Quarantine Day 40..."Lablab kanina ka pa, ah. Ano bang nangyayari sa iyo?" Tanong ni Jema nang mapansing hindi makapirme sa iisang posisyon sa pagkakahiga sa sopa si Deanna na katapat niya samantalang siya naman ay tahimik na nakaupo sa isang silya malapit sa pintuan ng inuupahang apartment habang hawak ang kanyang cellphone na sina-charge at nakasaksak sa kalapit na outlet. Nag-i-iscroll lang siya noon ng mga online items na naka-flash sale sa kanyang Shoppee account at nagbabasakaling may magugustuhan na ang presyo ay siguradong magaan sa bulsa.
Napabugtong-hininga naman si Deanna at inis na bumangon mula sa pagkakahiga at hinarap ang kasintahan. "Bored ako!" Himutok pa niya habang nakanguso.
Nangingiti namang binitawan ni Jema ang kanyang cellphone, tumayo at naglakad palapit kay Deanna, hinawakan ang kanyang mga kamay at hinila siya paupo. "Ang cute-cute talaga ng baby ko." Paglalambing niya habang pinadadapuan ng mumunting mga halik si Deanna sa kanyang noo, ilong at pisngi at saka idiniin ng bahagya ang labi sa labi rin ng kasintahan. "Anong gusto mong gawin natin?"
"Hindi ko alam." Matamlay na tugon ni Deanna. "Miss ko na pamilya ko sa Cebu."
Tila naman naramdaman rin ni Jema ang lungkot na pinagdadaanan ni Deanna sa kadahilanang matagal na rin siyang hindi nakauuwi sa Cebu at minalas na na-stranded sa kanyang apartment sa Manila kasama niya dahil sa ipinatupad na Enhance Community Quarantine sa buong Luzon bungsod ng COVID-19. Siya rin man ay hindi rin nakauwi sa kanila dahil sa nasabing sakit ngunit masaya na rin siya sapagkat nataong si Deanna ang nakakasama niyang palipasin ang mga araw habang hinihintay nila kung kailan tatanggalin ng gobyerno ang ipinatupad na ECQ.
"Lablab, baby...hey, look at me."
Sumunod naman si Deanna at malabing na nagtitigan ang kanilang mga mata. "I really miss them..."
"I know, I know. Pero wala kasi tayong magagawa diba? Sigurado akong namimiss ka na rin nila at lagi ka rin nilang iniisip."
Ngumiti naman si Deanna sa pagsisikap ni Jema na panatagin ang kanyang loob. Tunay ngang napakaswerte niya sa kanyang kasintahan at araw-araw siyang nagpapasalamat sa Diyos dahil sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataong makilala at makasama ang isang Jema Galanza. "I love you, mahal ko."
Natawa naman si Jema. "Redundant ata yon, baby?"
Nagkibit-balikat naman si Deanna at inalis ang mga kamay mula sa pagkakahawak ng kasintahan. Kanya namang ikinulong sa kanyang mga bisig si Jema. "At hindi ako magsasawang paulit-ulit na sabihin iyon sa iyo dahil iyon ang totoo. You own my heart, Jema and I will keep you here, forever." Madamdaming saad niya at saka siniil ng halik ang kasintahan na tinugunan naman ni Jema hanggang sa ang halik na iyon ay lumalim, mapag-angkin at nangangailangan.
Ramdam nilang pareho ang biglang pag-init ng silid na kanilang kinaroroonan na nagpatindi sa bugso na kanilang mga damdamin upang ipadama sa isa't-isa ang marubdob na pagmamahal kasabay ng pagbalot ng init sa kanilang mga puso. Kapwa hinihingal nang sila ay naghiwalay.
"Isa pa!" Ani Deanna at kumindat pa habang muling hinabol ang mga labi ni Jema.
Sa halip na ito'y lumapat sa nga labi ng kasintahan, sa hintuturo ni Jema dumampi ang kanyang halik. Kumunot naman ang noo ni Deanna.
"Oops." Humiwalay na si Jema mula sa kanilang pagkakayakap at bigla ay naging seryoso ngunit masigla ang awra. "Tama na yan kasi may naisip na akong gagawin natin para mapawi ang pagkainip at pangungulila mo, for now, sa family mo."
"Ugh!"
"Deanna, baby..."
"Okay..." napipilitang sagot ni Deanna habang naka-pout.
YOU ARE READING
Love Poison
FanfictionI thought it's beautiful, one sweet love potion...till I realized it's dreadful, one bitter love poison.