Prologue

14 1 0
                                    

Minsan parang sasabog na ang puso ko dahil sa pagmamahal ko sa kaniya. Nakakatakot, kasi hindi ko alam na posible palang magmahal ng ganito. Hindi ko pa nararanasang umibig ng sobra-sobra

Sa kaniya lang.

Maraming beses na gusto ko siyang yakapin at iparamdam sa kaniya ang labis na pagmamahal ko. Ang hirap para sa akin na araw-araw ko siyang nakikita, at araw-araw ko rin kailangang pigilan ang sarili kong lumapit sa kaniya. Nakakahibang kasi nakakubli lahat ng pagsinta rito sa puso ko. Nakakatakot kasi baka dahil dito may magawa akong hindi kanais-nais.

Baka may magawa akong ikagagalit niya.

Kailangan ko ng paglalabasan ng nararamdaman ko, kasi hindi ko rin naman 'to puwede ipaalam sa mundo.

Hindi puwedeng mahalin ang guro mo.

Walang HimatonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon