Nagsilabasan ang mga kamag-aral ko sa silid na aming pinanatilihan. Room 414 ang aming silid-aralan.
Nakakainis. Bakit ba kasi ang kalat ko na lang lagi? Iyan ang pumasok sa isip ko habang nagmamadaling ayusin ang mga gamit kong nakakalat sa upuan. Pati sina Alice iniwanan ako. Sabagay, magpapasa pa sila sa mga guro sa baba.
"Kumusta ka naman, Katrina?" Nagulat ako nang biglang may nagsalita sa likod ko. Napatigil ako. Shems. Ang sarap pakinggan ng boses niya. Nag-init ang pakiramdam ko at sigurado akong namumula na ako nang bahagya. Katrina. Cathrene ang totoong pangalan ko, este pangalawang pangalan.
"A-ayos naman po, Ma'am. Buhay pa rin awa ng Diyos. Hehehe." Inayos ko ang tono ng boses at pustura ko para hindi halata. Basic. Sanay naman akong magtago e. "Hindi ka naman nahihirapan sa mga kaklase mong pangit?" Baka nagtataka kayo bakit niya ako tinatanong ng ganiyan. Ako kasi ang pinuno ng klase namin. Siya ang aming gurong tagapagpayo.
"Madalas po kasi sina Henry laging lumilipat ng upuan, pero nadadaan naman po sa matagal na pakiusap. Saka po si June, laging may suot na pangatlong hikaw." Sinabi ko ito sa kaniya habang tinititigan ang bawat detalye ng kaniyang mukha. Wala ka na namang kaalam-alam. Hay. Si Lord na ang bahala sa iyo. Charot. Ako na lang hihi.
"Hay nako. Konsumisyon talaga 'yang mga kaklase mong pangit. Baka gusto nilang matalakan ko na naman sila." Tumawa ako ng mahina. Tumayo na siya at binuhat ang mga gamit niya. "Sige. Aalis na ako, Katrina."
"Sige po. Paalam po!" Ano'ng ginagawa mo Natalia? Magsalita ka na! "Ma'am..." Tumalikod si Ma'am Alva at sinara ang pinto. Nagsimula siyang lumapit sa akin at balak pumunta sa upuang nasa tabi ko. "Ano 'yun?" Shit. 'Wag!! "'W-wag na po pala." Nginitian ko siya at kinaway ang kamay ko bilang pagwalambahala sa sasabihin ko.
"Sige. Aalis na akooo." Bumalik siya sa pinto at tuluyan na ngang lumabas. Nalungkot ako at nainis din sa sarili ko. Sinayang ko na naman ang pagkakataon.
Ang totoo niyan ay dapat tatanungin ko siya kung puwede ko siyang yakapin. Matagal akong nawala sa klase dahil sa sakit, at ang tagal kong nangulila sa kaniya. Pagkakataon ko na 'yon e. Kaming dalawa lang ang nasa silid at walang manghuhusga. Ako na lang ang hinihintay ng mundo!
Hay. Ang torpe ko talaga.
BINABASA MO ANG
Walang Himaton
Teen FictionHalata raw ako sabi ng mga kaibigan ko, pero bakit siya walang kaalam-alam? Bulag ata siya sa mga himaton na aksidente kong nabibigay. * Paalala: Ang mga tauhan ay kathang-isip lamang at wala akong pinagbasehan sa totoong buhay. Kung ang isa sa mga...