Sinabayan niya ako ng bilis at nagawa pang mang-asar, "Ay ang weak."

I stopped and look at him, "Anong weak? Sayo ko kaya ipagawa lahat non." 

"Sige ba." aniya at inangat ang kamay para makipag-fist bump sakin.  

Nagback out kasi karamihan sa dance club kaya kinulang sila ng members, may upcoming event pa naman kaya ako ang pinipilit niya ngayon. 

"Pilitin mo pa ako." sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad, huminto lang talaga ako kasi napapagod na ako. 

"Luh." binaba na niya ang kamay niya at pabiro akong sinabunutan. 

"Sige, kiss mo na lang muna ako." pang-aasar ko pa. 

"Luh (2)." angal niya kaya umiwas na ako bago pa niya ako masabunutan ulit. 

"Edi 'wag." Hinihingal ako habang nagsasalita at naglalakad at the same time. 

"Pag ikaw kiniss ko sige." banta niya.

Hindi ko siya hinarap, hindi niya naman magagawa 'yon. Payag na ako actually, andami na niyang inoffer eh, sarap niya lang asarin.

"Hahaha kiss mo nga muna ako." Napatigil siya sa paglalakad kaya tumigil din ako. 

"HOY SHETE BAT MO AKO KINISS!?" sigaw ko sakanya. Hindi ko alam kung maiinis ako o matatawa kasi hindi ko talaga inexpect na ikikiss niya ako sa cheeks.

"Putchi! Sabi mo eh hahahaha." aniya at tumakbo papunta sa room.

"Argh! Yung rabies mo Treuse!!" hinabol ko siya at nineck slap nang maabutan sa room. Sakto naman dumating na din ang professor kaya umupo na rin kami sa tabi ni Sage at Axie na hindi  naman kami pinansin. 

"OA mo po. May practice tayo ng Friday to Saturday, susunduin na lang kita." pabulong na sabi niya. Nag-make face na lang ako at pinunasan ang cheeks ko. Awit.

--

Maaga din umalis ang Professor namin, may meeting daw. Yung iba, umalis sa room at ewan ko na lang kung anong ginawa...

Kami? Nandito sa room at naglalaro ng Trip to Jerusalem. Siyempre sino pa bang pasimuno?

"Oh dali na, bilisan niyo na." sabi ko sakanila at tinulak-tulak si Sage. 

"Teka naman." angal niya. 

"Pabebe amp, sumayaw kayo tulad ng ginagawa ni Red." sabi ni Treuse at tinuro si Red.

Si Red yung bakla naming kaklase na bigay todo sumayaw. Natalo na siya kanina pero ginugulo niya kami at sinasayawan pa pagnaupo na kami.

"Sage!! Ano? Tuod lang tayo?" Pinalo ko yung leeg niya. Nasa harap ko kasi siya at nakabusangot na kasi pinilit lang namin siya sumali. Tatlo na lang kami na sumasayaw dito. 

Bigla na lang siya nagtwerk kaya pinalo ko yung pwet niya. "Laswa."

"Gulo mo kausap C!" iritang saad niya. Bigla nalang nagstop yung song at nakita kong nakaupo agad si Sage, ako naman nakipagunahan siyempre. Di tayo papatalo.

"HOY!" Sigaw ko at nagulat si Felix kaya ako ang napaupo dun sa chair. Yes!

"Daya neto ni C." sabi niya at napakamot ng ulo, tinawanan ko lang siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 19, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Day She Started LivingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon