7

8 0 0
                                    

"Pffft hahahahaha."

Nandito kami ngayon sa sala at naglalaro ng no laughing challenge, with water in our mouths ofcourse.

"Anong tawag sa kambing na maliit?" tanong ni Moss. Nagta-take turns kami kung sino ang magpapatawa. Walang sumagot kasi siyempre puno ng tubig yung bibig namin.

"Edi kapiranGOAT."

Nakita ko naman na may lumabas sa ilong ni Lime na tubig dahil sa pag-pigil niya sa pagtawa.

Si Treuse naman hindi na napigilan at natawa bigla sabay buga ng tubig sa likod niya, not knowing andun pala si Axie. Napahilamos na lang si Axie sa mukha niya.

"Sorry Axie hahahaha." Naputol ang tawa ni Treuse ng may nagbuga ng tubig sakanya. It's Fern at Sage na nakatingin ng masama sakanya.

"Yak mga pre. Bat umalat yung tubig?" sabi niya at inamoy pa yung tubig sa mukha niya. Ang baboy.

"Tara swimming. Punta na muna kayo sa labas, may kukunin lang kami ni Moss." sabi ko at sumunod naman sila.

"Ano bang kukunin natin C2? Pwede naman yung mga panget na lang pinagbuhat mo ng kung ano man."

"Kaya nga ikaw pagbubuhatin ko eh haha." ni-neck slap niya ako bigla ng malakas. Ang sakit! Siyempre hindi ako nagpatalo, ni-neck slap ko rin siya.

Bago pa siya makapalo ulit, nagsalita na ako.

"Tama na. Kunin na natin hahahaa."

"Ano ba kasi yun?"

"Water balloons saka mga Nerf." natawa naman siya at naexcite. Pag kakuha namin, dumiretso na kami sa kanila.

"This is spartaaa!!" nilapag ko yung isang basket ng balloons at isa-isa silang binato. Sapul sa mukha ni Treuse yung bato ko ng balloon.

Natauhan naman siya at biglang kinuha yung Nerf at nagbabaril. Lumuhod at gumulong-gulong pa siya na kala mo action star.

"Langya ka C! Kelan mo pa 'to pinaghandaan?" sabi ni Sage kasi siya palagi namin tinatarget. Hahaha pati si Rch nakisali na.

"Gusto niyo pa ba dito mag-overnight next time? Mwahaha." wrong move. Ako naman ang tinarget nila ngayon.

Since basa na kami, nagswimming na rin. Pinahiram ko na lang si Lime at Axie ng bathing suit while yung mga boys nagshorts na lang.

Umupo muna ako sa tabi para icheck kung ayos pa yung camera ko. Sinet up ko ito kanina bago pa sila makalabas.

Napatingin naman agad ako nung may pumalsik na tubig sakin.

Si Sage at Axie pala yun, nagpapalsikan ng tubig.

Si Treuse at Lime naman nag papabilisan lumangoy.

Pagtingin ko kay Fern, nakatingin siya sakin. Crush talaga ako neto.

Bigla siyang ngumiti so I smiled back tapos nag-wink na rin ako. Papunta na dapat ako sakanya ng bigla na lang may tumulak sakin sa pool.

"Wahahaha!" Lakas ng tawa nitong epal kong pinsan. Tawang tawa ka ha.

"Hoy C baka mamatay hahaha." rinig kong sabi ni Fern.

Paano kasi nilunod ko si Moss. Nabilaukan pa siya kasi tumatawa pa kanina habang nilunod ko hahaha.

"Gusto mo magaya?" napailing naman siya at pinigilan ang tawa. Lumapit na talaga ako sakanya this time.

"As if kaya mo." Naka-upo lang siya sa gilid ng pool habang ako naman nandito parin nakababad. Kaya ang kinalabasan, tinitingala ko siya. Idol.

The Day She Started LivingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon