dalawa

13 1 0
                                    

"Uy, makikita ko rin naman pala kayo rito e. E 'di sana magkasabay na lang tayo bumaba." Sabi ko noong nadatnan ko ang mga kaibigan kong sina Alice at Nikki sa harap ng faculty. "Sorry, Nachi. Nagmadali na kasi kami. Pagbaba na nga namin parang ayaw na kaming kausapin ni Ma'am Pamintuan. Hindi tuloy kami makakakuha ng permit." Umirap si Alice kasi lagi na lang gano'n si Ma'am Pamintuan. Nakakainis din talaga siya.

Naglakad na kami pababa ng hagdan habang patuloy na naglalabas ng inis si Alice. Minsan nakakatawa kasi tahimik lang siya pero ngayon gigil na gigil siya. "Chill ka lang, Alice. Mamamatay din tayong lahat." Sinabi ko ang linya ko sa tuwing may problema. Napatawa ko naman siya dahil dito. "Oo na, Nachi. Mamamatay din naman tayong lahat kaya dapat hindi ko siya problemahin."

"Nga pala, ano'ng nangyari sa 'yo at nagtagal ka sa silid?" Tanong sa akin ni Nikki. Napayuko ako ng konti. "Nakita namin si Ma'am Alva bumaba tapos sumunod ka. Ikaw ah." Alam nilang torpe ako. Matagal ko nang gustong gawin 'yon. Ano kaya reaksiyon nila pag nalaman nilang 'di ko pa rin ginagawa?

"Ano kasi..." Kinuwento ko sa kanila 'yong nangyari. Jusko. Nakakahiya. Hindi ko na naman nagawa.

"Ha?! Wala pa rin?!" Napasigaw si Alice pagkatapos kong ihatid ang balita. Napahawak siya sa mukha at umiling na lang. "Hay nako. Torpee." Inasar naman ako ni Nikki. "Bakit dati naman ikaw pa ang nangunguna sa mga ganiyan sa kaniya? Sinabihan ka pa ngang 'wag dumipende sa kaniya e. Ibig sabihin no'n butiki ka, ghorl. Kapit na kapit." Dagdag pa ni Nikki.

"E 'yon na nga. Sinabihan akong dumistansiya. Ano pa bang gagawin ko? E 'di dumistansiya!" Naalala ko na naman 'yong araw na 'yon. Hay nako.

Nakarating na kami sa lobby. Kailangan na rin nila umuwi agad kaya nagpaalam na ako. Naiiwan ako lagi mag-isa kapag uwian e. Kaya diskarte na lang maghanap ng gagawin. 'Di ako sanay na mag-isa kapag maraming tao sa paligid. Hindi ako napipirmi. Mas gusto ko mag-isa kapag walang masyadong tao.

Gano'n siguro 'no? Kapag lumalim na 'yong nararamdaman mo, magsisimula ka nang maging maingat sa mga ginagawa mo. Dati naman kasi, happy crush lang e. Makalipas ang walong buwan, ayon, patay na patay na.

Walang HimatonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon